PART 2

8.7K 181 11
                                    

WARNING: SLOW UPDATE! BITIN!

PART 2

"Magi-skirt na naman ako?!" Maktol na sabi ni Amber at padabog na naupo sa kama.

Pinamaywangan naman siya ng babaeng kaharap. "Oo. Wag ka nang umarte diyan." matigas na sabi nito.

"Aish. Faye, Nung last time na nag-skirt ako nabastos lang ako. Tsk" Nakasimangot na sagot ni Amber sa kaibigan.

"Bat ka naman kasi nag-LRT?!" Faye.

"Kasi late na ko!" Pagkasabi nun ni Amber bigla na lang nag-flashback ang pangyayaring yun sa kanya sa LRT. Agad naman niyang pinilig ang ulo ng maalala ang lalaking tumulong sa kanya.

Bumalik ito sa katinuan ng mapakinig ang pagtawa ng kaibigan. "A-anong nakakatawa" tanong ni Amber.

"Kasi namumula ka! Kaw 'ha ano namang iniisip mo?!" kantiyaw dito ni Faye.

Umiwas naman dito si Amber. "Basta ayaw kong magskirt" Amber.

"Girl, ipapaalala ko lang na ang kumpanyang mag-iinterview sayo ay ang Carson Land Enterprise. Ok. So, kung gusto mong magamit yang Management Degree mo, mag-skirt ka!" Natatawang sabi dito ni Faye.

Sinamaan naman ito ng tingin ni Amber. "Anong kinalaman dun ng skirt 'ha. Ang mahalaga kung anong isasagot ko------

"Lalalalalalala... Whatever Ms. Suma Comlaude!" Sabay tawa ni Faye at naglakad na papunta sa pintuan ng kwarto ni Amber sabay bukas nito "Oo na given na' na matalino ka pero wag mong kakalimutan "Physical Apperance 50%" sabay kindat ni Faye dito at akmang lalabas na.

"Aish. Kung hindi ka lang kapatid ni Mark!" Amber sabay halukipkip nito.

Nilingon ito ni Faye "Speaking of the Devil... Tadaaaaahh!" Sabay bukas ng maluwang ni Faye ng pinto.

Bumungad sa dalawa ang isang matangkad na lalaki, nasa bulsa ang dalawang kamay nito at may malapad na ngiti sa mukha. "I didn't see any Devil here" ani nito, sabay tingin pa nito sa magkabilang gilid.

"Tss. Evil Brother" Faye. Tukoy nito sa lalaki. "Excuse me. Uuwi na ko" sabay lampas ng dalaga dito. Sa katabing bahay lang nila ito nakatira.

"Say "Hi" to Mom for me" anang lalaki.

"Dah! magkapitbahay lang tayo. At hindi mo ako messenger! Hindi porket nagmove-out ka na, uutos-utusan mo na ko!" Faye, sabay flip nito ng buhok. Mas bata ito ng isang taon kay Amber. Nakatatanda nitong kapatid si Mark.

"Tss. Sige na nga umuwi ka na! Lagi ka na lang nandito." anang lalaki dito.

Sinamaan naman ito ng tingin ni Faye at nagdiretso na pababa ng hagdan. Habang si Amber naman ay nakangiti lang na pinapanuod ang magkapatid.

"I miss you Babe" baling dito ng lalaki. Lumapit ito kay Amber na nakatayo na sa harapan nito.

Ngumiti naman si Amber. "I miss you more. How's work?" tanong nito.

Hindi naman pinansin ng lalaki ang tanong nito. "Make me feel how much you missed me" bagkus ay sagot nito na may ngiti sa labi at hinalikan ang dalaga na agad din naman tinugon ni Amber.


VOTE. COMMENT. BE A FAN. XOXO

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon