PART 20

4K 92 9
                                    

PART 20

AMBER POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Napabalikwas ako at naupo saka tiningnan ang oras sa cellphone ko.

Pasado alas-diyes na!

"Arrgghhh" maktol ko at pasalampak uling nahiga sa kama. Nasaan na kaya si Von?

Naiinis akong nagtaklob ng unan at kinuha ulit yung cellphone ko. Saka tinawagan si Von.

Mabilis naman niyang tinanggap ang tawag pero hindi kaagad siya sumagot, nawalan naman ako ng lakas ng loob para maunang magsalita.

Napakagat ako ng labi at naalala yung pag-uusap namin kagabi, napapikit ako at naalala na naman yung mga sinasabi niya sakin.

"Yes, sweetheart" malamig niyang sabi.

Parang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ang boses niya. "A-Ahm..." tumikhim ako "S-sorry tinanghali ako ng gising. Nasan ka? Pupunta na ako diyan" Dali-dali kong sabi at naupo na sa kama.

"No. Just stay at the resort. I'll handle the business here" malumanay niyang sabi. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya " Just relax and don't think too much."

"N-No Von! I'll go there" Pagpupumilit ko at mabilis nang nakatayo.

He exhale loudly at sapat na yun para tumigil ako. "O-ok. I-I'll just wait for you here" Napanguso ako at nag-antay na lang sa sagot niya.

"See you later" Malamig parin niyang sabi. Akala ko tapos na siya sa sinabi niya pero may pahabol pa pala ito "Don't wear shorts when you go out. Please." Hindi ko inaasahan ang sasabihin nito.

Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Tumango ako na para bang nakikita niya ako.. "O-Ok" 

Then he hung up.

Napakunot ang nuo ko and I exhale loudly, saka pasalampak na uling nahiga sa kama at napatulala sa isang sulok.

**

Bumaba ako pasado alas dose na ng tanghali at dumiretso sa resto na siya ring pinagkainan namin ni Von kahapon.

Mag-isa ako.

Nagsuot ako ng blue spagetti strap na floral dress na siyang umabot ang haba hanggang tuhod ko.

Pagka-order ko ay ang hinanap kong upuan ay yung nakatanaw sa dagat.

Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang kumain mag-isa.

Sumisimsim ako sa inorder kong inumin nang tumama ang tingin ko sa isang lalaking naka-sando, nakatingin ito sakin.

Nanduruon ito sa veranda na may ilang pulagada ang layo sakin, I can see him through the glass window of the dining.

Nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa titig nito.

Nagulat na lang ako ng nakita itong naglalakad papasok sa resto at kinabahan ako ng makitang papalapit ito sa pwesto ko.

"Hi! Want some company?" Magiliw nitong bungad sakin at kusang naupo sa upuan sa tabi ko without even asking. 

Kagaya ni Von, nakaka-intimidate ang presensiya nito. He's smiling, very sincerely. At napaka-gwapo niya! I can put him in the good boy category base sa facial features niya.

Natawa naman ako sa iniisip at sinagot na lang ang lalaking ito na siyang kanina pang nakatingin sakin.

"Sorry, pero ok lang ako. I can eat alone" Malumanay kong sabi dito.

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon