21. Efforts

12.8K 219 9
                                    

NASA kalagitnaan si Alyssa nang konsentrasyon niya sa trabaho nang tumunog ang cellphone niya. She frowned. She felt distracted. Hindi niya gusto ang naiistorbo sa trabaho lalo na kapag nag-uumpisa pa lang siya. Madalas na naka-silent mode naman ang cellphone niya pero dahil may inaantay siyang mahalagang tawag kaninang lunch ay nagdesisyon siyang tanggalin iyon roon para kapag dumating na ay mabilis niyang malalaman. Nakalimutan naman niyang ibalik sa dati pagkatapos.

Dahil nawala na rin naman ang konsentrasyon ni Alyssa, napilitan siyang tignan ang cellphone. Hindi naman ganoon kahigpit ang trabaho niya at ang kompanyang pinapasukan niya kaya maari niyang sagutin iyon. It was Ed. Hindi tuloy maintindihan ni Alyssa ang reaksyon.

Sinabihan na niya si Ed na huwag itong tumawag kapag oras niya ng trabaho. Madalas ay ayaw nitong magpapigil. Ginawa na nitong hobby ang pagtingin ng kalagayan niya. Palagi itong nagtetext at kinukumusta ang lagay niya. He was always concern and worried about her. Nakakainis dahil naiistorbo siya sa trabaho niya pero sa kabilang banda ay nakakatuwa rin. Masarap sa pakiramdam na may isang tao na concern sa kalagayan mo---lalo na kapag ang taong iyon ay gusto mo.

Sinagot ni Alyssa ang tawag. Ang maawtoridad na tono ni Ed ang nabungaran niya. "Hindi mo daw inubos ang lunch mo?"

Dalawang araw makatapos makalabas ng ospital ni Alyssa ay pumasok na siya muli sa trabaho. Hindi naman ganoon kalala ang sitwasyon niya kaya maayos lang iyon. Kinailangan lang naman kasi siyang i-confine dahil inoobserbahan ng Doctor ang lagay niya. It turns out na wala namang gaanong dapat ipag-alala. Kaya lang naman siya nahimatay ay dahil na rin sa sintomas ng kanyang pagbubuntis.

Ngayon ay ilang araw na siyang napasok sa trabaho. Noong una ay bahagya pa nilang pinagtalunan ni Ed iyon. Hindi raw nito gusto na magtatrabaho siya lalo na sa kondisyon niya. Pero nang ipaliwanag naman niya rito na hindi ganoon kahirap ang kanyang trabaho ay pumayag ito. In terms na magpapaalaga pa rin siya rito. Hindi naman niya ito pinigilan. Simula nang pumasok siya ay inihahatid siya nito sa trabaho at ganoon rin kapag uwian na niya. Pero hindi lang sa ganoon ang pag-aalaga nito. Pati pagkain niya ay ito rin ang nagme-maintain para maging balanse.

Umupa si Ed ng isang dietician para malaman ang mga do's and don't's sa mga pagkaing kailangan niya para maging maayos ang kondisyon niya. Ang dietician at ang team rin nito ang naghahanda ng mga pagkain na iyon. Pinapadala ng mga ito ang breakfast, snacks, lunch at dinner na kailangan niya. Masasarap naman ang mga pagkain na pinapadala ng mga ito kaya hindi na siya nagreklamo. Pero kaninang tanghalian ay inatake siya ng nausea kaya hindi niya naggawang ubusin iyon.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina. Pero ayos na ako ngayon," pinilit niyang gawing kapani-paniwala na maayos na nga siya dahil puputaktihin na naman siguro siya ni Ed ng pag-aalala nito kapag pinahalata niya na hindi pa rin siya ganoon kaayos. Nakakatakot rin minsan ang pagiging worrier nito. Paano kasi ay nang naramdaman nito na masama ang pakiramdam niya noong isang gabi ay pumunta pa talaga ito sa apartment niya para tignan ang lagay niya.

"Are you sure---?"

"I am one hundred percent sure. 'Wag ka nang mag-alala, okay? I'm totally fine. I'll see you later,"

"Okay. Papadala na lang muli ako ng prutas diyan sa office mo para mabawi ang hindi mo naubos na lunch mo,"

Akmang magsasalita pa sana si Alyssa para pigilan ito pero naibaba na ni Ed ang telepono. Noong isang araw, sa kabila ng mga pinapadala na pagkain sa kanya, ay personal na dinadalhan rin siya ni Ed ng prutas. Mabuti raw iyon para sa lagay niya. Isang basket ang dinala nito kahapon kasama na rin ang isang pumpon ng iba't ibang kulay na tulips. Halos ni hindi pa niya nagagalaw ang mga prutas pero magpapadala na naman ito. Napailing-iling si Alyssa. Ngunit sa kabila ng lahat, lubos na na-appreciate niya ang ginagawa ni Ed.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraWhere stories live. Discover now