3. Friend

19.5K 289 8
                                    

MALI si Ed sa pagpayag niya sa paanyaya ng mga magulang. Sobrang nakakainip pala dumalo sa mga pang-maharlikang kasiyahan. May mga nakikita nga siyang mga bata na kasama ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang. Pero kung hindi naman mas bata sa kanya ang anak ng mga ito, malaki naman ang tinanda. Wala ni isa siyang magustuhan at makasundo sa lahat ng mga batang dumalo sa party.

"Don't worry, filho. You haven't met the Braganni princesses. Trust me, you'll surely love them," pagpapakalma naman kay Ed ng ama.

Duda si Ed kung magugustuhan niya nga ang mga ito. Ilang prinsesa na ba sa mga royal houses ang nakasalamuha at nakita niya? Magaganda ang mga ito, oo. Pero lahat ng mga ito ay mukhang maiilap. Masusungit. Tila mga seryoso rin sa buhay kaggaya ni Rodrigo. Ganito na ba talaga ang magiging buhay niya ngayon?

Ilang sandali pa ay ipinakilala na ang isa sa mga prinsesa ng Royal House of Braganni. Nalaman niyang Aliciana ang pangalan nito. Sa tantiya ni Ed ay kasing tanda nga niya ang prinsesa. Maganda rin ito. Pero kaggaya ng mga nakilala niya, mukhang suplada rin si Princess Aliciana. Hindi niya gustong makasalamuha rin ito.

"Can I just go outside, mae? I've seen the garden. It looks so good. I might just spend my time there,"

Tumango ang kanyang ina. "Okay, I'll just let Emanuelle accompany you," anito na tinutukoy ang bodyguard ng pamilya.

Umiling si Ed. "No, I'll be fine. I'm a big boy now, remember?"

Sa sinabing iyon ni Ed ay pinayagan siya ng mga magulang na lumabas sa loob ng palasyo ng mag-isa.

Nagmuni-muni si Ed sa hardin. Naglakad siya at nilibot ang hardin. Hindi siya nagsisinungaling sa mga magulang nang sabihin niya na maganda ang hardin ng mga Braganni. Malawak iyon at maraming bulaklak. Sa kanyang paglilibot ay napansin rin niya ang isang man-made lake na may kalayuan na sa palasyo. Dahil curious siya na malapitan iyon, pumunta siya sa lugar.

"Nakakainis!"

Nagulat si Ed nang marinig ang boses na iyon. Ilang buwan na rin simula nang makarating siya sa Medoires at nasasanay na siya na hindi magsalita ng wikang Filipino o makarinig man nang nagsasalita noon.

Sino ang nagsalita at bakit marunong ito ng wika sa bansang pinagmulan niya?

"Disgusting clothes! Kainis talaga," narinig niyang wika pa ng maliit na tinig na iyon.

Nagtago si Ed sa mga halaman malapit sa lawa. Mula roon ay nakita na niya ang maliit na babae na sa tantiya niya ay dalawag taon ang bata sa kanya---mga sampung taong glang ito. Tinanggal ng bata ang maraming raffles na bestida nito at natira na lang ang manipis na sando at shorts sa may pagkapatpatin pa na katawan nito. Pagkatapos noon ay tumalon ang bata sa lawa.

Napasinghap si Ed sa ginawa ng bata. Nagulat. Dahilan para lumabas siya sa pinagkukublian para tignan ito. May katagalan na rin ang bata sa lawa kaya naman kinabahan na siya.

"Hoy bata---"

Hindi pa tapos si Ed sa sasabihin nang maramdaman niyang may dalawang kamay na humawak sa mga paa niya. Nanlaki ang mga mata niya at kinabahan, lalo na nang mga sumunod na sandali ay hinila ng mga kamay ang paa niya papunta sa tubig.

"What the---" hindi na napigilan ni Ed na mapamura sa nangyari sa kanya. He was soaking wet!

Tumawa lang ang batang nanghila sa kanya sa lawa. "Malamig ba?"

Napatigil si Ed sa pagrereklamo nang magsalita na naman ito. Pinakatitigan niya ang mukha ng babae. Wala namang ipinagkaiba sa karamihan sa Portuguese na babaeng nakakasalamuha niya ang itsura nito. Dark eyes, long eyelashes, at thick dark hair. Mediterranean ang ganda ng babae. Mukhang isa talaga itong mamamayan ng Medoires. Pero bakit marunong itong mag-Tagalog?

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraWhere stories live. Discover now