Chapter 12

5.7K 178 20
                                    

Monique’s POV

  

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko pa man naididilat ang mga mata ko pero ramdam ko na ang matinding pagkahilo. Humarap ako sa kabilang side ng bed dahil natatamaan na ng sikat ng araw ang mukha ko. Nakalimutan ko na naman sigurong ibaba ang kurtina ng kwarto ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagpasyahang dumilat. Sumalubong sa’kin ang kulay puting kisame. Napakunot noo ako. Kailan pa naging kulay puti ang kisame ng kwarto ko?! Sa pagkakaalam ko, baby blue ang kulay ng kisame ko.

Napatingin ako sa right side ko. Wala na rin doon ang mga poster na idinikit ko. Magazines at CDs lang ang nakalagay doon. Asan ako?!

Bumangon ako bigla dahil nakaramdam ako ng matinding kaba. Hindi ko pinansin ang sakit ng ulo ko dahil nawiwindang ako sa mga nangyayari. Alam kong wala ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung nasan ako. WTF!!! Pano ba ako napunta rito?!

Napatingin ako sa pinto na nagbukas-sara. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.  Shit shit shit!!!

 

“Gising ka na pala.” Sabi ni Red habang pinupunasan niya ang basa niyang buhok. Hindi ako agad nakasagot. Napatingin ako sa katawan niya. Wala siyang damit pang-itaas at towel lang ang tanging bumabalot sa pang-ibaba niya!

“A-anong ginawa mo sa’kin?!” sigaw ko sa kanya sabay hila ng kumot.

Naglakad siya palapit sa’kin. Umatras naman ako hanggang sa dumikit ang likod ko sa headboard. “wag kang lalapit!”

“Tsk, wag ka ngang OA. Wala akong ginawa sa’yo.”

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. “W-wala?”

Ngumisi siya. “bakit, disappointed ka ba?”

Inirapan ko siya. “wag kang assuming please?”

“Ok, sabi mo eh.”  Tumalikod siya sa’kin at akmang tatanggalin ang tapis niya.

“A-anong gagawin mo?!”

Tumigil siya sa ginagawa niya at lumingon sa’kin. “magbibihis, ano pa nga ba?” casual na sagot niya.

Napasabunot ako sa buhok ko. “Bakit kailangang sa harap ko pa? Sa labas ka nalang magbihis, pwede?”

Napakunot naman ang noo niya. Hindi ko alam kung nag iinarte lang ba siya o ano. “bakit ako ang lalabas eh kwarto ko ‘to. Kung gusto mo ikaw ang lumabas.”

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. “Pinapalabas mo ‘ko?”

“Bakit, ayaw mo ba? Sige, panoorin mo akong magbihis ha?”

Hinawakan niya ang towel at dahan-dahang tinatanggal. Napatakip ako agad sa mga mata ko. “Bastos ka talaga!” tumalikod ako at bumaba sa kama. Agad kong tinungo ang pinto palabas. Narinig ko pa siyang tumawa bago ko ibinagsak pasara ang pinto. Nakakainis siya! Argh!

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon