Chapter 9

6.4K 126 10
                                    

Monique’s POV

 

“Sabing kaya kong umuwi mag-isa eh!” sigaw ko kay Red. Nakakainis naman kasi eh! Pinagbigyan ko na siya sa date na gusto niya tapos hihirit pa siya?

Lumapit siya sa’kin. “sige na Mako. Let me drive you home. I want to make sure that you’re safe.”

Hindi ko sinasadyang mapairap dahil sa sinabi niya. “a-yo-ko. Baka mamaya kung san mo pa ako dalhin eh.”

Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi. Ano na naman bang iniisip niya?

 

“pano mo nalamang ganun nga ang gagawin ko?” pang aasar niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko saka ko yun inihampas sa dibdib niya.

“ouch! Aray!” hinuhuli niya ang kamay ko para matigil ako sa paghampas sa kanya. “aray Mako! Tama na!”

“kainis ka! Akala mo ba nakikipagbiruan ako sa’yo?!” patuloy parin ako sa paghamapas sa kanya. Hindi naman natatamaan ang katawan niya dahil sapat na ang kamay niya para protektahan ang sarili niya.

“joke lang naman yun eh!” depensa siya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy parin ako sa paghamapas sa kanya.

“Jhoanne Monique?”

Napatigil ako sa paghampas kay Red dahil may isang pamilyar na boses ang tumawag sa’kin. Sabay kaming napalingon ni Red sa likuran ko.

“Kuya?!” tila gulat na gulat na sabi ko. Of all places bakit dito pa napadpad ang kapatid ko?

Lumapit siya sa’min ni Red. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong wala naman akong ginagawang masama.

Napansin kong nagpalipat-lipat ng tingin si Red sa aming dalawa. “Kapatid mo?” bulong niya sa’kin.

I gave him a bored look. “obvious?”

Tumingin siya kay kuya Marcus tapos sa’kin ulit. “ayos ah. Parang pinagbiyak na bunga. Parang male version mo lang.” Tila manghang mangha na sabi niya. Hindi naman na ako nagulat sa naging reaksyon ni Red. Madalas ganyan ang reaksyon ng mga taong unang nakakakita na magkasama kami ni kuya Marcus. Sobra kasi kaming magkamukha. Malamang, magkapatid nga kami diba?

“anong ginagawa mo rito?” tanong ni kuya Marcus. Napatingin ako sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya. “nag cutting ka na naman ba?”

Nagsalubong naman ang mga kilay ko sabay pout. “cutting agad?”

Umiling-iling nalang siya. “at sino naman ‘tong asungot na ‘to?” tanong ni kuya sabay turo kay Red.

My Unrequited LoveWhere stories live. Discover now