Chapter 14

4.9K 162 20
                                    

Sorry po kung natagalan. Nagkasakit po kasi ako eh :)

Dedicated to @ButterflyWaltz..maraming salamat sa super habang commentsssss :D

______________________________________________

Monique's POV

"Grabe, ang tagal niyo. Alam niyo ba yun?!" inis na inis na sabi sa'min ni Zandi. Nakakainis! Ang sungit ng babaeng 'to!

"Sorry naman ha?! Kasalanan ba naming traffic sa daan?" sagot naman ni Red na tila nang-aasar pa. Hindi nalang sumagot si Zandi. Inirapan niya si Red sabay talikod.

"Badtrip! Ilayo niyo sa'kin yang babaeng yan. Pag ako hindi nakapagpigil ilalampaso ko yan sa sahig!" gigil kong sabi. Halos murahin kami ng mga driver ng malalaking truck kanina dahil panay ang singit ng sasakyan namin tapos ganun lang ang sasabihin niya?!

Pag-alis ni Zandi, lumapit naman agad sa'min si Theo. "Pagpasensyahan niyo na. Buntis eh."

I crossed my arms. "Ay ewan ko sa inyo! Pag ako nainis huhugutin ko yung anak niyo palabas ng tiyan niya! Kaloka ha?" sabi ko sabay paypay. Gabi na at medyo malamig ang simoy ng hangin pero pinagpapawisan parin ako.

Tumabi sa'kin si Red. “Cool ka lang Mako.”

Tinignan ko naman siya ng masama. “Anong cool ka lang? Pagod ako sa byahe tapos ganun lang? Feeling ko malalaglag na ang puso ko dahil sa inis ko sa kanya!” inis na inis na sabi ko. 

Hinila niya ako palapit sa kanya saka siya ngumiti ng malapad. “Malalaglag na puso mo? Wag kang mag-alala Mako, sasaluhin ko yan para sa’yo.” Kumindat pa siya matapos niyang sabihin yun.

Naitulak ko siya dahil sa inis ko. “Yan ka na naman eh!” sigaw ko sa kanya. Mag-uumpisa na naman kasi siya sa mga cheesy lines niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam kong hindi na naman yan titigil sa mga banat niya.

Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon. Magdusa siya!

Itutulak ko na sana ang glass door ng restaurant nang bigla itong magbukas. And for the first time in a long time, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa biglang pagbukas ng pinto o dahil sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.

“Monique…”

Napasinghap ako. Nakatingin siya sa’kin ng diretso. Walang bakas ng kahit na anong emosyon ang mukha niya kaya naman hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon.

I tried to say something but I can’t find the right words. My god Monique! Diba’t ilang beses ka nang nagpractice para rito? Bakit wala ka na namang masabi?! Greet him Monique! Just greet him! Ganun na ba kahirap magsalita ngayon?!

 

Habang pinapagalitan ko ang sarili ko ay may kamay na pumulupot sa bewang ko. “Ryan…” Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Red sa bewang ko.

My Unrequited LoveWhere stories live. Discover now