MPiMH Part 49

1.1K 21 0
                                    



MPiMH Part 49



CINDY's POV

Matapos ang ilang araw naming pagbabakasyon sa villa nina Sir Mike ay umuwi na rin kami. Ayaw pa nga kami paalisin ni Tita Sheryl pero hindi naman pwede na magtagal kami doon dahil may pasok pa rin kami at isa pa malapit na ang graduation. Tama, konti na lang makaka graduate na ako. Matatapos na ako ng college at pag nangyari yun hindi na namin kailangan pa magtago ni Sir Mike. Malaya na kami na maipapakita sa lahat na mahal namin ang isa't-isa.


"Miss Francisco."


Napalingon ako sa may likuran ko, pauwi na kami ni Tintin sa bahay galling sa school nang biglang may tumawag sa akin pero paglingon ko wala naming tao sa likuran ko.


Ano yun? Multo?


Kinilabutan tuloy ako. Wag naman sana


Psst!


Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Tintin at mas binilisan ang paglalakad. "Tintin laro tayo ha? Kung sino ang unang makarating sa bahay siya ang winner."

Natuwa naman si Tintin sa sinabi ko. Akala niya siguro naglalaro lang kami kaya mas bumilis din ang lakad niya. Patalun-talon pa nga siya at kung minsan pa ay tatakbo. "Bilis Mhie-mhie!"

Psst!!

Ayan na naman siya. Lumingon ulit ako pero wala namang tao sa likuran ko. Sino ba yun?

Malapit na kami ni Tintin sa bahay nang mapansin ko ang isang itim na sasakyan sa hindi kalayuan. Mabilis kong hinatak si Tintin at niyakap ang kapatid ko. "Mhie-mhie? Bakit po?" Hindi ko nalang siya sinagot at mas hingpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Halos himatayin ako sa takot nang may biglang kumapit sa balikat ko na siya namang ikinasigaw ko.

"A-anong ginagawa mo ditto?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"We need to talk."

Talk? Para saan?

"Tito George!" sigaw ni Tintin na nagpumilit na makawala sa yakap ko para mapuntahan si George. Siya yung itinuring na kuya ni Sir Mike. At siya ngayon ang kanang kamay ng ama ng asawa ko. Pero ano ang ginagawa niya rito?

"I'm sorry Miss Franciso. But this is an order from my Master."

"Ha?" iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. May kinuha siya mula sa coat niya isang panyo at bigla na lang niya yung itinaklob sa may mukha at nakaramdam na lang ako ng panghihilo. "Anong..."

Narinig ko na lang ang pagsigaw ni Tintin bago ako mawalan ng malay.

"Mhie-mhie!"



MIKE's POV

Masaya akong naglalakad pauwi sa bahay dala ang binili kong pagkain para kina Cindy at Tintin. Gusto ko mag celebrate kasama ang pamilya ko dahil nakakuha ako ng bonus. Bumili ako ng fried chicken, may palabok, spaghetti na paborito ni Tintin, meron pang ice cream. Tiyak matutuwa ang mga 'yun kapag nakita ang mga dala ko.


Nasa tapat na ako ng bahay nung mapansin ko na patay pa rin yung ilaw sa loob.


My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon