Chapter 36

156K 2.3K 186
                                    

 

(JUSTINE)

 

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa sa atin ni Lia ‘to. Si Sophia matatanggap ko pa pero si Lia. Why would she do this to us?” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Julia. Pare-pareho kaming walang maisagot. Dahil pare-pareho lang kaming walang alam sa nangyayari.

”Si Sophia lang naman ang may dahilan ng lahat na ito. It’s either kusang sumama si Lia kay Sophia o may mas malalim pang dahilan kung bakit ganun ang nangyari.” Mahinahong sagot ni Timothy. Halos lahat sila hindi maka-move on sa nangyari, pati din naman ako. Sa totoo lang hindi ko na din alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung sino ang kakampihan ko.

”Mabuti pa ang problemahin muna natin ay kung paano na tayo ngayon. Mukhang sa lansangan tayo pupulutin lahat. I can’t access my bank accounts, lahat naka-freeze. Even sa sarili kong pamamahay hindi ako makapasok dahil andun ang mga guards ni Sophia. Making sure na hindi ako makakapasok. How ca she do that? Hindi na iya sakop ang mga properties at mga pera natin pero nagawa pa rin niyang i-hold ang mga iyon?” Tanong ni Daniel. Tama siya, kaming lahat na-experience ang nangyari kay Daniel. Kaya nga kami nagtipon-tipon dito sa isang fast food para pag-usapan ‘yon. Bawat bahay namin may mga black crown guards na nakabantay. Hindi din namin magamit ang mga credit cards and mga debit cards namin. Trapped kami.

“You don’t really know how much Sophia can do. Isa lang ito sa mga kaya niyang gawin sa atin. Gaya ng nangyari sa Ramos Group. In just a snap, nawala agad ang yaman na meron sila. Kaya niyang paikutin sa palad niya tayong lahat.” Sabi ni Clarissa. Maski siya na ang babaeng pinakamamahal ng kakambal niya, nagawa niyang pahirapan.

”Mas makakabuti siguro na sumunod na lang tayo sa kagustuhan ni Sophia. If she want us to be an ordinary person then we should be. Kapag lalo tayong nanlaban, lalo lang din niya tayo pahihirapan.” Sabi ko sa kanila. Mukha namang napaisip sila sa sinabi ko. Kailangan lang namin paamihin siya, yun na lang ang paraang naiisip ko.

”I think you’re right, Justine. We can’t do anything lalo na ngayon, wala tayong kapangyarihan na gawin ang gusto natin.” Malungkot na sagot ni Julia. Sumang-ayon silang lahat.

“Una sa lahat, saan tayo titira?” Tanong ni Daniel. Lahat kami nagkatinginan. Wala naman kaming ibang mapupuntahan. Wala din gustong tumulong sa amin. Hindi naman namin macontact ang Council dahil alam namin na bago pa kami makapunta doon naharangan na ni Sophia.

“I think we should start looking for a hotel or condo.” Sabi ni Alexa.

“Ginawa ko na yan kanina, but makita pa lang ako ng mga staff ng kahit anong hotel at condominium tinanggahan na agad ako.” Inis na sabi ni Timothy.

 

“Paano na tayo niyan?” Tanong ko naman.

“Alam ko na. Sophia make sure that hindi tayo makakatira sa mga famous hotels, dahil ang gusto niya tumira tayo sa mga alam niyo na pang’low class’ na place.” Sagot ni Acel. Seryoso talaga siya sa sinabi niya na gusto niya kaming maging isang ordinaryong mga tao. Napansin ko si Clarissa na nakatingin sa labas ng bintana.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon