MPiMH part 34

5.1K 99 13
                                    

KYAHHH!!! Sa wakas!! sa hinaba-haba ng paghihintay nakapag-update din! hahahaXD

Sorry ngayon lang ulit ako nakapag-update, vacation kasi. U know, gala dito, gala there. No time for typing hahahaXD. Kaya pagpasensyahan n'yo na po if ngayon lang ulit ako nakapag update ha ^_^

so here's My Professor is My Husband Part 34

(pagpasensyahan n'yo na lang po kung may mga wrong type,, next time ko na lang po ieedit  hahahaXD)

================

MPiMH part 34

“Sir Mike, dito na po ako bababa ingat po kayo. Sis, ingat ka ha, wag ka ng mag-sad face baka pumangit ka. Bye po sir Mike ” Nag wave na lang sa kin si Mhean bago s’ya tuluyan bumaba ng jeep na sinasakyan namin .

Ngayong wala na yung iba naming kakilala na nakasakay dito sa jeep naisip ko na mag sorry ulit sa kanya. Simula kasi ng mangyari yung pangyayaring yun nung isang gabi hindi pa rin talaga n’ya ako pinapansin.

“Ahm ano, Sir Mike----“ hindi n’ya ako pinatapos sa pagsasalita ko. Ginawa n’yang palusot yung pagbabayad ng pamasahe dun kay manong driver. Ang sakit, pakiramdam ko nagsisikip yung dibdib ko. Alam ko na iniiwasan n’ya ako.

Ilang minuto pa rin kaming tahimik hanggang makarating kami sa subdivision, pero ayoko namang patagalin ‘tong away na ‘to. Gusto ko bago kami humarap kay Tintin okay na kami.

Narito na kami ngayon sa tapat ng bahay eksaktong bubuksan na n’ya yung pinto nung pigilan ko s’ya, kinapitan ko yung laylayan ng damit n’ya . Huminto s’ya pero hindi s’ya humarap sa kin. Hindi na bale, alam ko namang nakikinig s’ya kaya nagsalita pa rin ako.

“Dhie,. Sorry na.” napahikbi ako. Hindi ko na kasi talaga mapigilan, isa ito sa mga ayokong mangyayari sa relasyon namin, ang magkatampuhan kami ng ganito. “Dhie, I’m sorry na. Patawarin mo na ko, please. Ayoko ng ganito. Ayoko ng iniiwasan mo ko. Please.”

Hindi pa rin s’ya humaharap sa kin tsaka s’ya nagsalita “Baka kanina pa naghihintay si ‘tin si Tintin sa loob.” Inalis n’ya yung pagkakahawak ko sa kanya at tumuloy na s’ya sa loob.

Napabagsak ako ng upo dito sa harapan ng pintuan at nailabas ko na lahat ng luha na hindi ko na kaya pang pigilan.

“Ang sakit!”

-===-

**MIKE’s POV**

Mabait ako pero aaminin ko, isa sa mga weakness ko ang pagiging seloso. Kaya nung makita ko na tumakas si Cindy kasama si Eron grabe talaga ang galit ko noon na tipong nasira ko pa yung isang silya na pagmamay-ari nung resort nang dahil sa galit ko. Hindi ko sinasadyang sigawan nung gabing yun si Cindy, pero anong magagawa ko? Nadala ako ng galit at selos.

Matapos ang trip namin sa resort, habang papauwi kami sorry s’ya ng sorry sa kin. Gusto ko ng sabihin sa kanya na hindi na n’ya kaylangan pang mag-sorry dahil may kasalanan rin naman ako. Pero pinapangunahan ako ng pride ko. Bwisit naman kasing pride yan!

Pero kakausapin ko na rin s’ya maya-maya. Ang gusto ko lang naman ay malaman n’ya na nagalit talaga ako sa ginawa n’yang pagtakas sa kin kasama ang maggot na Eron na yun.

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon