15. Pregnant

13.8K 220 0
                                    

One Month Later

"I-I'M PREGNANT?" tila may bumikig sa lalamunan ni Alyssa nang ulitin niya ang sinabing resulta ng Doctor sa test na ginawa nito sa kanya.

"Yes, hija. You are four weeks pregnant. Congratulations!" masaya pang pagbati ng Doktora sa kanya.

Pakiramdam naman ni Alyssa ay namutla siya sa narinig. Natulala rin siya. This couldn't be happening.

"Its okay. First time mom ka ba? Normal na nangyayari 'yan sa mga unang beses na mabuntis. Matagal mo na bang inaantay ito? Hindi ka makapaniwala?" tumingin ang Doctor sa record niya. "Oh, you are already in your thirties."

Tumango si Alyssa kahit na ba hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit talagang natatakot siya sa nalaman.

"Okay lang iyon. Kabilang ka pa rin naman sa early thirties. At ang mga bagong ina sa early thirties ay marami pang lakas para alagaan ang anak nila. Walang maaring problema basta alagaan mo ang sarili mo. Less stress dapat, ha? 'Yung mga nararamdaman mo naman ngayon na pagsusuka, pagkahilo... normal lang iyan sa mga unang buwan ng pagbubuntis. Mawawala rin iyon. But if you want to take meds to ease the pain, its okay. May mga available naman tayong gamot na safe. Ililista ko rito pati na rin ang mga vitamins na kailangan mong i-take,"

Hinayaan ni Alyssa na magsalita nang magsalita ang Doctor. Naririnig niya ito pero pakiramdam niya ay tumatagos rin sa kabilang tainga niya ang mga iyon. Hindi niya kayang i-digest agad ang sitwasyon.

Inaasahan na ni Alyssa na maaring mangyari iyon. Hindi sila gumamit pareho ni Ed ng proteksyon. Pero ayaw niyang pakaisipin ang posibilidad dahil alam niyang makakasama lang iyon sa sitwasyon.

Wala silang relasyon ni Ed pero kahit ganoon ay hindi niya masasabing aksidente ang nangyari. Ginusto niya iyon. Siya pa nga ang nagpumilit rito. Kailangan niyang harapin ang mga consequences ngayon.

Lumabas si Alyssa ng clinic na gulong-gulo pa rin ang isip. Doon ay sinalubong siya ng kaibigan niyang si Jenny. Ito ang naging malapit na kaibigan niyang Filipina noong nag-aaral pa siya sa London. Ito ang kasama niya na magpunta sa clinic.

"O, ano? Positive?" bira agad nito. Ang kaibigan niya ang nag-udyok sa kanya na magpatingin nang maramdaman niya ang ilang sintomas kaggaya ng pagkahilo at pagsusuka ng walang dahilan ilang araw na ang nakakaraan. "Hah! I knew it!"

Napaka-insensitive ng reaction ng kaibigan niya sa pinagdadaanan ngayon ni Alyssa. Ngunit iyon ang normal na ugali ni Jenny. May pagkataklesa kasi ito. Minsan nga ay naiisip niya kung paano sila naging magkaibigan samantalang marami ang nagsasabi na siya ang kabaliktaran nito. May pagkamahinhin kasi siya.

"Anong plano mo ngayon?"

"Bear with it," wika ni Alyssa saka bumuntong-hininga.

"Alam ko na iyon ang gagawin mo, gaga! Akala mo ba papayagan kita na ipalaglag 'yan? I maybe a lot of things pero hindi ako masamang tao at hahawaan ko ang mga kaibigan ko ng ugali kong iyon. Ang ibig kong sabihin, kung sasabihin mo ba sa ama niyan ang naging bunga?"

Hindi sikreto kay Jenny ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Ed. Hindi niya nakayang magtago sa kaibigan nang tanungin nito ang dahilan kung bakit sa wakas ay nakumbinsi siya nitong pumunta ng Pilipinas para magtrabaho para rito.

Nagmamay-ari si Jenny ng fashion boutique at wedding dress and accessories shop sa Pilipinas. Kadalasan ay matataas na tao ang sinseserbisyuhan nito---lalo na sa wedding dress shop nito. Hindi rin basta-bastang fashion designer ang inuupahan ni Jenny sa business nito na iyon. Dahil kilala siya ng kaibigan, alam niyang magiging malaking tulong siya para maging mas lalo pang matagumpay ang negosyo nito. Pero dahil mas nais niyang pagsilbihan sana ang lugar kung saan siya lumaki ay hindi siya pumayag.

International Billionaires 3: Edmundo FerreiraOnde as histórias ganham vida. Descobre agora