Chapter 15

4.8K 185 25
                                    

Monique’s POV

 

“O, heto na ang mga susi ng rooms niyo.”

Isa-isang inabot sa’min ni Aldrich yung mga susi. Lahat kami may sariling room except kina Theo at Zandi. Allowed silang magsama sa iisang room dahil ikakasal na rin naman sila.

“Dun ka sa room namin matulog ha?” bulong ni Zandi. Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Zandi na nakakapit na naman sa braso ni Ryan. Nasa kabilang side naman niya si Theo na ngayon ay nakasimangot.

“Hoy Zandi! Pabayaan mo na nga ‘yang si Ryan,” sabi ni Aldrich kay Zandi.

“Bakit ba?! Yun nga gusto ko!” sagot naman nung isa. Medyo pinagtitinginan na rin kami dito sa lobby dahil sa pagbabangayan nung dalawa.

“Tsk. Pwede ba Zandi, wag nang maigas ang ulo.” Sumabat na rin si Red.

“Oo nga naman. Di ka na nahiya kay Theo. Kanina pa kaya yan nakasimangot.” Dagdag pa ni Kendi.

Napatingin kaming lahat kay Theo including Zandi. Yung mukha niya parang pinagsakluban ng langit at lupa. Parang konting push pa eh sasabog na siya. Nakakatakot!

“Ok lang naman sa’yo na sa room natin matulog si Ryan diba?” parang nag-aalangan na tanong ni Zandi kay Theo.

Umirap si Theo bago nagsalita. “Siya ang katabi mo kanina sa sasakyan. Siya ang palagi mong hinahanap. Palagi mo pa siyang sinusubuan. Tapos ngayon itatanong mo kung pwede siya sa room natin…” he took a deep sigh. “…of course ok lang baby.”

Napanganga kaming lahat dahil sa sinabi niya.

“Waaah! Thank you!” Dinamba niya ng yakap si Theo.

“Wow guys. Hindi niyo manlang tinanong si Kuya kung gusto niya.” singit ni Vi pero natatawa na rin.

“Kahit naman ayaw niya wala rin siyang magagawa.” Sagot naman ni Aldrich. “Ok! Pumasok na kayong lahat sa kwarto niyo. Mag-rest kayong mabuti dahil siguradong mapapagod kayo bukas.” Masiglang sabi ni Aldrich.

Hinawakan ulit ni Zandi ang kaliwang braso ni Ryan at hinila ito palayo. “Tara na Baby Ryan. Patutulugin na kita.” Lumingon si Zandi kay Theo. “Theo! Pakibuhat na rin yung mga gamit ni Ryan.”

Nauna na silang umalis.

“Tang*na. Ang sarap pumatay ng tao!” gigil na sabi ni Theo.

“Eh bakit kasi pumapayag ka sa gusto niya?” tanong ni Red.

“Buntis eh. Baka kasi makasama sa bata kung di ko siya susundin, baka magalit siya.”

“Ang sabihin mo, under ka lang talaga.” Bulong ni Red. Mabuti nalang at hindi yun narinig ni Theo, paniguradong gulo na naman yun pag nagkataon.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon