Chapter 20

3.9K 133 14
                                    

Monique's POV

Inis kong itinapon ang mga papel sa desk ko. "Ayoko naaaa!!!" sigaw ko. Napatakip agad ako sa bibig ko dahil sobrang lakas ng boses ko. Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang kakaibang tingin ng officemates ko. Nag-aalangan pa akong ngumiti sabay sabing, “Sorry.”

Agad din silang bumalik sa ginagawa nila matapos kong mag sorry. Yung iba ay napapailing nalang sa inasal ko. Walang gana kong isinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan ko.

“Hoy, okay ka lang?” Dahan-dahan akong lumingon sa kaliwa ko. Nakita ko si Dona na nakangisi pero halata namang pagod at puyat kagaya ko. Co-worker ko rin siya pero mas nauna siya sa’kin dito ng dalawang buwan. She’s friendly and not maarte kaya’t nag click kami agad.

Tinuro ko ang mukha ko. “Titigan mo nga ‘tong mukhang ‘to. Sa tingin mo ba okay parin ako?” Sarcastic kong tanong. Umayos ako ng upo at muling kinuha ang mga papel na tinapon ko kanina. Halos dalawang linggo palang akong nagtatrabaho dito sa KingHorn Corp bilang junior marketing analyst pero pakiramdam ko parang isang taon na ang lumipas. Halos wala na akong tulog dahil sa sobrang dami ng paper works ko, hanggang sa condo tinutuloy ko ang trabaho ko.

“Pero sabi nila mababawasan naman daw ang trabaho natin pag medyo matagal na tayo rito. Ganito raw talaga ang trato nila sa mga newbie.”

Napairap na lamang ako at hindi na nagsalita. Pinilit kong magconcentrate sa trabaho ko kahit na pakiramdam ko’y ano mang oras sasabog na ang utak ko.

“Miss Jhoanne Monique Juanino?”

Nag angat ako agad ng tingin nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko ang isang delivery boy sa may pintuan ng office at mukhang may hinahanap.

“That’s me.” Tumayo ako at saglit na inayos ang sarili ko bago tuluyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng delivery boy.

“Bulaklak po para sa inyo Ma’am.”

Inabot niya sa’kin ang isang napakalaking bouquet ng red roses. Kinuha ko ito mula sa kanya. Halos matakpan na ang mukha ko dahil sa sobrang dami ng bulaklak.

“Pakipirmahan na rin po ito.”

Sinubukan kong kunin ang papel at ballpen na hawak niya pero nahihirapan ako dahil sa hawak kong bouquet.

“Tulungan ko na po muna kayo Ma’am.” Kinuha niya sa’kin yung bouquet at tuluyan ko namang kinuha yung papel at pinirmahan.

Kinuha niya ‘yong papel  at ibinalik sa’kin yung bouquet. “Have a nice day ma’am!”

“Nice naman Monique, ang swerte mo talaga sa boyfriend mo.” Sabi ng isang officemate ko.

Ngumiti ako. “He’s not my boyfriend.”

Umupo ako at inayos ang bulaklak.”Hindi mo boyfriend pero halos araw-araw kang pinapadalhan ng bulaklak?” Usisa sa’kin ni Dona.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon