11. Crazy

12.5K 227 1
                                    

HINDI makatulog si Ed. Kanina pa ginugulo ni Alyssa ang isipan niya. Naiinis na siya dahil halos noong nakaraang gabi ay ganoon rin ang nararamdaman niya. Malakas ang epekto sa kanya ni Alyssa dahil kahit hindi naman niya gustong isipin ito at hindi dapat, iyon at paulit-ulit pa rin ito na pumapasok sa isipan niya. He wondered if she was getting tired because of it.

Parang sinusundot ang konsensiya ni Ed sa inalok niya ritong kondisyon kapalit ng pagpapalaya niya sa kapatid nito. Sa totoo lang ay hindi naman niya gustong saktan si Alyssa. Hindi naman siya nagsisinungaling na gusto niya ito at gusto niyang ibigay nito ang sarili sa kanya. He was being honest...but in a very ruthless way. Pero hindi naman niya gagawing madali na lang ang pagpapalaya niya sa kapatid nito na balak niyang gantihan kahit na ba matagal na ang nangyari noon.

Tama si Alyssa nang hula. Ginawa lang niyang ganti ang lahat kaya si Aliciana ang pinili niyang maging reyna. Alam niya na maraming tutol. Kahit rin naman siya ay hindi iyon ganoong maatim. But he was going to use her. Gagawin niya itong trophy, neglected wife. Ito ang magiging ganti niya sa ginawa nito sa kanya noon. Maaring huli na pero kahit ganoon, hindi pa rin siya nakakalimot. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon noon, puwes, bakit hindi niya gawin ngayon? Tutal ay malalaki na naman sila hindi kaggaya noon na napakabata pa ni Aliciana para madamay sa gulo kung magsusumbong siya. Isama na rin na hindi niya gusto na magkaroon ng gulo ang dalawang pamilya kapag nalaman ng mga magulang niya ang masamang asal ng mga Braganni. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na kinikilala bilang nobility family ang mga Braganni. Hindi na niya masisira ang pangalan ng mga ito kung sakali man na maghiganti siya. Ang tanging maapektuhan na lang ay si Aliciana---ang babaeng kumutya sa kanya noon.

Ed had revenge tendencies, all right. Pero masyado na siyang naghirap noon. Naging masakit para sa kanya na maulit ang mga pangungutya lalo na noong akala niya ay hindi na muli mangyayari iyon. Alam rin niya na mali ang ginagawa niya. Ngunit hindi niya basta-basta nalimutan ang ginawa sa kanya ng mga Braganni. Maaring bahagya niyang nalimutan at nawalan siya ng pagkakataon na maghiganti pero ito na ang pagkakataon niya. Maaaring unfair rin dahil hindi kagaya sa mga nang-api sa kanya noong bata pa lang siya, hindi na niya naisip na gantihan ito. Pero dahil napag-isip-isip rin naman niya na may mali rin sila noon, ipinagsawalang-bahala na lang niya. Hindi ganoon ang sitwasyon nila ni Aliciana. Wala siyang masamang ginawa rito o kahit sa sino man na pamilya nito pero pinagmalupitan pa rin siya ng mga ito. Nararapat naman dapat talaga na maghiganti siya rito.

Naisip-isip ni Ed na dahil wala rin naman siyang kakayahan na magmahal, bakit hindi na lang ganoon ang gawin niya? Kahit kailan ay hindi niya pa nararamdaman ang pakiramdam ng magmahal. Iyong tipo ng mag-care para sa isang babae kaggaya na lang ng kaibigan niyang si Augustus kay Melanie. Sa naisip na iyon ay tila gustong sapukin ni Ed ang sarili. May naalala siya bigla. Naramdaman na pala niya iyon. Kay Alyssa. Noong bata pa sila. At ngayong malaki na sila, nararamdaman naman niya na hindi niya gusto ang pakiramdam na nasaktan niya ito.

Playboy siya at hindi na sikreto sa kanya na may mga babae na rin siyang nasaktan. Ngunit kailanman ay hindi siya nakonsensya ng ganito.

Pero sa kabila noon, umasa ka pa rin na papayag siya! Sigaw ng isang bahagi ng utak ni Ed.

Nakonsensiya sa ginawa niya kay Alyssa pero naggawa niya pang puntahan ito ngayong araw. Nagpakita pa siya rito at tila lalong sinaktan ito sa pagpili rito para lang maging designer ng suit na isusuot niya sa kasal nila ni Aliciana. Pero dahil gusto niyang makita ito ay ginawa niya iyon. It seems like he couldn't get enough of her. He wanted to see her... Kahit nakokonsensya siya sa inalok niya rito ay umaasa pa rin siya na papayag ito sa kondisyon niya. He wanted Alyssa...

Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Kaya ba nangyayari iyon sa kanya dahil mali ang ginagawa niya? Karma niya ba ang lahat ng ito?

He was affected by the mere thinking of Alyssa getting close again to him. He still could feel the sensation when their bodies got close. Maganda rin naman si Alyssa. Hindi imposibleng maramdaman niya ang pagnanasa rito. But she doesn't seem to be the kind that he usually goes for. Iyong mga babaeng pangkama lang. A mistress. She was far away from that. She was a girl worth keeping for.

At naniniwala siya na hindi niya deserved ang kaggaya nito. Kaya nga mas pinili niya ang kapatid nito kaysa rito mismo.

Ngunit kaya ba niyang panindigan ang paniniwala niya gayong kahit alam niyang mali ay ginugulo pa rin nito ang isipan niya? Kahit napakasama ay gusto niyang umasa na papayag ito sa gusto niya?

Ed really felt mad and crazy. Ito ba ang epekto sa kanya ng lahat ng biglaang responsibilidad na napatong sa kanya? Umaasa siya na sana nga ay ganoon lang. Dahil kung hindi, he knew he will be in a big trouble.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon