PART 15

4.7K 98 11
                                    

PART 15

VON POV

"Has she arrived?" Tanong ko dun sa receptionist ng kumpanya.

KIlala na naman nito nito kung sino ang tinutukoy ko.

Ngumiti naman ito "Hindi pa po siya dumarating"

Napakunot ang nuo ko, mukhang napaaga yata ako ngayon.

Nagtungo na ako papunta sa Elevator.

Naiinis parin ako sa ginawa niya sakin kahapon!

Binabaan ba naman ako ng telepono!

Napaayos ako ng kurbata. Ayoko sa lahat yung binababaan ako ng telepono.

Nakakainis!  Hindi ko lang talaga siya matiis!


Nang makarating ako sa top floor ay nakita kong wala pa nga siya sa upuan niya.

"Sir!" Napalingon ako kay Robert, sekretarya ni Dad. "Kayo na lang po ang hinihintay ng Board para sa meeting"

Nagulat ako sa sinabi niya "A-Ah. Ngayon na ba yung board meeting?" Agad kong tanong dito. "Sinong magpe-present?"

Nagtataka naman akong tiningnan ni Robert.  "You're the one who's going to present, Sir" sagot nito.

Bigla akong napamura. Patay! Ni wala akong maipe-present. Napahawak ako sa sintido ko. Stress!

"Mauna ka na, Robert. Susunod na ako" sabi ko dito.

Kukontra pa sana ito pero sinamaan ko ito ng tingin. Makisama ka dahil wala ako sa mood ngayon, baka makapanuntok ako ng di-oras!

Aish! Ang malas naman oh! Wala na nga si Amber tapos ganito pa!

Nakailang hugot ako ng hininga bago nagdiretso sa Meeting Room. Oras na ma-badtrip ako dito, mambabasag talaga ako ng mukha!

"Hey, People!" Bati ko sa mga ito pagkapasok ko. Kinamayan ko ang mga board member. Nakakasalamuha ko na ang ilan sa mga ito sa mga function ng company.

Lumapit din ako sa kabilang gilid kung san naroroon yung employee ng kabilang kumapnya.

Then I spot my rival. Huwag ko lang malaman na siya ang dahilan kung bakit wala ngayon si Amber. Tss! Bakit naman siya ang magiging dahilan?! Ano sila nagli-live in?! Hell no! Fuck No!

Mariin kong tinanggap ang kamay ni Mark.

"I'm looking forward to your presentation" Mayabang nitong sabi.

"Oooowww. Too bad I can't make it today" sabay nginisian ko pa ito. Parehas na naming binawi ang mga kamay. Mahina lang ang nagiging pag-uusap namin.

Ngumisi si Mark. "Everything seems to be so easy for the son of the owner. " sarkastikong sabi nito.

Mahina akong natawa "Want to change position?" I said smugly at saka kuntentong ngumiti at tinalikuran ito. His reaction was priceless!

Lumakad ako papunta sa harapan at humarap sa mga tao sa mahabang mesa na iyun.

"Gentleman, I will not be able to present today. Please give me your consideration and allow me to re-scheduled my presentation on our next meeting. I'm sorry for this" Sabay tungo ko sa harap nila, matagal bago ako tumunghay at sinalubong ang mga nakakunot nuong mukha nila.

Nagsalita yung isang myembro ng board na sipsip kay Dad. "It's fine. Present when you're ready and be prepare to face us." Tatango-tangong sabi nito. Isa sa mga pakinabang ng mga sumisipsip kay Dad ay kinakampihan nila ako sa pag-aakalang makukuha pa lalo  nila ang loob ni Dad.

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon