PART 18

4.2K 107 15
                                    

PART 18


AMBER POV


"Good thing we're on a separate room!" I tease him ng ibigay niya sakin ang susi ng kwarto ko.

Ngumisi naman si Von, mag katapatan lang ang mga rooms namin. "Because you might freak out and I don't want to ruin your mood"

"Oh! Thanks for consideration, gentleman" I sound so please na siyang ikinatawa nito.

"There's always be something in return, Sweetheart" Kinindatan ako nito. "I'll claim it later" Binuksan na nito ang pinto ng kwarto niya. "See you in a minute" Nakangising sabi nito.

Inismiran ko naman ito at pumasok na rin sa kwarto ko.



Magkasama na sina Von at Amber na lumabas ng Hotel, sinalubong sila sa labas nung punong namamahala sa construction site.

"Sir, nandun na po ang mga tao sa pinatayo niyong tent" tukoy nito sa mga mamamayang nagrereklamo.

"Good" Tugon ni Von. "Kumpleto pa ba yung mga materials niyo sa construction site o kailangan ko nang magpa-import dito?" Usisa ni Von.

Medyo nauuna silang dalawang lalaking maglakad at nahuhuli si Amber.

"May ibang mga kagamitan ang kinukulang na kami Sir, tulad ng..." Pinagbabanggit nito ang mga pangunahing kagamitan sa construction.

Tumango si Von "Ibigay mo sa akin ang listahan mamaya" Napalingon ito sa gawi ni Amber sa likuran pero ibinalik din ang tingin sa lalaki. "Pansin ko lang na medyo bumabagal ang paggawa niyo, you didn't meet the time limit" Kumento ni Von.

Napakamot ng ulo ang lalaki "Actually Sir, kulang talaga kami sa manggagawa. Madalas po kasi Sir sa tuwing magwewelga yung mga tao, napipilitan akong papuntahin duon ang ilang manggagawa para hindi ang mga ito makapasok sa site at makapanggulo. Atsaka-----" tumigil ito sa pagsasalita at napatingin kay Von.

Nilingon ni Von si Amber sa likod nila na tahimik lang na nakasunod sa kanila at iniaro ang kamay niya rito. Napataas ang kilay ni Amber "Come here, Sweetheart" usal ni Von.

Lumapit naman kaagad sa kanya si Amber pero hindi na nito pinansin ang kamay ni Von, sa halip ay nagkusa na si Von na kunin ang kamay ng dalaga at ipagsalikop ito sa kanya, literal na namula ng pisngi ni Amber.

"Yeah. Please Continue" Baling ni Von sa lalaki habang kasabay na nilang naglalakad si Amber.

Nahihiya namang tumango ang lalaki at ipinagpatuloy ang sinasabi.

Pagkarating nila sa tent kung nasan ang mga tao ay kusa na namang inalis ni Amber ang kamay niya sa pagkakahawak ni Von.

Von didn't mind, dahil nakatuon na ang atensiyon nito sa mga tao, tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng mga ito.


AMBER POV

Tiningnan ko si Von sa unahan, habang sinusuri ang mga taong nasa harapan niya, nandito ako nakatayo sa gilid niya.

"I'm from Carson Land Enterprise" pasimula niya "And they sent me here, for this good news" sabay ngisi nito at muling sinuri ang reaksiyon ng mga tao.

Napataas ako ng kilay, himala hindi niya pinangangalandakan na siya ang anak ng may-ari. At isa pa, bakit ba siya nag-iingles?! Aish. This man.

Sinumulan niyang sabihin sa mga tao ang tungkul sa proyekto nila para sa mga ito. At hindi na tumigil ang bulungan ng mga ito, masama rin ang tingin nila kay Von. Panay rin ang reklamo ng mga ito sa kanya at nasasagot pa naman sila ng mahinahon ni Von, sa ngayon.

*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon