Chapter 22

4.2K 127 25
                                    


Monique's POV

 

        "So, anong isusuot mo sa acquaintance party ng company natin?" tanong ni Dona. Nasa cafeteria kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch.

        "Hmm, cocktail dress siguro." Sagot ko.

        Nagulat ako nang bigla niyang itaas ng kaunti ang mga kamay niya. "Oh my god! That's a no no no!"

        Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ko isinubo ang huling hiwa ng pork steak na nasa plato ko. "At bakit naman hindi?"

        "Ano ka ba Monique. First acquaintance party natin yun dito sa company, kailangan nating magmukhang sophisticated. Mag long gown tayo."

        "Hindi lahat ng nakasuot ng long gown mukhang sophisticated." Sagot ko sa kanya.

        Binitawan niya ang tinidor na hawak niya. "Monique naman eh. Long gown nalang kasi. Yun na nabili ko eh."

        Natawa ako. "Kung kanina mo pa sana sinabi 'yan." I sighed. "Ok fine, long gown na kung long gown."

        Napasuntok siya sa hangin na para bang nanalo siya sa lotto. "Yes! Wala nang bawian!"

       Ngumiti nalang ako sabay tango. Hindi ko alam na may mga ganito palang event sa company. Last week pa kami na-inform about sa acquaintance party. Ang main goal ng party ay para makilala namin ang iba't ibang employees sa ibang departments. Siguro ay strategy na rin yun ng CEO para kung may inter-department project ay hindi na kami mahihirapang pakisamahan ang isa't isa.

        Napaaga ng 15 minutes ang balik namin sa office. Hindi na masyadong marami ang pinapagawa sa amin. Sabi nga nila, tapos na raw ang initiation namin kaya nabawasan ang trabaho namin.

        "O em, mukhang alam ko kung para kanino ang mga bulaklak na yun." Bulong sa'kin ni Dona. Titignan ko palang sana kung ano ang tinutukoy niya nang bigla niya akong kinaladkad patungo sa pinto ng office namin.

        "Hello kuya!" Bati niya sa delivery boy na may hawak na bouquet ng flowers.

        Ngumiti yung delivery boy. "Good afternoon po. Kayo po ba si..." Tinignan niya yung papel na hawak niya. "Ms. Jhoanne Monique Juanino?"

        "Wow, kinumpleto talaga yung name?" sabi ni Dona sabay tawa. Hinila niya ako at iniharap dun sa delivery boy. "Siya yung hinahanap mo."

        Nabaling ang tingin sa'kin nung lalaki. "Good afternoon po ma'am Jhoanne..."

        "Monique." I corrected him.

        Tumango siya. "Ma'am Monique. Delivery po para sa inyo."

        "Galing kay Red 'yan noh?" Usisa ni Dona. Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng bulaklak after 3 days. Totoong naging super busy ni Red nitong mga nakaraang araw. Morning and evening texts lang ang natatanggap ko sa kaniya, at kung tatawag man siya ay hindi yun nagtatagal ng 3 minutes. I admit, I miss him already.

        "Naku, hindi ko po alam ma'am. Anonymous po yung sender." Sagot nung lalaki.

        "Eh? Pwede pala yun?" Sabi ulit ni Dona.

        Binigay na niya sa'kin yung bouquet. Nagulat ako nang makita kong orange roses ang mga yun at hindi red.

        "Nag-iba na ba taste ng boylet mo? Nagsawa na ba siya sa red?" tanong ni Dona nang makapasok na kami sa loob ng opisina.

My Unrequited LoveWhere stories live. Discover now