PART 10

5.8K 115 12
                                    

PART 10

AMBER POV

"Hiiiiiii Ambeeer!" Energetic na salubong sakin ni Kristel nang pumunta ako sa bahay nila. Actually pinapunta niya ko, may 'importante' daw siyang sasabihin. Pero trust me! Nonsense lang ang ipinunta ko dito. =_=

Nadaanan pa namin yung Mommy niya sa sala nila.

"Hi Tita!" Nakangiting bati ko dito.

Nagulat naman ito ng makita ako at saka ngumiti "Oh' Amber, halika ka muna dito ----- pagpapa-upo sana nito sakin dun sa sala nila.

"Mom! We're going to my room!" Putol dito ni Kristel na mukhang atat na atat na umakyat sa kwarto niya.

Kumaway na lang ako kay Tita. Nag-iisang anak lang si Kristel kaya naman madalas na susunod ang luho nito.

Kumpara sakin, wala akong pamilya. Sa orphanage na ako lumaki at dahil mabait sina sister kinupkup parin nila ako hanggang sa makatapos ako ng High School. At simula nang magcollege ako ay kung ano-ano nang part-time job ang pinasukan ko. At mabuti na lang din dahil may nakuha akong scholarship kaya naman nakatapos ako. At dahil na rin sa pagsisikap ko ay nakatapos akong Suma Cum laude sa kolehiyo na pinasukan ko.

Hila-hila na ako ni Kristel papunta sa kwarto niya. Tumambad agad sakin ang 'Napakalaking' picture ng Korean Boy Group sa pinto ng Kwarto niya. Oo. Major Over Fangirl siya. Wala naman akong violent reaction kaso lang may pagka-OA na talaga si Kristel.

Nang binuksan na niya yung pinto niya. E'to na naman ang punong-punong poster sa kwarto niya. Ngiting-ngiti namang dinampot ni Kristel yung isang poster dun sa kama niya at ipinakita sakin. "Taraaaan! Bagong dagdag sa mga babies ko!" Sabi pa nito na animo'y kinikilig.

Tiningnan ko naman ang poster. Pamilyar na ako sa mga mukha na nandodoon. Nginitian ko naman si Kristel "Cute! Lalo na yung nasa gitna" ako. Sabay naupo sa kama nito at kinuha yung unan na may mukha ng isa sa mga member nang Kpop Group na gusto niya. Sabi sa inyo eh, OA fumangirl 'tong si Kristel. 

"Wag mong sabihing yung nasa gitna lang yung gwapo! Masasaktan yung ibang mga babies ko" Maktol ni Kristel at inirapan pa ako. 

"Yan lang yung dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito?" Tingin ko dito ng masama.

Tumango-tango naman ito at abala nang ikinakapit yung ibang poster dun sa pader sa Kwarto niya. 

Napabuntong-hininga na lang ako. Sanay na rin ako sa ugali niyang 'to. Haha! Ako lang ang makakatagal sa kanya, hindi siya ma-take ni Faye. Haha!

"Kamusta ang Job Hunting mo?" Tanong ko dito. Habang ginagala ang paningin ko sa mga larawan sa kwarto niya.

"Hmp. May nag-interview sakin. Ang sungit! Akala mo gwapo! Mas gwapo naman ng sandamak-mak na paligo yung Beybi ko" Maktol na naman ni Kristel. 

Ganyan siya. Lagi niyang ikinukumpara yung mga bias niya sa lahat ng lalaking nakikilala niya. Kaya wala siyang Boyfriend. 

Pasalampak namang naupo si Kristel sa tabi ko. "Hows your first day?" tanong nito sakin.

Isang malalim na buntong hininga ang pinkawalan ko at tumayo. Nagpauli-uli lang ako sa kwarto niya at iniisa-isang tingnan yung mga larawan sa paligid ko. "Ok naman" walang gana kong sagot.

"How's the Boss?" dagdag pang tanong ni Kristel na mukhang interesado na naman sa Boss ko. 

Isa na namang buntong hininga ang pinakawalan ko. "He's a jerk" sambit ko.

Mahinang pagtawa naman ang isinagot sakin ni Kristel. "He's hot Amber! Nakakainis! Pano ka nakahanap ng ganyang Boss?!"

Napaisip naman si Amber at kunot-nuong humarap kay Kristel "Actually, hindi ko natatandaan na nagpasa ako sa Carson"

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Kristel at sarkastikong ngumisi at sinipat si Amber. "Anong ibig mong sabihin na kusa ka niyang kinuha ganun. Anbisyosang frog!" sabay irap ni Kristel dito at binuksan ang laptop niya.

Pero napapaisip parin si Amber sa bagay na yun. Wala sa sariling nagpauli-uli na lang siya sa kwarto ni Kristel habang busy ang kaibigan sa pag-stalk sa kanyang mga 'babies' daw.

++++++++++

Bored na bored na nakaupo si Von sa isa sa mga upuan sa napakahabang mesa na iyon ng Conference Room habang nagpe-present sa unahan yung isa sa mga empleyado ng kabilang company na makakasama nila sa joint project na ito.

Binuksan nito ang laser na nasa harap niya. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang laser para sa presentation. 

Wala sa sariling naitutok niya ang pulang dots ng laser na yun sa lalaki sa una at sakto pa sa mukha nito. Medyo nasilaw ang lalaki at napatingin ng seryoso sa gawi ni Von dahilan para mapatigil ang pagpe-present nito.

Lahat ng tao duon ay napabaling kay Von at duon lang nagising si Von sa pagkakatulala at napatingin sa mga ito. At nang mapansing nanduduon parin sa lalaki ang pulang dots ng laser niya ay agad niya itong ikinibo papunta sa presentation nito.

"I-I'm about to point at y-you're presentation." Naiilang na sabi ni Von at humanap ng butas sa presentation nito. "Can you explain this again?" Sabay turo ni Von dun sa isang paragraph.

Sumama naman ang tingin sa kanya ng lalaki sa una at isang mapanghamong tingin naman ang ibinigay ni Von dito nang maka-adjust na sa awkward na pangyayari.

Maya-maya ay tumikhim ang Chairman. "Please continue" utos nito sa lalaki sa unahan.

Bumalik na naman ang tingin ng lahat sa unahan.

Napahawak naman sa sintido niya si Von at sinilip sa tagiliran ang Chairman at nakita niya ang warning look na ibinigay nito sa kanya. 

Nang matapos ang meeting na yun. Agad ang pagtayo ni Von at lumabas ng Conference Room.

"Sandali" Tawag sa kanya nang isang lalaki, nahabol siya nito sa Corridor.

Liningon ito ni Von at nakita niya ang lalaking kaninang nagpe-present sa unahan. Hinarap ito ni Von at marahan din namang lumapit ang lalaki dito.

Ikiniling ni Von ang ulo at sinipat ito.

"Aren't you going to apologize?" Tanong nito kay Von.

Gulat namang natawa si Von at medyo napayuko pa. Isang mapang-uyang tingin ang binigay ni Von dito "Apologize?" He said half amused. "Tss. Sino ka ba?" Mapanghamong-tanong ni Von dito.

Tiim-bagang namang sinagot siya ng lalaki. "You're father already introduce us, but for your sake I'm Mark Mendez, we're going to work together in this project Mr. Carson"  sarkastikong sabi ng lalaki.

Nakipagtitigan muna ito kay Von bago tinalikuran ito.

Bahagya pang napatawa si Von and unconsciously put his hands in his lips while glaring at the man. 

Mark Mendez. Tss. 

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO


*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon