Chapter 2

9.7K 180 19
                                    

Monique’s POV

 

“one month nalang ang natitira para sa play.” Sabi ni Sir Suho, adviser ng drama club. Andito kami ngayon sa meeting hall para sa meeting ng mga cast, coordinators and staffs. Fortunately, nakuha ko ang role ni Juliet. Nakita ko na rin ang gaganap bilang Romeo. Gwapo siya, matangkad at maputi. Wala naman akong pakialam kung sino ang magiging Romeo eh, ang importante sa’kin ay ang mapansin ako ni Ryan. “kaya’t kailangan nating maghanda ng mabuti. May darating na guests galing ibang school kaya dapat husayan natin. Nagkakaintindihan ba tayo?” sabi pa ni Sir.

“yes sir!” sagot naman naming lahat. Isa-isa nilang ibinigay sa’min ang script para sa play. May iba pang sinabi si Sir pero wala akong maintindihan, kanina ko pa kasi hinahanap si Ryan na hanggang ngayon ay wala parin. Ang aga ko pa namang nagpunta para makita siya tapos mukhang hindi pa siya darating.

“hi Monique!” sabi nung lalaking tumabi sa’kin. Hindi ko siya kilala dahil hindi ko naman siya kaklase sa kahit ano mang subject.

Ngumiti ako ng pilit. “hello.”

Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa. Aish! Ang dami palang lines ni Juliet! Ano pa nga bang dapat kong i-expect eh lead role nga ang napunta sa’kin diba? =3=

“ako nga pala si Harold.” Nabaling ulit ang tingin ko sa kanya. “ako ang gaganap bilang Mercutio.”

Tinanguan ko siya. Hindi ko naman kasi alam kung anong sinasabi niya. Sa maniwala kayo’t sa hindi, hindi ko parin nababasa ang story ni Romeo and Juliet hanggang ngayon. Ayaw ko kasi sa tragic stories. “ganun ba.” Yun lang ang sagot ko. Hindi naman kasi ako interesado sa kanya.

Magsasalita na naman sana siya nang biglang magbukas ang pinto. Tahimik sa loob kaya naman rinig na rinig ang pagbukas ng pinto. Inilipat ko ang aking tingin doon at halos mapalundag ako nang makita ko si Ryan. Napalitan ng saya ang malungkot kong mukha. Sa wakas, akala ko hindi na siya darating eh.

Naglakad siya papunta sa pwesto ni Sir Suho.

“sorry sir, I’m late.”

Rinig mula rito ang sinabi niya dahil hindi naman kalayuan ang pwesto nila.

Tumayo si Sir at tinapik ang balikat niya. “it’s ok. Nagsisimula palang naman ang meeting.” Hinila niya si Ryan papunta sa gitna. “attention please.” Humarap kaming lahat sa kanilang dalawa. Hindi parin maalis ang ngiti ko. “I want you to meet Mr. Ryan Jacinto from the School of Accountancy. Siya ang magiging stage director sa play.”

Nagpalakpakan kaming lahat. Nakataas pa ng kaunti ang chin ko habang pumapalakpak. Aba, proud kaya ako sa Babe ko!

“siya nga pala Ryan, sila ang stage artists.” Itinuro kami ni Sir Suho.

My Unrequited LoveWhere stories live. Discover now