MPiMH Part 33

5.7K 89 2
                                    

 

 

MPiMH Part 33

“Wow!! Beach!!!” excited na sigaw n’ya nang makarating ang sinasakyan naming van sa isang resort. Dahil tapos na ang exams nag suggest si Mam Allaga na pumunta kami sa isang resort para maalis na lahat ng stress namin. Kaya eto kami ngayon sa isang malaking resort!

“Ang bait talaga ni Mam Allaga noh! Biruin mo free wala tayong ginastos!”

“Ano ka Eress, hindi naman tayo nandito para lang mag enjoy noh. Nakalimutan mo ba yung sinabi ni Mam Allaga? Narito rin tayo para maglinis ng dalampasigan, in short, hindi ito purong vacation.” sabi naman ni Mhean.

“Kahit na!! Beach pa rin to!!! Yahooooo!!!!” sabay hubad n’ya sa suot n’yang jacket. “Tara na guys!! It’s swimming time!!! Init na init na ko!” patakbo s’yang nagtungo sa dagat at nagtampisaw nagsunuran naman yung iba kong mga kaklase.

“Eh Cindy? Bakit parang hindi ka ata masaya?”

“Oo nga Cindy. Ahh Trixie, ito na yung bag mo.”

“Salamat Eron.”

 Ang reason kung bakit ako hindi masaya? Nagsimula lang naman ito nung bumalik kami sa bahay n’ya.

A few days before…

Matagal na naming itong hindi ginagawa kaya this time sinubukan ulit namin ni Tintin na mag costume pag babatiin namin s’ya ngayon at dahil magsusummer na ang napili naming costume ay swimsuit.

“Welcome home Dhie.” Bati namin sa kanya pagkapasok n’ya ng bahay “Okay ba ang swimsuit ko? Ito ang gagamitin ko sa trip natin sa resort sa Saturday.”

Pero tinitigan n’ya lang ako na para bang wala lang  tapos bigla n’ya akong hinawakan sa magkabilang balikat sabay sabi ng “Baka magka-ubo at sipon ka pag nag suot  ka ng ganyan, mabuti na lang hindi ka pa sinisipon. Ito oh, isuot mo muna ito para hindi ka ginawin.” Iniabot n’ya sa kin yung polo na suot n’ya.

 Pagkatapos nung scene na yun may mga kasunod pa!

Hindi s’ya masyadong lumalapit sa kin. Pag matutulog s’ya sa kwarto namin ni Tintin, sila lagi ang magkalapit hindi n’ya ako kinakausap. Sa school naman tinatalikuran n’ya ako. Sa time naman ng klase namin lalapit ako sa kanya para kunwari magtanong about sa lesson tapos sasagutin naman n’ya pero pagkatapos nun hindi na naman n’ya ako kakausapin!

ARGH!!!! Ito ba ang naging bunga ng dalawang linggo naming pagtira kay Tito?!!

“Cindy, bibili kami ng halo-halo sama ka?”

“Sige,sasama ako.”

Naglakad kami papunta sa isang cottage kung saan nagpapahinga yung mga profesoors namin habang kumakain ng halo-halo.

“Sir Mike, saan po yung nagtitinda ng halo-halo?” ako na talaga ang nag volunteer na magtanong para pansinin n’ya ako tapos ang ginawa ba naman! Kina Eress humarap at nilagpasan ako?! Sino ba namang magiging masaya pag ginaganito ka ng asawa mo?!

“Dun yung tindahan ng halo-halo. Ang sarap grabe!”

Hindi mo talaga ako papansinin ha?!

Lumabas ako saglit ng cottage at lumapit dun sa dalawang bata na naglalaro ng bola “Pwedeng pahiram ng bola?”

“Sige po Ate.” Iniabot nung bata sa kin yung bola at pagkakuha ko nun bumalik ako sa cottage at ibinato ko yun ng malakas sa ulo n’ya.

“Hoy Ms. Francisco! Anong ginawang masama sa’yo ni Mr. Hernandez at binato mo s’ya?” tanong ni Mr. Lizardo pero inirapan ko lang si Sir Mike na nakatingin din sa kin habang hawak yung ulo n’ya.

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon