Chapter 42

150K 2.4K 343
                                    

Chapter 42

 

(THIRD PERSON)

 

“Anong balita?” Tanong ni Justine..

“Wala pa din. Halos nahalughog na namin ang buong lugar pero wala. Chineck na din namin yung mga nagkalat na CCTV camera sa paligid para makita kung dumaan ba dun si Sophia pero wala din..” Sabi naman ni Daniel. Halos pagod sila sa maghapon paghahanap kay Sophia, hindi na nga sila nakakain. Maggagabi na pero hindi pa din nila nakikita si Sophia..

“Teka nga, asan si Timothy?” Tanong ni Justine.

”Ewan, bigla na lang nawala kanina.” Sagot naman ni Acel. Ang dating tahimik na paligid ng Montereal Palace ay napuno ng ingay. Lahat ng mga butler at maid ay nakalabas para tumulong sa paghahanap kay Sophia.

”O, anong meron dito?” Agad silang napatingin sa pinanggalingan ng boses.Ang mga butler a maids ay umayos ng tayo at humilera. Ang mga Class S Guards at Black Crown Guards ganun din.

“Sophia!” “Young Mistress!” Agad silang  lumapit sa kinaroroonan niya..

”Saan ka ba nagpunta?!” Inis na tanong ni Justine..

”Naglakad-lakad lang.” Walang ganang sagot ni Sophia.

”Naglakad-lakad lang? Wow! Nag-aalala kaming lahat sayo, tapos yan lang ang sagot mo naglakad-lakad lang. E halos nahalughog na namin ang buong lugar na ’to ni anino mo wala! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo! Sana naman bago ka umalis nagpaalam ka kahit sino sa amin para hindi kami nag-aalala! Napaka-insensitive mo!” Nagulat silang lahat sa outburst ni Justine.

”Justine, tama na yan.” Awat ni Natalie..

”You’re right Ate, tama na. Ayoko na, nakakasawa na! Lagi mo na lang binabalewala ang nararamdaman ng iba! Lagi na lang ang sarili mo ang iniisip mo! Napaka-selfish mo! Buti nga namatay ang mga magulang mo pati na rin si Yves kasi napakamakasarili mo!”

*SLAP* Umalingaw-ngaw sa buong lugar ang sampal na ibinigay ni Sophia kay Justine.

”Wala kang alam, para magsalita ng ganyan Justine Dela Vega. At sino ba ang may sabi na hanapin niyo ako, na mag-alala kayo sa akin. Wala naman di ba? Kaya wala akong pakielam.” Walang emosyong sabi ni Sophia at nagdire-diretso siyang pumasok sa loob..

(LIA)

Haay. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon wala pa rin nagbabalita sa akin na nakita na si Sophia.

“Pasaway ka talaga Sophia, kahit kailan..” Tapos narinig ko na lang na may taong papunta sa direksyon ko..

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon