Chapter 3

7.9K 181 16
                                    

Pinalitan ko ng 'Christmas break' yung 'sem break'. Baka kasi malito kayo :)

 

__________________________________________________

 

 

 

Chapter 3

 

 

Monique’s POV

 

 

“ano ba Monique! Hindi mo ba talaga kayang ayusin?! Sigurado ka bang marunong kang umarte?!”

 

 

“sa tingin mo ba madali lang ang pinapagawa mo?!” sigaw ko rin kay Ryan. Nakakaasar! “Buti naman kasi sana kung madali lang makipaghalikan!” dagdag ko pa. Bwisit talaga. Almost perfect na ang practice except lang sa part na kailangan akong halikan ni Jacob. Hindi ko talaga siya kayang halikan kahit pa sabihing acting lang, hindi talaga ako papayag.

 

 

“smack lang naman!” sigaw parin niya. Nasa baba siya ng stage habang kami naman ni Jacob ay nasa taas. Nakaupo ako ngayon sa kama. Ang scene kasi ay hahalikan ni Romeo si Juliet habang natutulog. Argh! Ano ba talaga? Nagmumukha akong si Aurora sa Sleeping Beauty dahil sa scene na ‘to eh!

 

 

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang at pinagtaasan siya ng kilay. “smack man o laplapan, halik parin yun!” Bumaba ako sa kama at pumunta sa edge ng stage. Ngumiti ako ng nakakaloko. “pero kung sa’yo lang naman, aba kahit French kiss pa yan di na kita titigilan!” I mean it. Dahil sa kanya ay wala parin akong first kiss hanggang ngayon, siya lang kasi ang gusto ko.

 

 

Nagtawanan ang mga kasamahan namin. 3 weeks na ang lumipas at laging ganito ang eksena namin ni Ryan. Kung yung iba eh nasisindak sa pagsigaw ni Ryan, pwes ako hindi! Sanay na ako eh!

 

 

“pwede ba! Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang!”

 

 

Sasagot na sana ako pero pinigilan ako ni Jacob sa pamamagitan ng paghawak niya sa balikat ko. “gawin nalang nating fake ang kissing scene.” Suggest niya. Tumingin siya sa’kin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Ngumiti rin ako sa kanya. Mabait si Jacob, hindi siya katulad nung si Harold na ang lagkit makatingin!

 

 

“I think that will work.” Sagot naman nung assistant director. Matutuwa na sana ako eh kaso napansin ko ang pasimpleng paglapit niya kay Ryan. Haliparot! Gusto lang sanang magpaimpress sa Babe ko!

 

 

Nilayuan naman siya ni Ryan. Buti nga sa’yo! “walang impact pag fake kiss lang.” sabi naman ni Ryan.

 

 

“so porket nagkiss may impact na agad?” pambabara ko naman.

My Unrequited LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang