MPiMH 39

1.7K 48 4
                                    

“I’m home!”dali-dali syang pumasok sa loob ng bahay at lumapit sa amin ni Tin-tin habang nanunuod ng TV, yumakap naman si Tintin sa kanya. “Hello bhie-bhie. Oo nga pala mhie.”  May naiabot sya sa kin na isang sobre. Agad  ko yung binuksan at nagulat ako sa nakita ko. “Ticket yan.”

“Ticket? Para san?” tanong ko sa kanya.

“Cruise shipticket.” Patuloy sya sa pakikipag harot kay Tin-tin. “Ilang araw na lang kasi anniversary na natin.” Umupo sya sa tabi ko habang nakaupo sa lap nya ang kapatid ko. “Anniversary celebration sana, at gift ko na rin sayo.” Ngumiti sya ng malawak sakin.

“HAAAAAAAA????!!!!!!!” sagot ko sa kanya.

“Teka teka! Hindi pwede!!”

“Hmm? Bakit naman?  Ayaw mo? O may iba kang lakad?” biglang nagdilim ang paningin nya, kumirong ako.  “Yun naman pala eh.Tuloy na tayo .”

“Hindi, kasi, nakita ko yung mga bills, medyo malaki yung mga dapat bayaran, kuryente,tubig, yung upa dito sa bahay, final exam pa ni Tin-tin , next week na yun. Baka pwedeng i-refund na lang ‘tong ticket?”

Maayos na kinuha nya ang ticket sa kamay ko at kinuha ang phone nya, may na i-dial sya duon at maya-maya ay may sumagot mula sa kabilang linya.

“Hello? Janine?..Si Mike ‘to”

Janine?

Teka, yun yung bagong nurse dun sa clinic ah!

“Tatanong ko lang sana kung free ka sa weekend?”

Bakit may communication silang dalawa? Hala! Nangangaliwa ba sya sa kin?! Kilala ko yung Janine na yun masyadong sexy! Matangkad at may pagka mestisa! Bagong nurse ng school yun, pero hindi ko sya gusto! Mula kasi nung sya na ang bagong nurse eh lagi na lang may pasyente sa clinic, at madalas pa puro lalaki! Nakinig lalo ako sa usapan nina Sir Mike at Janine.

“May ticket kasi ako dito, cruise ship ticket, wala kasi akong makakasama, sayang naman hindi kasi pwede i-refund.”

HAAAAAA!!!!!!!! Dahil sinabi ko lang na hindi pwede dahil marami gastusin tapos iba na yayayain nya?! Akala ko ba para yun sa anniversary namin?!

“Talaga! Payag ka?! Naku salamat talaga ha?” tumawa pa sya ng malakas.

“Hoy Hernandez!” binawi ko yung ticket sa kamay nya, “Sasama na ko!”

"Pero nag-oo na si Janine.”

“Wala akong pakialam! Bawiin mo!” inarapan ko sya at agad naman syang tumawa ng malakas. “Ano namang nakakatawa?”

“Kasi wala naman ako kausap talaga!”
Lalo lumakas yung tawa nya,kainis!

"Pano ba yan? Eh di oo na? Wala ng bawian “ tumawa pa sya lalo.

Bwisit talaga ‘to eh, tatamaan na ‘to sa kin. Akala nya makakaisa sya ha,pwes hindi. “Sa isang kundisyon!” Tumigil sya kakatawa at tumingin sa kin “Kiss ko muna!” pumikit ako at ngumuso sa kanya. Malapit na anniversary namin , siguro naman pwede na ko humingi ng kiss nun? Pero nakaisang minuto na ata hindi pa rin lumalapat labi nya sa labi ko kaya nagmulat na ko ng mata. At ang nakakabwisit na lalaki nakaupo na sa lapag at nakikipaglaro na kay Tin-tin. Agad ko kinuha yung unan na 'nasa couch at inihampas yun ng malakas sa kanya. “Bwisit!”

====


“Maganda naman ako di ba Yuu?” nakasimangot ko na tanong sa kanya kaya napatingin sya sa kin “Diba?diba?”

“What’s your problem ba, onee?” tinuro ko yung sarili ko at inulit ko ang tanong ko kanina.

”Pangit ba ko?” tanong ko ulit habang pinupukpok ko ang nuo ko ng libro.
Kumirong sya.

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon