MPiMH part 23

6.3K 82 4
                                    

Maraming salamat po sa pagbabasa ng story na 'to, 

and thank you din kasi every week na bubuksan ko ang wattpad account ko parati kong nakikita na may nagpa-follow sa kin,may nag vo-vote ng story ko at every week,padami ng padami ang nag-aadd ng story ko sa kanilang reading list, thank you so much po talaga! tagos to the bones na pasasalamat^_^

======

NAME: Yuuka Nanri

AGE: 19 years old

A.K.A.  Yuuka~chan , Yuuka, Yuu

----------------------------->>>>>>>

======

MPiMH part 23

"Punta lang ako ng kusina, hugasan ko na 'to Dhie."

"Tulungan na kita Mhie"

"Hindi na, mag bonding na lang kayo ni Ryan dito sa sala. Tsaka nung nakina Ryan ako natuto ako sa mga ganitong gawain kaya ipaubaya mo na to sa kin." sinamsam ko na yung mga plato na nasa sala at dinala yun sa lababo. Haii, buti na lang tinuruan ako ni Ryan sa mga gawaing bahay, tulad ng mga ganito at pati na rin sa pagluluto, feeling ko tuloy isa na akong ganap na wife^_^

TOK!TOK!TOK!

Hmm? Sino kaya yung kumatok? Bisita?

"Pre!!Nice catch!!" 

Boses ni Ryan yun ah,. sino kayang dumating? Masilip nga.

"Dhie, sinong dumating?" akala ko bumalik si Brix pero nagulat ako ng ibang tao ang nakita ko sa harapan ng pintuan at nakayakap pa kay Dhie-dhie ko!!

"Dhie-- SINO YAN?!!" sabay turo ko sa babaeng nakayap sa kanya. pero familiar yung face n'ya sa kin, san ko ba s'ya nakita?

"T-teka Mhie, magpapaliwanag ako. H-hindi ko s'ya kilala!!" sabay tulak n'ya dun sa babae.

"HOY BABAE!!! SINO KA??!!" susugudin ko dapat yung babae pero bigla akong hinatak ni Ryan

"Chillax lang Cindy!" 

Chillax?!! Pag ganito ang sitwasyon na makikita ko ang asawa ko habang yakap ng isang matangkad, maganda at sexy na babae sa tingin n'yo makakapag relax pa ko?!! Gyera na to!! Tulungan n'yo ko! Sugudin natin ang babaeng to! mag full force tayo! 

"Oh, so. you're Cindy Francisco?"

"T-teka nga, sino ka ba?!" ask ni Dhie.

"I'm Yuuka Nanri. But you can call me Yuu."

"Yuu??" ask ko

"Yup!! Oww~~ i'm very cold. Please keep me warm." tapos ayun yumakap na naman s'ya sa Dhie-dhie ko!! Argh!! kakalbuhin talaga kitang babae ka!!! Hahanap ako ng gunting sandali!!!

Eh kaso walang gunting sa paligid kaya yung aparador sa gilid ang nahawakan ko at

"AAAAAAARRRRRRRRGGGGHHHHHH!!!!" naitulak ko yung aparador kaya bumara yun at nagkalat ang mga lamang sapatos sa sahig. Malalaking hakbang akong nagtungo sa kanilang dalawa at hinawakan ko yung babae sa magkabilang balikat at pabigla ko s'yang iniharap sa kin. Itinaas ko yung kanang palad ko para sana sampalin s'ya pero pinigilan ako ni Mike.

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon