Chapter 32

174K 2.4K 165
                                    

Chapter 32

(LIA)

 

“The first battle will be a Fashion Show.. That's all..” Sabi ni Sophia.

 

Ano? Yun lang? Sus! Sisiw lang yan sa akin. I already master the way fashion show should be. So, alam kong mananalo kami. I have to do this!

“That's it?” Tanong ni Daniel. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Nagthumbs-up ako.

“Yup. Easy isn't it?” Makahulugan sabi ni Sophia at saka tumingin sa akin. I don’t like the way Sophia looked at me.

“Ipakita niyo sa akin ang galing niyo. Kung bakit kayo nararapat sa mga posisyon niyo ngayon. And it will be Lia versus Amber. ELLA Clothing vs PRINCESS Couture. It will be a fantastic battle, right?” Tapos tumingin si Sophia kay Daniel.

“Right..” Bulong nito.

Beside as being the Media Princess, Amber is my rival in the world of business. She owns the Princess Couture.

Napatingin naman ako kay Amber. She's looking at me, nang makita niyang nakatingin ako sa kanya she smirks. I really hate her! Pero mukhang hinahamon akong babaeng ito. Sa tingin ba niya matatalo niya ako?

Well, she better think twice. I rule the world of fashion. Kaya nga I was named the World’s Fashion Icon.

“And before I forgot, theme will be summer. I want a sizzling hot summer fashion show..”

 (THIRD PERSON)

 “Amber...” Tawag ni Sophia sa human barbie.

“Yes, Empress?” Agad sumagot si Amber. May inabot na maliit na kahon si Sophia kay Amber.

“What's this?” Tanong niya.

“A memory of past love..” Binuksan ni Amber yung kahon at nagulat siya sa laman nito.

 “H-how did you get this?” Gulat na tanong niya kay Sophia. Umupo si Sophia, at saka uminom ng wine.

“Use that, I trust you to do what I said..” Hindi nito sinagot ang tanong ni Amber. At agad naman itong naintindihan ni Amber.

“Yes, My Empress...”

 (CLARISSA)

Bumalik na kami sa Academy matapos ang dapat ay masayang new year’s eve sa private island ni Sophia sa Thailand, dahil kailangan ng magkaroon ng preparation para sa unang laban.

Naalala ko nung unang beses kami muling nagkaharap ni Sophia. Kinilabutan ako noon, ewan ko ba pero ganun ang naramdaman ko. Siguro ganito din naramdaman nila nung bumalik si Sophia. Pero kahit ganoon, si Yves ang nakikita ko kay Sophia.

Pinagmasdan ko ulit ang kabuuan ng Royal Academy. Ang daming mga alaala dito na hinding-hindi ko makakalimutan. Mga ala-alang habang buhay na mananatili sa puso’t isip ko. Napahawak ako sa singsing na ibinigay niya..

 “Yves, andito na ulit ako..” Mahinang usal ko.

Hindi ko na naman napigilan na hindi maiyak. Ilang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang yun nangyari lahat. Masakit pa din. Ganito din siguro ang nararamdaman ni Sophia.

Napagdesisyunan kong pumunta sa puntod niya ng makasalubong ko si Sophia.

“Dinalaw mo ba siya?” Tanong ko. Napahinto siya saglit.

“I don't have time. And stop talking to me as if we liked each other, when we don't.” Malamig nitong sabi at saka dire-diretsong naglakad paalis.

Napapanganga lang ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy napansin na nakita pala ni Julia ang encounter nanin ni Sophia.

“Clarissa may problema ba?” Tanong ni Julia. Umiling ako at saka ngumiti.

“Wala naman Julia. It’s just that...” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

“I know, Clarissa. Ganyan din naman siya sa amin.. Kailangan na lang natin masanay..” Napahinga ako ng malalim at saka tumango.

“Can you keep a secret Julia?” Tanong ko sa kanya..

“Oo naman..” Sagot naman niya.

“Kaya ako bumalik dito dahil inutusan ako ng Royal Council na bantayan si Sophia..” Parang naguluhan naman si Julia sa sinabi ko..

 

“Bantayan? Bakit naman?” Tanong niya.

“Ang sabi nila, kapag may ginawang maling ginawa si Sophia namakakaapekto sa buong Royal Academy, wala silang magagawa kundi...” Naalala ko na naman yung makaharap ko ang Royal Council.

 “Kundi ano?” Tumingala ako at saka tumingin kay Julia.

“Tuluyan nang mawawala na ang lahat sa kanya..”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon