7. Royal Command

12.4K 203 4
                                    

NAPASUGOD si Alyssa sa bahay na tinitirahan ni Aliciana nang malaman niya ang isang hindi kaaya-ayang balita. Break na ang engagement nito kay Charles. Dahil sobrang nasaktan ang kaibigan niya ay tumawag ito sa kanya. Miserableng-miserable ang lagay. Ilang beses niyang tinanong kung bakit pero sinabi lang nito na mabuting tanungin na lang niya ang kanyang kapatid.

Mabilis naman na natagpuan ni Alyssa si Aliciana. Natagpuan niya ito sa may sala ng bahay at base sa bihis nito ay mukhang paalis ang kapatid. Ngunit hindi nagpapigil si Alyssa upang komprontahin ito.

"Explain everything to me, Aliciana," demand ni Alyssa sa kapatid.

Naglihis ito ng tingin sa kanya. "It was not my fault and neither Charles. Its unexpected. I can't break royal commands,"

Kumunot ang noo ni Alyssa. "Royal commands?"

Huminga ito nang malalim. "I was chosen by the Prince to be her future Queen."

Nanlaki ang mga mata ni Alyssa. Dahil nakatira siya sa Medoires ay updated siya sa balita. Walang kakayahan si King Rodrigo at sino man na nasa linyanito na maaring mamuno kaya may usap-usapan na si Prince Edmundo o mas kilalang Prince Ed ay maaring pumalit rito. Hindi niya lubos akalain na magiging ganoon kabilis iyon.

Ngunit ang mas hindi inakala ni Alyssa ay kung bakit si Aliciana pa sa lahat ng babae sa buong Medoires ang napili ni Ed. Oo, tanggap niya na maganda si Aliciana. Malaki ang ganda nito sa karamihan. Pero hindi lang naman sa ganda nasusukat ang lahat. Sa ugali rin. Isang panghabang buhay na commitment ang kasal. Siguro naman ay alam iyon ni Ed. Bakit pipiliin nito si Aliciana samantalang sinaktan nito ang lalaki dalawang dekada na ang nakakaraan? Nakalimutan na ba iyon ni Ed kaya naggawa nitong piliin si Aliciana?

Puwes kung ganoon, hindi pa rin nalilimutan ni Alyssa ang lahat ng nangyari noon...

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon