10. Low

12.8K 213 2
                                    

PATAPOS na si Alyssa sa trabaho niya para sa araw na iyon nang tawagin siya ng manager ng dressing shop na si Manuela. Ni-request raw siya mismo ng special na customer para gumawa ng damit na isusuot nito para sa kasal nito. Napansin niya ang kakaibang kasabikan ng manager at pati na rin ng mga empleyado sa shop habang naglalakad siya patungo sa lugar kung nasaan ang special customer na sinasabi ng mga ito.

"You better really be good, Alyssa." Pagpapaalala sa kanya ni Manuela.

Hindi nag-alala si Alyssa na maaaring hindi niya ma-meet ang expectation ng customer. Naniniwala siya sa sarili niya at lahat rin ng mga naging customer niya ay satisfy sa lahat ng mga ginawa niya. Pero hindi niya maiwasan na magtaka na ganoon na lang ang kapanabikan ng manager at co-employees niya tungkol sa proyekto. "This customer is really that special?"

"Yes. But maybe for you, not that special. You already know him..."

Napakunot ang noo ni Alyssa sa sinabi ni Manuela pero bago pa man siya makapagtanong ay nasa lugar na sila kung nasaan ang special na customer na sinasabi nito. Iniwan siya ng manager pagkatapos.

Tama si Manuela. Kilala nga niya ang customer. Dapat ay inasahan na rin niya ito, hindi ba? After all, ikakasal ito. Dapat na pumunta nga ito sa dressing shop nila. Pero dahil ayaw niyang isipin iyon dahil para sa kanya ay isang malaking kamalian iyon, hindi pumasok sa isip niya si Ed.

"Hindi ka pa rin tumitigil, ano?" gusto niya na makita si Ed. Gusto niya ang lakas ng tibok ng puso niya ngayong nasa harap niya ito. Pero nawawala ang sarap kapag naiisip niya ang purpose kung bakit nandoon ito.

Ikakasal si Ed. Mali pa dahil isang paghihiganti ang dahilan noon. Mali rin dahil hindi siya iyon.

"Bakit naman ako titigil?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Ed. "I've already told you about it."

Nagtagis ang mga bagang ni Alyssa. "I won't give in to you."

"Alam ko. Kaya nga ako nandito. Itutuloy ko ang kasal ko at ikaw ang gusto kong gumawa ng damit ko."

"Ed---"

Itinaas ni Ed ang kamay nito. "Stop the talk, Alyssa. I'm serious about marrying Aliciana. Kahit na nalaman mo ang tunay kong plano, hindi pa rin ako papipigil sa gusto kong gawin. Now, be a professional. Sukatan mo na ako."

Gustong magprotesta muli ni Alyssa pero muling itinaas ni Ed ang kamay para patigilin siya. Sa naniningkit na mga mata ay kinuha niya ang mga kagamitang pangsukat at sinunod ang gusto ni Ed.

Sanay si Alyssa na magsukat ng mga customers. Wala rin kaso kung lalaki man iyon. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba ngayong si Ed ang sinusukatan niya. She knew she was trembling. Kung dahil iyon dahil sa naiinis siya rito o dahil sa epekto ng pagdadait lang nila, hindi niya masigurado. Nang maramdaman ni Ed ang nangyayari sa kanya ay pinatigil siya nito.

"P-pasmado lang ako," sagot naman agad ni Alyssa kahit hindi pa man nagtatanong si Ed. Sa gulat niya, sa halip na bilhin at umayon na lang si Ed roon ay kinuha nito ang kamay niya.

"A-anong ginagawa mo?" lalo yatang nanginig si Alyssa sa ginawa ng lalaki.

Ipinagdikit ni Ed ang mga kamay niya at dinala sa bibig nito. Hinipan nito iyon. Lalo yata siyang nangatal sa ginagawa nito sa kanya. "Makakatulong ito para mawala ang pagkapasma ng kamay mo..."

No it would never help! Gustong sumigaw ni Alyssa. She felt trapped. Anong gagawin niya ngayon? Hindi naman talaga siya pasmado. Epekto lang iyon ng pagkakalapit niya kay Ed. Aware na aware siya sa katawan nito at may kakaibang epekto iyon sa kanya. "H-hindi ako naniniwala diyan. Ilang beses ko na rin naggawa 'yan pero nanginginig pa rin ako."

Please buy my excuse, Ed! Alam ni Alyssa na mapapahamak lang siya kung sasabihin niya rito ang totoong dahilan.

Nagkibit-balikat si Ed. Binitawan ang kamay niya. Sandaling nakaramdam naman ng panlulumo si Alyssa. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon 'di ba? Mali. Oo, gusto niya si Ed. Pero dahil nalaman niya na ganoon pala ang ugali nito, dapat ay ma-turn off siya rito. Magalit. Pero malakas pa rin ang epekto nito sa kanya. Hindi niya maikakaila na gusto niya ang tibok ng puso niya sa kabila ng mga kamalian.

Sinubukan ni Alyssa na maging professional kagaya ng sinabi ni Ed. Pinigilan niya ang sarili. Ginawa niya ang trabaho. Nagpatuloy siya sa pagsusukat kay Ed kahit na ba ramdam na ramdam niya ang presensiya nito at tila napakahirap na mag-concentrate.

Pagkatapos sukatan ni Aliciana ang waist ni Ed ay ang dibdib naman nito ang isinunod nito. Matangkad si Ed at malaki ang katawan kaya naman kinailangan pa niyang tumingkayad para masukatan ito ng ayos. Dahil na rin sa kanyang ginawa ay sandaling nabuwal rin siya. Sa kondisyon niyang tila nalilito na nasa paligid ito, inaasahan na niya iyon. She was being clumsy. Hindi tuloy niya alam kung kaiinisan niya iyon o magugustuhan dahil nagbibigay naman iyon ng masarap na damdamin sa kanyang dibdib. Hindi naman siya binigo ni Ed sa ka-clumsy-han niya. Inalalayan siya nito.

Nakakunot ang noo nito nang ilayo siya mula sa dibdib nito. "May sakit ka ba, Alyssa?"

Was he talking about my red cheeks now? Huwag naman po, please! Kailangan kong mag-deny. "What? Wala, ha!" tanggi naman niya.

"You're trembling. Tapos nabubuwal ka pa. Sabihin mo sa akin at---"

"I-I'm just tired. Iyon lang siguro iyon," sagot ni Alyssa kahit na ba alam niya na mas naayon yata kung sinabi na lang niya na "That's happening to me because I want you to catch me since I am already falling. And its not just literally..." Ngunit hindi pa siya ganoon kabobo para aminin sa lalaking ito na matagal na siyang may crush rito. Hindi bagay.

"You sure?" paninigurado pa nito na tila concern na concern sa kanya.

"Yup!" pinilit niya na pasiglahin ang boses.

Ngumisi si Ed. "But for a moment there, I thought, malakas lang talaga ang epekto ko sa 'yo kaya ka nanginginig. Because you know, girls always feel that to me all the time. Nervous because of my over powering charm. At 'yung mga sadyang pambangga nila sa akin, they do that para mapansin ko sila o 'di kaya ay ma-tsansingan ako. Pero bakit ko ba iisipin iyon sa 'yo? You would never stoop that low, right?"

Gustong magngitngit ng ngipin ni Alyssa dahil alam niya na tumama si Ed. Hindi naman niya sinasadya pero may malaking parte rin na gusto niyang mag-take advantage rito. Pero dapat rin niya na alalahanin ang sinabi ni Ed. She should never stoop that low. At alam niyang kapag hinayaan niya pa na overpower siya ng pakiramdam na dala nito sa loob niya, malamang ay maging mababa na nga siya.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraWhere stories live. Discover now