MPiMH Part 31

5.8K 89 4
                                    

MPiMH part 31

“Cindy, una na ko ha. May kaylangan pa kasi akong asikasuhin eh.”

“Ako rin Cindy.”

“Sige, okay lang naman. Uuwi na rin naman ako ibabalik ko lang to sa library.” Ipinakita ko sa kanila yung hawak kong mga libro .

“Samahan ka na kaya namin?” pagmumungkahi ni Mhean.

“Oo nga para sabay-sabay na tayong umuwi. Tutal pareho naman tayo ng sasakyan kasi susunduin mo pa si Tintin diba?” sabi naman ni Trixie.

“Naku wag na.” sabay kampay ko ng kamay ko .” Kaya ko na naman to eh. Mauna na kayo, tsaka may part-time ka pa Mhean diba. Sige na mauna na kayo, uuwi na rin naman ako matapos kong maisauli ‘to.”

“Oh sige Cindy ingat ka ha.” nag kiss sila pareho sa pisngi ko bago sila tuluyang lumabas ng room.

Matapos kong maibalik sa library yung mga hiniram naming libro ay napagdesisyunan ko na ring umalis para sunduin na si Tintin. Eksaktong papalabas ako ng gate ng school ng may matanawan akong isang babae na kinukulit yung guard. Medyo ka height ko si ate, siguro estudyante din to dito? Pero bakit parang nakikipagtalo ata s’ya kay manong guard?

“Eh hindi nga pwede miss.”

“Sige na naman kuya.” pilit ni Ate “Kaylangan ko lang talaga s’yang makausap. Baka nandyan pa sya sa loob pakihanap naman.”

“Ay sus!! Sa laki nitong university hindi ko basta-basta makikita yung hinahanap mong tao!” sagot naman ni Manong guard.

Haii naku, ayaw pa kasing padaanin ni Manong guard eh, nagkakaroon pa tuloy ng eskandalo dito. Dahil sa gusto ko na ring makauwi nilagpasan ko na lang sila pero bigla akong napahinto nung magsalita ulit yung si Ate.

“Kuya! Yan na yung MAB Building oh! Nasa 3rd floor si Cindy! Sigurado ako!”

Cindy?? Sinong Cindy? Ako? Ay hindi! Bura-bura-bura! Erase-erase-erase. Imposible, for sure maraming may pangalang Cindy dito, hindi lang ako. Lakad.. Lakad

“Sino ba kasing Cindy?!!” sigaw ni Manong guard.

“Si CINDY FRANCISCO!!! PAMANGKIN NI HAROLD FRANCISCO!!!”

This time napaharap na ko sa kanila. For sure, ako na nga talaga ang hinahanap nitong si Ate. Siguro ako lang naman ang nag-iisang Cindy Francisco na may Tito na ang pangalan ay Harold Francisco dito sa buong university noh.

“Ayun yung hinahanap mo miss!” sabay turo sa kin ni Manong guard

“KYAHHH!!!!” hindi na nagpatumpik-tumpik pa si ate at basta na lang ako dinamba. Parang balewala lang sa kanya yung bakal na naghihiwalay sa entrance at exit gate. “Finally!! Nakita rin kita!!”

“T-teka lang po.. H-hindi po kita kilala hehe.”

“Ako ang auntie mo!!” excited na sabi n’ya sa kin.

Ehhh?!?! AUNTIE?!?!!

HINDI KO S’YA KILALA!!!!

-==-

“Please Cindy, pumayag ka na.” nakaluhod pa s’ya sa harapan ko na tila nagmamakaawa.

“Teka lang po ate. Kasi, para saan po ba yung pagpapayag ko na hinihingi n’yo?”

“Na magpakasal na kami ng Tito Harold mo.”

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon