Chapter 5

8.1K 181 31
                                    

Sorry kung ngayon lang, depress kasi ako nitong mga nakaraang araw, chos! XD

__________________________________________________

Monique’s POV

 

 

Ngayon ang araw kung kailan kami magpeperform on stage. Mamayang 6pm pa ang start ng play pero nakaprepare na lahat ng gamit ko. May sarili akong make-up kit, hairspray, hair pin at kung ano-ano pa. Ayoko kasing gumamit ng make-up na nagamit na ng iba. May sarili rin akong make-up artist and hair stylist. Gusto kong ako lang ang naiiba mamaya.

Kinuha ko na ang pouch ko at dumiretso sa labas. Hindi na ako nagpahatid sa driver dahil mas feel kong magdrive ngayon.

Pupunta ako ngayon sa school para sa dress rehearsal namin. Tsk, daming arte! Kailangan pa kasi ng ganun, nakakainis!!!! >___<

**

“you are 15 minutes late.”

Tinignan ko ang assistant director namin at inirapan siya. Pagpasok ko palang kasi sa hall yun na ang sinabi niya. Duh?! Di pa pwedeng ‘welcome back pretty Monique!’ ? nakakaimbyerna siya!

“I know. Hindi mo na kailangang sabihin pa. Marunong akong tumingin ng oras.” At nilagpasan ko na siya.

Argh! Ang tagal ko ring nagtimpi sa kanya! Gustong gusto ko na siyang sakalin sa totoo lang. Panay kasi ang pagpapacute niya kay Ryan. Mabuti nalang talaga at tinataboy siya ni Ryan, kung hindi..haaaay nakuuuu!!!

“why are you late?”

Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Agad na napalitan ng malapad na ngiti ang kanina’y nakasimangot kong mukha. Waaah! Kahit ang simple lang ng suot niya ang pogi parin niya sa paningin ko.

“sorry, traffic eh.” sabi ko ng nakangiti parin. Naalala ko kasi nung gabi kung saan muntik nang may mangyaring masama sa’kin. Well, kahit naman hindi kami masyadong nag-usap sa loob ng sasakyan eh masaya parin ako. Perstaym yun uy! Hinatid din niya ako sa bahay. Niyaya ko siyang pumasok muna sa bahay pero tumanggi siya. Tss, akala niya siguro pipikutin ko siya? Hmm, pero yun naman talaga ang plano ko nung mga oras na yun, hahaha!

Inirapan niya lang ako at nilagpasan.

“sungit.” Bulong ko.

Napatili ako nang may biglang umakbay sa’kin. Halos sumubsob na ang mukha ko sa sahig dahil sa bigat ng kamay niya. Aish! Sino ba ‘to?!

“hi Nikie-niques!”

I mentally cursed. Si Jacob lang pala. Kinurot ko ang tagiliran niya para makawala sa pagkakaakbay niya.

“ouch!” daing niya pero mukhang nagbibiro lang siya. Nakangiti parin kasi siya kahit na hawak niya ang part na kinurot ko. “sadista ka talaga.” sabi pa niya.

My Unrequited LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora