14. Left

12.6K 246 4
                                    

NAGISING si Ed na kulay kahel na ang paligid. Nagpapahihiwatig lang iyon na hapon na. Sa tantiya niya ay nasa isang oras rin siya nakatulog pagkatapos ng ginawa nila ni Alyssa. Sa naisip ay awtomatikong kinapa niya ang katabing espasyo ng kama niya na narating nila pagkatapos ng mainit na pangyayari.

Napakunot noo si Ed nang wala siyang makapa. Ibinaling rin niya ang tingin sa katabi at nagulat nang malaman ang dahilan kung bakit wala siyang makapa. Alyssa was not there.

Napatiim bagang si Ed nang mapagtanto kung ano ang ginawa nito. Umalis si Alyssa. Iniwan siya nito. Pinaglalaruan ba siya ng babae? Pagkatapos ng lahat ay...

Pero bakit ba niya naiisip na pinaglaruan siya nito? Hindi ba at iyon ang mga gusto niya sa mga naka-affair niyang babae? Ang wala na ang mga ito pagkatapos ng lahat ng pangyayari?

Sanay si Ed na pagkatapos niyang makipagniig sa babae ay hindi na niya matatagpuan ang mga ito kinabukasan. He always set rules to women before he went on. Isang one-night stand lang palagi ang affairs niya. Kapag natapos na siya sa isang babae ay hindi na siya umuulit. Wala pang kahit sino ang nakapag-satisfy sa kanya nang malaki para hilingin pa niya na magkaroon ng panibagong pagkakataon sa mga ito.

But not with this lady...

Hindi maintindihan ni Ed kung bakit nagagalit siya rito. Iyon ba ay dahil sa unang pagkakataon ay masasabi niyang talagang na-satisfied siya sa kama? Pero bakit naman ganoon ang mararamdaman niya samantalang si Alyssa ang pinaka-inexperience na babaeng nakasama niya sa kama?

It must be the feeling. Nais mainis ni Ed sa sarili. There was something he couldn't explain whenever he touched Alyssa. May kung anong kuryente. May kakaibang init. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang ganoong klase at napakasarap noon na siyang naging dahilan kung bakit nasiyahan siya at kung bibigyan ng pagkakataon ay gusto muli iyong maulit.

Ngunit paano niya gagawin iyon na iniwan na siya nito ngayon? Binigyan siya nito ng senyales na nagsinungaling ito. She doesn't want him. Dahil kung gusto siya nito, hindi ito aalis.

But she was a virgin... Sigurado naman na isa rin ito sa mga babae na pinangalagaan ang katayuan ng mga ito. Ganoon na lang ba talaga ito kadesperada na ibigay na lang sa kanya ang sarili para lang sa kapatid nito? Duda si Ed. There must be something more to it. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin maalis sa isip niya na pinaglaruan lang siya ni Alyssa. Hindi niya gusto iyon. Naiinis siya.

Bumangon si Ed sa kama. He was still fully naked. Pakiramdam niya ay nanlalagkit siya. It must be the sweat because of the lovemaking. Karaniwan naman na ganoon. Sa sobrang intense ng nangyari, hindi na iyon kataka-taka. Hinawakan niya ang kanyang pagkakalaki para tanggalin ang madalas na inilalagay niya roon bago makipagniig. Ngunit wala siyang makapang kahit anong plastic.

Napamura si Ed. Hindi siya gumamit ng proteksyon!

Lahat na lang ba ng mangyayari sa babaeng ito ay first time?

Lalong nagngalit si Ed. How can be such an idiot? Sa sobrang pagmamadali niya kanina na maangkin ito ay nalimutan na niya ang tungkol roon. Ang lakas talaga ng epekto sa kanya ng babaeng ito. Kaya naman sa nalamang iyon, nakumbinsi niya ang sarili. Sa kabila ng galit ay kailangan niyang ipahanap si Alyssa.

Ngunit bago niya pa maggawa iyon ay may isang pamilyar na boses ang sumigaw mula sa pintuan ng kanyang silid.

"Tio?Tio Ed! Are you there? Hurry up, Dad has risen! Lets go to the hospital now. I want to see him!"

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon