8. Fight

12.2K 189 2
                                    

NANLAKI ang mga mata ni Alyssa nang makita niya mula sa bintana ng palasyo na dumating ang isang magarang karwahe sa palasyo nila. Kaagad na lumakas ang tibok ng puso niya nang makilala ang karwahe. It was from the Royal House of Ferreira. Wala siyang maisip na maaring bumisita sa kanya na taga roon kundi si Duarte lamang. Pero namayapa na ito. It should only be one person.

Ed.

Nasabik si Alyssa. Bumaba siya at akmang pupunta na sa main entrance ng palasyo nila kung saan alam niyang didiretso si Ed para salubungin ito. Pero natigil siya nang marinig niya ang pagsita ng mga guwardiya nila kay Ed. Kasunod noon ay narinig rin niya ang mga mapanglait na salitang binatawan ngi Aliciana pati na rin ng kanyang ina. Maaring bata pa si Alyssa pero matalas ang isipan niya. Hindi magagandang salita ang binatawan ng mga ito. Paniguradong nasaktan si Ed sa mga salitang iyon at sa kaalamanang nasaktan ito ay tila ganoon rin siya. Hindi dapat ito ginanoon ng pamilya niya. Napaiyak siya dahil hindi niya naipagtanggol si Ed. Matagal-tagal rin siyang nakakilos sa puwesto niya dahil masyado siyang nabigla sa narinig. Nakabalik na mula sa main entrance ang ina niya at si Aliciana nang sa wakas ay maggawa na niyang kumilos.

"You shouldn't do that to him! You hurt him!" akusa niya sa pamilya.

"Hah! He deserves it. He should know where he should just stand. He is a man full of confidence. And I still can't forgive him after what he did to you on the lake! He really had a rustic attitude. But what do you expect from a guy without roots?" sagot sa kanya ni Aliciana. Mature na ang isip nito sa kabila ng batang edad pa lang nito dahil madalas na kasa-kasama ito ng kanyang ina. Hindi ito mahilig makihalubilo sa mga bata.

"How many times did I have to tell you that it wasn't his fault? Its mine! I persuaded---"

"Shut up, Alyssa! I wouldn't believe that you would do it. You are a royal child. You are my sister. I didn't expect it from you so don't blame yourself." Pagkatapos noon ay iniwan na siya ng dalawa.

Tama naman si Aliciana. Hindi nga inaasahan na gawin ng isang kaggaya niya ang ganoon. Lalo na siyang sakitin pa. Iyon ang unang beses na ginawa ni Alyssa ang ganoong bagay at masasabi niyang nag-enjoy siya sa karanasan na iyon. How can she not? She was too tired of living in a royal family. Gusto naman niyang makaranas ng ginagawa ng normal na bata. Sa kasiyahan lang na iyon siya nagkaroon ng pagkakataon dahil abala ang lahat. Nakatakas siya sa kasiyahan. Bonus pa na nakasama niya si Ed. He seems adventurous, too. Naalala niya rito ang namatay niyang kaibigan na si Duarte. Nami-miss niya ang kaibigan. Masaya siya na kasama ito. Pero sa kung anong kadahilanan, pakiramdam niya ay doble ang sayang naramdaman niya nang makasama niya si Ed. May kung ano rito na hindi niya maipaliwanag.

Ngunit alam niya na dahil sa nangyari, hindi na niya matutuklasan pa ang kung ano na iyon. Simula sa araw na iyon, paniguradong kamumuhian na ni Ed ang pamilya niya. Sa isipin na iyon, ginupo ng matinding kalungkutan ang puso ni Alyssa...

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraWhere stories live. Discover now