MPiMH Part 51

1.2K 24 0
                                    



MIKE's POV

"Are you sure you'll be okay here?" I asked her, at tumango naman siya. "Tawagan mo ako sa oras na saktan ka ng lalaking yun darating ako agad." 

Natawa naman siya ng mahina dahil sa sinabi ko . "Magiging ayos lang kami dito ni Tintin wag ka mag-alala. Ikaw ang mag-iingat sa bahay, mag-isa ka lang 'dun ngayon."

"Nandun naman si Ryan sa tabing bahay kaya hindi ako mag-iisa Mhie." hinawakan ko ang pisngi niya. I don't want to leave her here. "Hindi ba pwedeng isama na lang kita pauwi? Kayo ni Tintin." 

"Sir Mike napag-usapan na natin 'to diba? Pumayag ka na rin. Nagkasundo tayong lahat na dito muna kami ni Tintin hanggang sa maka-graduate ako ng college. Ayaw mo ba nun? Open na tayo sa Daddy mo, tanggap na niya kami ng kapatid ko." 

That bastard. 

"Simple lang naman yung hiling niya. Ang mag stay kami ni Tintin dito habang hindi pa ako nakaka graduate. Para wala rin makaalam ng sikreto nating dalawa diba? Isang buwan na lang naman diba Dhie? Pag ka-graduate ko pwede na tayong hindi magtago sa mga tao. Malaya na tayong makakalabas ng magkasama na walang inaaalala. Concern lang naman din sayo ang Daddy mo Sir Mike. Natatakot siya na baka may makaalam ng lihim natin. Kaya habang hindi pa ako nakaka graduate eh, dito na muna ako, kami ni Tintin." 

Napabuntong hinga na lang ako habang nakatingin sa kanya. "Basta pag may pinagsasabi sa'yo ang lalaking 'yun wag na wag ka magpapaniwala agad ha? Sa akin ka lang maniniwala." hinawakan ko ang kamay niya. "Mag promise ka sa 'kin." 

"I promise." nakangiting sabi niya sa akin at hinalikan ko siya sa noo. "Hindi ba pwedeng dito?" tinuro niya ang lips n'ya kaya nabatukan ko siya ng mahina. "Ano ba yan! Joke lang naman eh."

"Pumasok ka na sa loob baka sipunin ka. Magpapakabait kayong dalawa ni Tintin. " sabi ko sa kanya habang pinipisil ang pisngi niya. 

"Yes Sir!" 

"Kita tayo bukas sa school. After a month, uuwi kayo agad sa bahay ko." pagsisisgurado ko sa kanya. 

Ayaw ko man sila iwan dito, pero wala akong magawa. Natatakot ako na baka kung anong sabihin ni Dad sa asawa ko na maaari niyang ikagalit sa akin. 

Naglakad na ako palayo nang mag ring ang cellphone ko.

Mhie-mhie calling...

Agad ko iyong sinagot at humarap sa kanya na nasa pintuan pa rin ng mansyon. "Oh bakit? Miss mo na 'ko agad mhie?" 

"Ingat ka lagi Sir Mike. Babalik ako after 1 month." tumango ako sa kanya. "Isipin mo na lang nasa bahay kami ulit ni Tito, tulad noon diba?" 

"Nabawi ko naman kayo agad sa Tito mo noon nung hinamon ko siya. Hamunin ko rin kaya si Dad?" narinig ko ang pagtawa niya sa cellphone ko. "Biro lang, hindi naman ako mananalo dun. Pasok ka na sa loob. Don't worry, I will take care of myself. Then next month, you'll be mine again." 









CINDY FRANCISCO

Nasa sala kami ng Daddy ni Sir Mike. Dito kami madalas tumambay ng kapatid ko kasi parang ang patay patay ng bahay na ito. Pag dito kami madalas maupo ni Tintin sumasaya ang bahay dahil sa kabibuhan ng kapatid ko. Halos lahat ng maid na dumadaan ay binabati niya kaya ang mga dating walang buhay na maid ngayon ay mga ngumingiti na rin. 

Mahigit isang linggo na kaming nakatira ng kapatid ko dito. Ayos naman ang pakikitungo nila sa amin ng kapatid ko. Si Mama Sheryl parang anak na rin ang turing sa amin. Kung minsan nga naisasama pa niya kami mag shopping at sobrang dami niyang pinapamili para kay Tintin. Sabi niya paglabas daw ng baby sa sinapupunan niya ay sana kasing sigla at kasingganda ito ni Tintin. 

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon