MPiMH Part 55

1K 18 8
                                    


MPiMH part 55



Michaels's POV

Pagmulat ng mata ko naramdaman ko agad ang matinding sakit sa ulo ko. Marahan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at naupo.

Tulad nung mga nakaraang araw, napakatihimik pa rin ng bahay. Walang tumatawa na Tintin at walang maingay na Cindy.

"Ano ba naman?!" sigaw nung nasa labas. Mukhang nandito na naman sa pamamahay ko ang magaling ko'ng kapitbahay na si Ryan.

Inayos ko ang sarili ko at nagtungo sa sala, duon nakita ko ang ilang mga taong kilala ko. Ano ba'ng ginagawa ng mga ito rito?

"Yo!" sabi ng kapatid ko.

"Konichiwa Mike-kun!" bati naman ni Yuuka na tumigil sa pangungulit sandal kay Miggy.

"Pre sali ka!" tinaas ni Ryan ang kapit n'yang mga baraha. "UNO tayo, game!"

"Good morning Master." bati naman sa akin ni George na tumigil paglalaro nung makita ako.

Tinitigan ko lang s'ya pansamantala bago ko s'ya kausapin. "Kung iniisip mo na babalik na ako sa mansion dahil wala na sina Cindy dito, nagkakamali ka." Nagtungo ako sa tabi ni Ryan at naupo duon, kinuha ko ang uno cards na nilalaro ni Kuya George at nakipaglaro ako kina Ryan. "Bakit ba ang aga-aga eh nandito kayo sa pamamahay ko?"

Naglapag si Yuuka ng isang card na kapit nya, ang skip, at hindi nakatira si Miggy. "Ano ba? Magpatira ka naman!" sigaw nito kay Yuuka pero tinawanan lang siya nito. "Kainis, ayoko na nga!" maktol ni Miggy.

"Yung totoo, nandito lang talaga kayo sa bahay ko para maglaro?" iritable ko'ng tanong sa kanila. "I want to remind you all na hindi tambayan ang bahay ko."

"Oh well Mike-kun, concern lang naman ang kapatid mo sa'yo. Alam mo ba na pinilit pa n'ya ako na sumama?" kwento ni Yuuka.

"Excuse me? Sa pagkakaalam ko ikaw ang gusto sumama sa akin. Hindi kita niyaya." Depensa naman ni Miggy, si Yuuka naman nag face reaction na lang na tila inaasar pa ang kapatid ko. "Kuya, gusto mo sumama? Ay mali pala, hindi kita tatanungin dahil sigurado ako na hindi ka sasama. What I mean is, samahan mo naman ako."

Saan naman s'ya magpapasama? "Malaki ka na, kaya mo na 'yan." tatayo na sana ka ako nang bigla s'yang magsalita.

"May liligawan sana ako. Kailangan ko ng suporta mo bilang kuya."

Pagtingin ko sa kanya, nakayuko lang s'ya at ayaw tumingin ng derecho sa amin, nahihiya ata. Si Yuuka naman napanganga na lang at tila nabigla sa narinig n'ya kay Miggy. Kahit hindi naman n'ya sabihin sa akin alam ko naman na gusting-gusto n'ya ang kapatid ko. Si Ryan naman nakangisi at hinahampas-hampas pa si Miggy. "Hoy Mike, samahan mo na kapatid mo. First time ata mag co-confess eh ayiieee." Sabay tawa ng malakas ni Ryan.

"Uhm... u-uwi na, ko." Sabi naman ni Yuuka at nagmadaling nagpunta ng pinto. "Goodluck Miggy!" yun na lang ang narinig naming kay Yuuka pagkatapos noon ay narinig naming na lumapat ng sara ang pinto.

Ilang sigundo rin na walang nagsasalita sa aming apat na natitira sa bahay. Si Miggy na ang bumasag sa katahimikan namin. "Matutulungan mo ba ako kuya?" humarap s'ya sa akin.









My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon