16. The Visit

12.8K 230 5
                                    

TATLONG araw pagkatapos ng nalamang balita ni Alyssa ay hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung tama ba na sabihin niya iyon kay Ed. Gusto niya munang ayusin ang sitwasyon, ang i-digest nang ayos ang balita. Isama pa na hindi niya alam kung anong lagay ni Ed kahit na ba madalas niyang tinitignan ang website ng Medoires para malaman ang mga bagong pangyayari lalo na sa royal family. Naging mabilis ang recovery ni Prince Rodrigo at malapit na raw ito muling mamuno. Kinailangan rin niya na maging updated dahil kahit na ba nalaman niya na kinansela na ang kasal, hindi pa rin niya masisisgurado ang mangyari. Kailangan pa rin niya ng assurance sa ginawa niyang pabor kay Ed.

As for her sister and Charles, hindi niya pa lubos na maintindihan ang sitwasyon ng mga ito. Pero nang tawagan naman niya si Charles nitong nakaraan ay naramdaman niya na maayos na ito sa kabila ng kalamigan na narinig niya sa boses nito. Sinabi nitong bumalik na ito muli sa London para asikasuhin ang business nito.

Sa paggaling ng hari ay halos wala ng problema ang lahat. Maliban sa kanya. Ngunit pinilit ni Alyssa na huwag pakaisipin ang problema. Pinayuhan siya ni Jenny na huwag mag-isip masyado dahil baka makaapekto iyon sa kondisyon niya. Kaya para ialis sa isipan ang problema, minabuti na lamang niya na igugugol ang panahon sa trabaho.

Hindi naman ganoon kaselan ang pagbubuntis ni Alyssa. Nagsusuka at nahihilo rin siya paminsan-minsan pero madalas ay tuwing umaga lang iyon. Bago siya umalis ng bahay para sa trabaho ay maayos na rin ang pakiramdam niya. Nagagawa niya nang maayos ang trabaho niya at maganda rin ang feedback ng mga customers sa mga design niya. Hindi lang basta-basta ang mga nagiging customer niya kaya lalo siyang nagiging proud sa sarili niya dahil nagugustuhan ng mga ito ang designs niya.

"Alyssa, hindi ba patapos ka na sa gown ni Miss Saquilon? Puwede ka na bang tumanggap muli ngayon ng isa pang bigating customer?" wika sa kanya ni Zyrene, ang manager ng Wedding Belle---ang wedding dress and accessories shop na pagmamay-ari ni Jenny. Kapag wala si Jenny sa shop, kaggaya ng araw na iyon, ay ito ang umaasikaso sa kailangan ng mga customers.

"Yes. Finishing touches na lang. Sure thing. Nandiyan ba sa labas ang customer?"

Tumango si Zyrene. "Gusto ni Ma'am na siya ang magbigay ng idea ng wedding gown niya kaya gusto sana niya na makausap ng personal ang fashion designer,"

Pinagbigyan ni Alyssa si Zyrene. Nilabas niya ang sinasabi nitong customer. She looked lovely and nice, too. Sa unang tingin pa lang ay nararamdaman na ni Alyssa na wala siyang magiging problema sa demands nito. Hindi naman nagkamali si Alyssa.

Mabait na kausap ang customer na nalaman niyang Melanie ang pangalan. Hinayaan pa nito na mag-first name basis sila. Isama pa na gusto rin niya ang mga ibinigay na ideas nito. Mabilis niya na na-picture out.

"For sure, you will look lovely with the dress. Isama pa na napakaganda mo,"

Bahagyang namula si Melanie. "Salamat. I also want to please Augustus. My groom deserves something really beautiful."

Napakunot ang noo ni Alyssa nang marinig ang pangalan ng magiging asawa nito. Kanina pa niya napapansin na parang pamilyar ito sa kanya. At nang sabihin nito ang pangalan ng groom nito ay tila nagkakaroon na siya ng ideya kung bakit pamilyar si Melanie...

"Ah, ano nga ulit ang pangalan ng groom mo?"

"Augustus. Augustus Foresteir. Ring a bell?" ngiti-ngiting wika ni Melanie. "Sayang nga lang at hindi siya nakasama. Mayroon kasi siyang importanteng meeting na hindi puwedeng basta-basta na lang i-cancel. But its okay, I understand. Isa pa, hindi naman talaga niya ako pinabayaan. Mamaya susunduin ako ng isa sa mga kaibigan ni Augustus at---" hindi na naituloy ni Melanie ang sasabihin nito nang napansing may nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Alyssa. "Alyssa, namumutla ka. Mayroon bang---"

Itinaas niya ang kamay niya para patigilin ito. Pakiramdam niya ay sumama ang pakiramdam niya sa pagkarinig pa lamang ng isang tao na alam niyang may malaking kinalaman kay Ed. Dahil matagal na siyang may gusto rito, madalas na binibili niya ang mga magazines kung saan napi-feature ito. Minsan na na-feature ito kasama ang ilang matatalik nitong kaibigan at kasama roon si Augustus. Alam rin niya na may Group of Companies na itinayo ang mga ito at isa sa mga on hand na namamahala roon si Augustus. Kasama si Augustus sa mga tinaguriang "International Billionaires".

"Excuse me, Melanie. Biglang sumama ang pakiramdam ko," wika niya at lumabas ng shop. Pakiramdam ni Alyssa ay kailangan niya ng fresh air. Huminga siya nang malalim, pinilit na ayusin ang sarili. Isa rin siguro iyon sa mga epekto ng pagbubuntis niya.

Sa pagpapaayos ni Alyssa ng sarili ay may Rolls-Royce na pumarada sa harap niya. Pakiramdam yata niya ay lalo pang sumama ang pakiramdam niya kaysa sa karamihan ng mga tao sa labas na namangha sa nakitang magarang sasakyan. Pamilyar rin kasi iyon sa kanya. Ngunit ayaw niyang isipin kung sino.

Hindi naman talaga niya ako pinabayaan. Mamaya susunduin ako ng isa sa mga kaibigan ni Augustus,

Could it be?

Nanlabo ang paningin ni Alyssa nang lumabas ang pangunahing tao sa Rolls-Royce. And the next thing she knew, everything went pitch dark.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraWhere stories live. Discover now