PART 22

3.8K 86 10
                                    


PART 22

KRISTEL POV

"Hello! Faye nasan ka na?" Naiinis kong tawag dito, pag-antayin ba naman ako dito sa mall!

"Malapit na ko, sandali na lang" nagmamadaling sagot niya.

"Aiisshh! Kapag nakalimang minuto na at wala ka pa, seriously aalis na ako dito. Ok" 

"OO na! Mag-boys hunting ka muna diyan para hindi ka mainip!" Nang-iinis pa na sagot nito.

Sinakyan ko naman ang biro niya. "Wala akong makitang chinito dito!"

"Pwes, pumunta ka dun sa China Town para makita mo ang hinahanap mo" Tumatawang sabi nito.

Natawa naman ako ng bahagya. "Baliw! Tatlong minuto na lang aalis na ko"

"Ok" Maikling sabi nito at pinatayan na ako ng linya. 

Lumabas ako ng mall para makita agad si Faye kapag dumating na ito. Maganda ang panahon at hindi gaanong mainit.

Humalukipkip ako at inantay ang tatlong minutong nalalabi sa pag-aantay ko sa babaeng yun. 

Nang may mapadaan na white sports car sa harap ko ay naaninag ko ang mukha ni Mark at ang ang babae sa driver's seat na katabi nito. 

Dumating na ba si Amber?

Tinanaw ko lang ang nakalayo nang sasakyan nito.

Bwisit na Amber yan. Mukhang tapos na ata yung Business Trip nila hindi man lang nagsasabi. Napipilitan tuloy ako na sumama kay Faye sa mga kagagahan nito.

Kinuha ko ang phone ko at balak na sanang i-dial ang number ni Amber.

"Hey Sissy!" Bungad na bati sakin ni Faye at yakap pa. "I arrive on time" Ngiti nito.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Actually papunta na ako sa China Town ngayon" 

Tumawa naman si Faye.  "So Tara, magsisindi na ako ng insenso para diyan sa Lovelife mo" 

 "Yah!" Sabay hampas ko dito. Oo ako na nga ang walang lovelife!

Kinabig naman nito ang braso ko at hinila na ako papasok ng mall. "Tara nang mag-shopping then let's take a picture at ipadala natin kay Amber. Haha! Para mahili siya"

"Feeling ko nakita ko si Amber ngayon lang" Di ko siguradong sabi dito.

Nilingon naman ako ni Faye sa paglalakad namin. "Kuya just told me that she's still on the Business Trip 'no"

Napataas ako ng kilay. "Talaga." Walang ekspresyon kong sagot "Nasan ngayon si Mark?"

"Office. Ano pa nga ba" Bored na sabi ni Faye.

Napakunot ako ng nuo. Siguro namalikmata lang ako.

**

"Where are we going Von?" Tanong ni Amber dito habang nakasunod kay Von kung san man ito patungo.

"Ngayon ang araw ng pag-aani nila sa palayan. Tutulong tayo sa kanila" Nakangiting sagot ni Von dito. "Good thing you're wearing jeans" 

"Von..." Kokontra pa sana si Amber dito.

"Don't worry, everything will be alright. It's not a bad thing if we show up" Sabay kibit balikat ni Von.

Pagkarating nila sa lugar ay marami nang mga mamamayan ang nandidito. Masasaya ang mga itong naghuhuntahan bago magsimula sa trabaho.

Nang may isang nakapansin sa kanila ay nagtinginan narin ang karamihan. Panay ang bulungan ng mga ito at ang ilan ay masasama ang tingin.

Inakbayan ni Von si Amber at nagsimulang lumapit sa mga ito.

Pinapayid ang buhok nila ng preskong hangin.

Nang makalapit na sina Von sa mga ito ay may pumagitnang isang lalaki na siyang kumausap sa mga mamamayan na ang atensiyon ay nasa dalawang dayo sa lugar nila.

"Mga ka-nayon, nais daw ni Sir Von na tumulong sa ating pag-aani. Wala naman sigurong masama kung pagbibiyan natin sila"

Nagkatinginan yung mga tao bago isa-isang nagsialisan. 

Ngumisi naman si Von at tinapik yung balikat nung matandang lalaki. "Salamat Tatang" 

Natatandaan ni Amber yung lalaki, ito yung namumuno sa mga mamamayan dito na nakaalitan ni Von nung unang araw nila, kung ganun ay magkaayos na pala ang dalawa.

Tinanguan lang ito ng matanda at may ibinigay na banig na sumbrelo kina Von at Amber at saka sumunod na rin sa karamihan. 

Nakasimangot na tiningnan ni Amber si Von. "We're not even welcome here"

Nginisian ito ni Von at isinuot sa dalaga ang sumbrelong banig. "Don't forget that this is our Assignment, you got no choice." Sabay kindat nito sa dalaga.

Napaiwas naman ng tingin si Amber. "O-Ok"

"Dumikit ka lang sakin baka makapitan ka ng linta, madami raw duon sa palayan sabi ni Tatang" Nang-aasar na sabi ng binata.

"Yak!" Agad na bulaslas ni Amber na hindi maipinta ang mukha sabay hampas ng madiin kay Von.

Natatawang napahawak si Von sa braso niya kung saan siya hinampas ng dalaga. Pinisil nito ang ilong ni Amber "Wag kang mag-alala ako lang ang didikit sayo" Nakangising sabi ni Von.

"Aish" Saway dito ni Amber at tabig sa kamay nito.

"Sir! Pumunta na kayo dito" Tawag ni Tatang sa kanila.

Kinuha ni Amber yung sumbrelo sa kamay ni Von saka isinuot at siya na rin ang naglagay ng isa sa ulo ni Von "Tara na, magpapakitang gilas ka pa" 

Nginisian naman ito ni Von. One of his evil smirk. 

***

VOTE. COMMENT. FOLLWO. XOXO

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon