MPiMH part 25

6K 84 7
                                    


Yung tipong nakalabas na ako ng bahay tapos naalala ko 

FRIDAY nga pala ngayon!!!! Kaylangan mag-update!! bumalik tuloy ako at nag net ulit,para lang makapag update ng MPiMH, hahahaXD

sana po magustuhan n'yo guys^_^

This chapter  is dedicated to bhy1331

=========

MPiMH Part 25

“Cindy~chan, can we talk?”

“Kung pwede lang Yuuka, layu-layuan mo ko! Baka magbago pa ang mood ko at mabato kita nitong hawak kong baso.”

“Onegai.”

“Nasa Pilipinas ka kaya kung pwede magtagalog ka.” Nilagpasan ko na lang s’ya at magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero hinawakan n’ya ang braso ko pero agad ko yung tinabig. “Ano ba?! Hindi tayo close kaya wag mo kong hahawakan!”

“I mean please, kahit sandali lang. May gusto lang sana akong aminin sayo.” Tinitigan ko s’ya sa mga mata, and I think mukhang seryoso nga s’ya.

“Ano ba yon?”

“Let’s go.”

“Teka, san tayo pupunta?!” basta na lang ako nagpahatak sa kanya sa kung saan hanggang sa makarating kami sa gym-02, sa may rooftop, hapon na kaya walang tao dito at imposible naman talagang magkaroon ng tao dito ngayon kasi may Christmas party sa quadrangle. “Ano bang sasabihin mo at kaylangan na dito mo pa ko dalhin? Paki bilisan ha, baka kasi hanapin ako nina Mhean.”

“Cindy~chan, I’m getting married!!”

Napanganga ata ako sa sinabi n’yang yun. Getting married? Kanino? Kay Mike ko? Hindi pwede!! “Kahit sabihin mo pa sa kin yan Yuu, hindi ko ibibigay sa’yo si Sir Mike!”

“Don’t worry Cindy, hindi naman s’ya ang lalaking mapapangasawa ko.”

“Huh? Anong hindi s’ya?! Eh sino?!”

Kumirong muna s’ya bago nagsalita ulit “I don’t know. I already have a fiancé in Japan.  I am the Nanri family’s only daughter, kaya sa oras na bumalik na ko sa Japan, kaylangan kong maghanap ng lalaking mapapangasawa ko na maaring mamahala sa buong negosyo namin.”

“Pero bakit ka pa magpapakasal sa iba? Eh si Miggy----arararraaaaayy mashakit!!!” bigla na lang n’ya kasing binanat yung mga pisngi ko.

“Labas si Miggy~kun sa usapan, okay?!”

“Ah..o-oo!! Pero please lang! Masakit na!!” tsaka pa lang n’ya binitawan yung pisngi ko. “Ang sakit!”

“Cindy~chan.”

“Hmm?”

“Sumuko na ko kay Michael, wala na akong balak na kunin s’ya sa’yo. Kaya wag kang mag-alala. So, friends?” inilahad pa n’ya yung right hand n’ya pero hindi ko yun tinanggap.

“Hindi pa ko maniniwala sa sinasabi mo, pa’no kung niloloko mo lang pala ko!”

Kumirong naman s’ya. “Don’t worry, hindi ako magsisinungaling sa’yo. And to be honest, may aaminin pa ko sayo. About Miggy~kun.”

“Ano namang tungkol kay Miggy? Wag mo sabihing s’ya ang mapapangasawa mo?”

“You’re wrong, hindi s’ya ang mapapangasawa ko, pero…. Pero..”

“Pero?”

“Pero umaasa ako, na sana nga s’ya ang lalaking yun, pero imposible. Tama ang hinala mo, mahal ko si Miggy, pero s’ya, ang pagmamahal na pinaparamdam n’ya sa kin, ay pagmamahal lang ng isang kaibigan, ng isang kapatid. Kaya imposibleng pumayag s’ya pag s’ya ang gusto kong mapangasawa.”

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon