Chapter 8

6.7K 166 29
                                    

 

Monique’s POV

 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kahit halos nakakabingi na ang hiyawan ng mga tao, hindi ko parin yun pansin dahil masyadong occupied ang utak ko dahil sa mga nangyayari.

Nang magsink in sa’kin ang sinabi ni Red ay bigla ko siyang hinampas sa braso. “anong ginagawa mo rito?!” gigil na tanong ko.

Mukha namang hindi siya nasaktan dahil abot tenga parin ang ngiti niya. “sinusundo ka. Diba nangako kang magde-date tayo?”

Asdfgh!!!! Sinasabi ko na nga bang darating din ang araw na ‘to!

“so may date pala kayo?”

Nagulat ako nang biglang magsalita si Ryan. Dahil kay Red ay nakalimutan ko tuloy na nasa eksena rin si Ryan. How unusual. Nakaharap na siya ngayon sa’min. Hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya. Naka-poker face lang siya.

 

Parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. I can’t find the right words to say.

Napatili ako nang bigla akong akbayan ni Red. Putek! Ang bigat ng kamay niya!

“yeah, may date nga kami. You have a problem with that?” sagot ni Red. Ang cool lang niya. Parang wala siyang pakialam.

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Ryan. I was expecting na aalis siya na para bang walang nangyari. Pero hindi eh. Lumapit siya sa’ming dalawa ni Red. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nagpapanic na ang utak ko.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa’min ay tinignan niya ang kamay ni Red na nakaabay sa’kin at pagkatapos ay tumingin siya sa’kin ng nakakaloko.

“of course I have.” Sagot niya.

Magsasalita pa sana si Red pero natigil din siya agad dahil hinila ako ni Ryan palayo sa kanya. Muntikan pa akong masubsob sa dibdib niya dahil sa lakas ng pagkakahila niya.

“I just want to inform you, whoever you are…” tumingin siya kay Red. Yung mga tingin niya, sobrang lalim. Parang ang daming gustong sabihin. “you can’t take her on a date…” lumipat ang tingin niya sa'kin. “because she’s mine.”

Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko. Tama ba ang narinig ko?!

Humalakhak naman si Red. “you can’t fool me! Nobody owns her!”

“oh yeah?” ngumisi si Ryan. “but I own her. Watch this.”

Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niya akong hilain palapit sa kanya at hinalikan sa lips. Smack lang yun pero feeling ko’y tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Natigilan din ang mga tao sa paligid namin. Maging si Red ay nagulat din sa nangyari. Medyo napaawang pa ang mga labi niya.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon