MPiMH Part 27

5.4K 79 5
                                    

MPiMH Part 27

**MIKE's POV**

Tapos na ang holiday vacation kaya back to school na ang lahat. Masaya naman ang naging holiday vacation namin. Nung Christmas nagkasakit si Cindy kaya hindi kami nakapag celebrate , pero nung gumaling s'ya namasyal ulit kami sa Ocean Park kasama sina Yuuka, Miggy, Tintin at Ryan. Masaya din ang naging new years eve dahil lahat sila sa bahay ko nag-ingay, kasama pa si Brix!

"Sa mga tapos na pakipasa na lang dito sa harapan." halos karamihan naman nagpasa na ng answer sheet nila, pero nung binilang ko, kulang ng tatlo. "Meron pa bang hindii tapos? Kulang ng tatlo."

"Sir, absent po si Bobby, tapos si tibong Eress po may practice ng volleyball."

"Eh di kulang ng isa? Sino pang hindi nagpapasa?"

"Hoy Cindy!! Ipapasa daw!"

"H-huh? Ang ano?"

"Yang answer sheet. Ipapasa daw. Nababangag ka ata ngayon?"

"Huh?! Ipapasa po ba Sir?! Akala ko assignment? " nagtawanan pa yung ibang estudyante.

"Ms. Francisco, may problema ka ba?" ask ko.

"Sir baka inlove hahaha!"

"QUITE!!"

"Sorry po."

"Sir, sorry. pwede po bang ihabol ko na lang po sa inyo? Tatapusin ko po to promise."

"Okay. Everyone, quiz tayo next meeting. That's all for today." lumabas na ako ng room nila pero nung nasa labas na ako muli ko s'yang sinilip sa loob. Nakatingin lang s'ya sa labas ng bintana.

Ano kayang iniisip n'ya?

"Mhie." pangatlong beses ko na syang tinatawag pero tulala pa din s'ya kaya humarang na ako sa TV at tinitigan s'ya sa mukha "Mhie!"

"H-huh? Ba-bakit? Kanina ka pa?"

"Hindi naman, pero ilang beses na kita tinatawag di mo ko pinapansin. Nakakatampo ka tuloy."

"S-sorry. Teka, kukuha ako ng damit mo." pinigilan ko s'ya nung tumayo s'ya "Bakit?"

" May problema ka ba Mhie?"

Tumawa s'ya ng pilit "Wala, napagod lang siguro ako."

"Sigurado ka?"

"Oo, sige na. Kukuha na ko ng damit mo."

Nung gabing yon, mas napansin ko na balisa talaga s'ya. Nag volunteer s'ya na s'ya na daw ang maghuhugas ng pinggan kaya hinayaan ko s'ya at nanuod ako ng tv kasama ni Tintin sa sala pero nung bumalik ako sa kusina, nakatulala lang s'ya sa mga pinggan habang bukas yung gripo.

Kinabukasan naman, late na s'yang nakapasok at nung tanungin ko kung bakit, napuyat daw s'ya sa paggagawa ng assignments. Nung sumunod pang araw, bagsak s'ya sa quiz na binigay ko. Tapos ngayong gabi, nakatingin lang s'ya sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba.

"Bhie-bhie, halika." lumapit naman s'ya sa kin. "May itatanong sa'yo si Dhie-dhie okay."

"Ano po yun Dhie-dhie?"

"May problema ba si Mhie-mhie mo?"

Kumirong s'ya "Hindi ko po alam Dhie-dhie. Baka po masakit ang tyan n'ya? Kasi po, nakita ko po si Mhie-mhie kagabi, may water po yung eyes n'ya."

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon