PART 12

5.1K 120 9
                                    


PART 12

AMBER POV

Pagkarating namin sa location ay bumaba na kami ng sasakyan. At dahil patanghali na at mainit na dito sa construction site ay hinubad na nina Von ang kani-kanilang coat.

Mga naka-white polo shirt na lang ang Chairman at secretary nito. At si Von naman on the other hand ay naka-white shirt. Mukhang bibihira naman kasi itong magsuot ng polo shirt underneath. 

Sinalubong kami ng Engineer sa site at binigyan kami ng kasama nitong babae nang puti na safety helmet, yung sisuot sa ulo for safety proposes.

Nang magsimula na kaming maglakad ay inilibot ko ang tingin sa lugar, napakalawak ng lupaing ito at nagsisimula pa lang itayo ang isang building, marami ang manggagawang nagkalat at busy sa kani-kanilang trabaho.

Napakainit nang sinag ng araw, buti na lang maiksi lang ang manggas ng suot kong blouse at dahil nga hindi ko naman alam na pupunta pala kami dito ay nahihirapan tuloy akong lumakad ng naka-heels, malubak kasi yung lugar maraming mga batong nagkalat. Letcheng mga bato yan!

Napalingon naman ako kay Von nang tumikhim ito, katabi ko itong naglalakad habang inililibot kami ng Engineer dito sa construction site.

Inilahad sakin ni Von ang braso niya, yung tipong pinapakapit ako roon. "Kung ayaw mong matapilok, kumapit ka" sinsero niyang sabi.

Atubili naman akong humawak sa braso nito at iniiwas na lang ang tingin sa kanya. His muscles are very firm. 

Maya-maya sa gitna ng paglilibot namin hindi ko na mapigilang tanggalin yung helmet na suot ko pakiramdam ko kasi ang init-init na ng tuktok ng ulo ko. Buti na lang tumigil kami sa lilong sa loob nitong building na ginagawa. Pero ang init parin, pinagpapawisan ako.

"It's hot 'huh" Lingon sakin ni Von at siyang tinanggal din ang nasa ulo nito. Medyo pinagpapawisan rin siya.

Nang magsimula na uling lumakad sina Chairman ay hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Nakakapagod! Ang inet pa!

"Chairman, we're going to the tent" Tawag dito ni Von na siyang nasa tabi ko. "We've seen enough." Tumingin naman ito sakin "Let's go" Yaya na nito sakin kahit hindi pa sumasangayon si Chairman. 

Napatingin naman ako sa Chairman at masama ang tingin nito kay Von. Pero mukhang hindi ito pinapansin ni Von.

"Ahm. Mind if I borrow an umbrella? Well, if you have it?" Baling nito dun sa kasama nung Engineer na babae may nakasukbit itong bag sa balikat.

"A-Ahh. Y-Yeah. Sure Sir" Atubiling binigay nung babae yung payong kay Von at mukhang nahihiya pa rito. Von always have the eye catching presence in everywhere he goes. I can definitely agree on that.

At agad naman itong kinuha ni Von at binuksan "Come on, Sweetheart" Untag nito sakin. Lalo naman akong natigilan. Pakinig nung mga tao sa harap naming yung sinabi niya at talagang napunta samin ang atensiyon ng mga ito.

Nakakahiya! Hindi agad ako nakakibo. Naramdaman ko na lang na hinapit na ako ni Von sa baywang at nagsimula nang maglakad.

Lagot ako kay Chairman nito! Medyo inilayo ko naman ang katawan ko kay Von at ramdam ko naman ang pag-ngisi niya. 

Pagkarating namin sa isang malaking tent, open tent ito kaya naman pumapasok parin yung hangin pero nasusulo parin ako ng init sa labas.

Agad namang lumayo ako kay Von at naupo dun sa isa sa mga silya dun sa may mesa sa gilid, maya-maya ay naupo narin si Von sa tapat ko at ibinigay sakin ang isang mineral water mukhang kumuha ito sa likod ng maiinom.

Nagpasalamat naman ako dito at ininum din ang tubig. Ramdam ko ang tingin niya sa bawat paglagok ko. Kaya naman medyo umiba ako ng pwesto.

Pagkainom ko ay ibinaba ko na yung plastic bottle sa mesa at nakita ko naman din na ubos na rin ni Von yung kanyang mineral water. Medyo naging presko naman yung pakiramdam ko kahit papano. 

Medyo na tulala naman ako sa harapan ko habang tinatanaw yung mga mangagagawa. Pinapaypay ko yung kamay ko sa mukha ko dahil naiinitan parin ako.

Narinig ko naman ang marahang pagtawa ni Von atsaka nilingon ito. Nakataas ang buhok nito na kanina ay nakababa. May namumuong pawis rin sa nuo nito. At magiliw lang itong nakatingin sakin.

"You look hot, sweetheart" Sabay ngiti nito. Napakasinsero ng pagkakasabi niya kaya naman natameme na lang ako at nag-iwas ng tingin.

"With your cheeks so flushed and you sweating like that..." Naiilang na naibalik ko dito ang tingin, nakangisi naman siya at mukhang may iniisip na di tama. "It's kinda erotic,... It makes me want to..." Napatigil ito bahagya "Damn Your Boyfriend... Tsk. Hays" Sabay lagay ng dalawang kamay nito sa likod ng ulo niya at buntong hininga.

Nag-iwas na talaga ako ng tingin kay Von dahil baka kung ano pang masabi niya. He's out of his mind. 

May namagitang katahimikan sa paligid namin, napatulala na naman ako sa kawalan. Tanging ang ingay lang sa construction ang mapapakinig.

At buti na lang din medyo lumalakas na yung hangin, ang sarap sa pakiramdam.

"So..." Rinig kong salita ni Von. Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay, seryoso naman din itong nakatingin sakin, nakaayos na ito ng upo "How was your relationship with your Boyfriend?" He blurted out.

Napatitig naman ako dito, pero mukhang seryoso talaga siya.

Napangiti naman ako, maalala ko lang kung gaano kaganda ang lagay ng relasyon namin ni Mark hindi ko na mapigilang mapangiti. Marahan pa akong natawa ng sasagutin ko na ang tanong niya. For once, he's being nice.

"Damn it. Never mind" Si Von sabay iwas nito ng tingin at yumuko, pansin kong medyo nakanguso pa ito. And disappointment written in his face. 

Napakunot ang nuo ko sa iginawi nito. Binabawi ko na ang sinabi ko. He's Bipolar. Aish. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa harapan.


VON POV

Yung ngiting yun...

Tngina! Nakakapagselos! 

*****

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

 YOU GOT ME OFFICIAL PAGE click the External Link. /


*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon