13. Wanted

12.8K 211 0
                                    

SA KABILA ng kaba ay pinilit ni Alyssa na maging mukhang kampante at kalmado nang sumugod siya sa Royal House of Ferreira. Hindi na niya kaya pa ang lahat ng ito. Kailangan na niyang gumawa ng paraan. Kailangan na niyang kumilos.

Kaninang umaga ay natagpuan niya si Charles na may hawak na kutsilyo at muntik ng kitilin ang buhay nito dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman sa sitwasyon. Awang-awa na siya rito. He'd gone crazy over her sister. He'd gone crazy because of the situation. Nasasaktan rin siya sa nangyayari kaya nakapagdesisyon na siya.

Kailangan niyang pumayag sa gusto ni Ed gaano man kalupit iyon.

"The Prince would see you in his study," sabi ng isang staff at inalalayan siya para makapunta sa lugar kung nasaan si Ed.

"Obrigada," pagpapasalamat siya sa staff at nagpaiwan na para makapasok siya ng study. Madali naman niyang nakita roon si Edna nakakunot pa ang noo nang makita siya kahit na ba inaasahan na niya na iyon ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya.

Siguro ay maaring isipin ni Ed na hindi siya si Alyssa na nakilala nito. Well, kahit siya rin naman ay hindi makilala ang sarili niya. She transformed into a different woman. Ngayon ay nakasuot siya ng hapit sa katawan na damit na sa buong buhay niya ay ngayon lang niya ginawa. And she put make-up on her face. Ginawa niya ang mga iyon dahil gusto niyang maging kaakit-akit para kay Ed. Hindi ba at sinabi nitong gusto nito ang ganda ni Aliciana? Ganoon mag-ayos ang kapatid niya.

He desired her? She just made it easy for him. Kahit na ba tila mababang babae siya sa lagay niya ngayon kagaya ng hindi nito inaasahan sa kanya, gagawin niya para na rin sa kasiyahan ng dalawang tao na mahalaga sa kanya.

"Meu Deus, Alyssa! What have you done to yourself?"

Bakit sa halip na masiyahan si Ed ay tila galit pa ito sa nakitang itsura niya?

"Payag na ako sa kondisyon mo, Ed. Just leave my sister alone." Pinilit ni Alyssa na tatagan ang kanyang boses. Nilapitan rin niya si Ed. Giving him an entire view of herself. Para tigilan na siya nito. Para matapos na ang dapat matapos.

Lumapit si Alyssa kay Ed. Hinawakan ang mga balikat nito. Pakiramdam niya ay nanginginig pa siya. Kahit kailan ay hindi niya pa naggawa sa isang lalaki na makipaglapit ng ganoon. Ang mang-seduce. Pero gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. Maaring malaki ang mawala sa kanya pero sa ikabubuti naman ng dalawang tao. Iyon na lang ang iisipin niya. Isama pa na tumatanda na siya. Mahigit treinta na ang edad niya at ni hindi man lang niya nararanasan ang ganito at kung papatagalin pa niya, maaring hindi na nga dumating sa kanya. Mabuti na rin ang ganito lalo na at may nararamdaman naman siya kay Ed. Hindi na rin ganoon kasama ang lahat.

Naramdaman niyang tila natensyon si Ed sa ginawa niya. "What do you think you are doing?!"

"Nasabi ko na sa 'yo. Payag na ako sa kondisyon mo. Ibibigay ko ang sarili ko sa 'yo kapalit ng paglaya ni Aliciana. Handa na ako, Ed. Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo na siya, ang makalaya siya sa sitwasyon niya..."

Matagal na nakatingin lang si Ed kay Alyssa. Tila namangha sa sinabi niya rito. Tila hindi makapaniwala. Pagkatapos ay unti-unting nagdilim ang anyo nito. Mukhang galit. Naglaro ang tanong na bakit sa utak ni Alyssa. Iyon ba ay dahil sa hindi siya nito natagpuan na kaakit-akit? Hindi pa ba siya sapat rito? Sinubukan naman niyang gawin ang lahat ng makakaya niya para pumabor siya rito. Tapos iyon pa ang makukuha niya?

Lalong nasaktan si Alyssa. Ngunit hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niyang gawin ito kahit gaano man kasakit.

Huminga nang malalim si Alyssa para kumuha ng lakas ng loob. Just looking at this devastatingly handsome Prince made her knees shake already. Paano pa kaya kapag hinalikan na niya ito? Kapag niyakap siya nito? Crush her into his arms. Writhe under him....Paniguradong matutunaw si Alyssa. Tuluyan na bibigay ang puso niya. But it was the consequence. It was the condition. And she was bound to do all of this without a choice...

Ginawa ni Alyssa ang alam niyang nararapat niyang gawin sa sitwasyon. Kailangan niyang sirain ang lahat ng tensyon. Kailangan niyang mas akitin ito.

She kissed him.

Hindi iyon ang unang beses na humalik si Alyssa sa hindi niya kabaro. Minsan na niyang nasubukan iyon pero ngayon niya napatunayan ang lahat ng mga sinasabi ng mga umiibig tungkol sa halik. That there is something in it. Like a magic. Ngayon ay alam na niya na totoo iyon. Tila naging kabayo na napabayaan ang tibok ng puso niya sa bilis. Naging gelatin ang tuhod niya. Hindi siya makahinga...sa saya.

She had kissed the one she has liked for so long. Nahahawakan niya ito. Tila isang pangarap. And she felt like exploding when she felt that Ed gave the kissed back.

Nag-init si Alyssa sa paraan ng pagresponde ni Ed sa halik niya. Maaring matagal bago nangyari iyon pero nakakalunod ang sarap na naramdaman niya. Tila bigla rin na nagningas ang katawan niya sa ginawa nito.

"Meu deus, you taste so sweet. I felt like I could kiss you forever. So addictive..." bulong ni Ed sa pagitan ng halik nila. Halos hindi na makahinga si Alyssa sa paraan ng paghahalikan nila. It was so passionate. It was so wild. Tila makakapagpailaw sa buong bayan ang init na pinagsasaluhan nilang dalawa.

Naramdaman niya ang mga kamay ni Ed na naging mapaglaro sa katawan niya. Sandali siyang natensyon. So this is really happening. Ngunit sa halip na makaramdam ng kahit anong pag-aalinlangan o pagsisisi, purong saya ang nararamdaman ni Alyssa. Gusto niya ito. Gusto rin niya ang damdamin na ibinibigay sa kanya ni Ed.

Ngunit sandaling tumigil ang magical moment na iyon nang naramdaman niyang nanigas ito at tumigil sa paghalik sa kanya. Tumingin ito sa kanya. Ngayon ay wala na ang galit sa mukha at mata nito. His eyes were full of passion. Nakikita rin niya ang apoy mula roon. It was desire. For her. Or so she thought.

"A-are you really sure you want to do this?"

Kumunot ang noo niya. "Ito ang gusto mo. Ito ang kondisyon mo. Gusto mo ako bilang kapalit ni Aliciana, I offer myself to you. I don't care what the consequences are, I---"

Napatigil siya nang makita ang galit na naman ngayon sa mukha nito. "Nagkamali ako."

Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba nagustuhan ni Ed ang performance niya? Hindi ba siya nito nagustuhan? She stoop that low then he'd just say this things? Damn him!

"I'm sorry, Alyssa. I don't do this. Masyado akong nagpadalos-dalos sa sinabi ko sa 'yo noon. Nagulat lang ako. Its not really my intention to say those to you. Nabigla ako."

"Kung ganoon ay sinasabi mong wala naman talagang kuwenta ang lahat? Walang halaga dahil hindi mo rin palalayain si Aliciana? Damn you, Ed!"

"N-no, I---" napatigil si Ed sa pagsasalita nang makita nitong unti-unti ng pumatak ang luha sa mga mata ni Alyssa. A while ago, she was overwhelmed with happiness and now, she was overwhelmed with the pain. "Meu Deus, don't cry!"

"Gagawin ko ang lahat para lang palayain mo siya. Pero bakit kahit ginagawa ko naman ang lahat ay hindi mo nagustuhan? Nagdahilan ka pa! Sabihin mo na lang sa akin na hindi mo talaga ako gusto. That I am a lame lover. That I am an inexperience one. Hindi ako naging sapat sa inaasahan mo! Goddamn it! Just tell the truth!"

Nagtiim ng bagang si Ed. "Kinokontrol ko lang ang sarili ko, Alyssa. Alam ko na hindi ikaw ang isang babae na nababagay para rito. And I don't care if you are an inexperience one. Nakikinig ka ba sa sinabi ko sa 'yo kanina? I found your lips so addictive so how can I not want you?!"

Napatigil si Alyssa sa sinabi ni Ed. Tinignan niya ang muli ang mukha nito. "I wanted you, minha querida. Pero hindi ko kayang gawin ang lahat ng ito na alam kong napipilitan ka lang. Na hindi mo ito gusto. I'm sorry---"

"Don't be sorry. Because I wanted it, too,"

Rumehistro ang gulat sa mukha ni Ed. "Alyssa, I---"

"Bakit ang dami mo pang sinasabi? You wanted me. I wanted you. Lets just get over this," pagkatapos ng mga sinabi ay hinalikan muli niya si Ed. Hindi na ito muling nagsalita at ipinagpatuloy ang mga ginagawa nila kanina.

Hindi alam ni Alyssa kung ano ang pumasok sa loob niya at naging ganoon kalakas iyon. Pero pagkatapos ng lahat ng naumpisahan nila ni Ed? Hindi niya yata lubos maisip na matapos na lang basta iyon. She wanted Ed. She wanted the feeling. Gusto niyang ipagpatuloy ang mga naumpisahan. Gusto niyang palawakin pa lalo ang karanasan na ito.

Bahala na ang bukas.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraWhere stories live. Discover now