PART 23

3.3K 84 13
                                    

PART 23

**

Hindi na naalis ang paningin ni Amber kay Von habang nasa palayan sila.

Dahil mukhang walang kapaguran ang binata sa pagtulong sa mga nag-aani na kahit hindi man tanggap ng ibang mamamayan ang pagtulong ng binata sa mga ito ay nagpupursigi parin si Von na makihalubilo sa mga ito.

Marahang lumapit si Amber kay Von na nuoy pawisang pawisan sa init ng araw, tumutulo ang pawis sa mapusyaw na kumpleksiyon ng binata.

"Ano ba yan, ang pawis mo" pabirong sabi ni Amber sabay bigay ng towel kay Von.

"Ang init Babe" Tingin ni Von sa dalaga sabay ngisi.

Napangisi din naman si Amber "Pursigidong-pursigido ka ahh"

Kinindatan ito ni Von "Sana nakikita mo din kung gaano ako kapursigido sayo" sabay halakhak nito ng saglit at nag-iwas ng tingin.

Napatitig naman dito si Amber. She knows he means it.



"Senior! Halika muna po kayo at sumalo saming tanghalian."

Pareho namang lumingon ang dalawa sa tawag ng lalaki.

Inakbayan ni Von si Amber at lumakad sa gawi ng mga mamamayan.

Nang makalapit ang mga ito sa kanila ay mukhang nagkakahiyaan pa ang mga tao na i-approach ang dalawa.

Tumikhim ang isang lalaki at napapakamot pa sa ulong nagsalita sa harap ni Von. "S-Senior, pagpasensiyahan niyo na itong aming munting salo-salo ngayon anihan, ito lang po kasi ang aming nakayanan ——-

Natatawang pinatigil ito ni Von at hinawakan sa balikat "Ito pong nandito sa harapan natin ay sapat na. Samalat na rin sa pag-imbita rin saming sumalo sa inyo" sabay ngiti rin ni Von sa matandng lalaki.

Tumango naman ang matanda at sumenyas sa mga taong magsimula nang kumain.


Sa lilim ng puno ay nakalatag ang mga dahon ng saging na may ibat-ibang putaheng lutong isda at mga prutas sa gilid tulad ng mangga, papaya at iba pa.

Nagsimula nang dumulog sa mga lutong pagkain ang mga mamamayan.

Tinanguan naman ni Von si Amber upang sumalo narin sa mga ito, may kinuha itong diyaryo sa gilid at inilatag iyun sa damuhan saka nito pinaupo ang dalaga ruon.

Marahang naupo si Amber at mukhang nahihiya pa sa mga pasimpleng tingin ng mga tao ruon sa kanila.

"Let's eat" Von, sabay kuha ng piraso ng papaya at subo kay Amber dahilan para lalong magtinginan ang mga mamamayan sa kanila.

Lalo nang nahiya si Amber at akmang kukunin ang papaya sa kamay ni Von pero inilayo ito ni Von at ipinagpilitan na siyang magsubo dito.

May mapanuksong ngiti si Von habang sinasamaan naman siya ng tingin ng dalaga.

"Thank You" Sarkastikong sabi ni Amber kay Von at akmang kakagatin na ang sinusubo nitong prutas pero dahil mapaglaro ang binata ay inilihis nito ang prutas at bagkus ay sinalubong ng halik ang labi ng dalaga na siyang pinagmulan ng tuksuan sa paligid.

Napatungo si Amber sa hiya at malakas na siniko si Von na tatawa-tawa pa.

"Aish" Amber nang mag-angat ng mukha na medyo namumula.

"Bagay na bagay kayong dalawa Seniorita" Kumento ng isang matandang babae.

"Matanong lang po namin, ilang taon na po kayong magkasintahan?" Tanong pa uli ng isa pang babae.

Natahimik naman si Von at tumikhim.

"A-Ahm..." Awkward na natawa ni Amber sabay kuha ng manga. "Hhhmm! Mukhang masarap ang pahinog niyo ng mangga ahh." Kumutsara ang dalaga ng hinog na mangga saka ulit humarap kay Von at iniarong isubo sa binata.

Nagkatitigan ng makahulugan ang dalawa. Umiwas si Amber at aktong ibaba na ang kutsarang nakaaro kay Von pero kinuha ito ni Von at kinain ang mangga.

"Hhm. Masarap nga" Walang emosiyong kumento ni Von.

Hindi na naman nagkumento ang ilan at nagpatuloy na lang sa pagkain.



Matapos ang tanghalian ay nagsibalik na ang ilan sa bukid at ipinagpatuloy ang pag-aani habang si Von naman ay lumayo sa mga nakakarami upang kausapin ang matandang namumuno sa mga mamamayan.

Nakaupo parin si Amber sa lilim ng puno. Huminga ito ng malalim at dinama ang preskong hangin.

Nahulog ito sa malalim na pag-iisip at naalala ang nagyari kanina, napahawak ito sa labi at napabuntong hininga.

"What should I do" napu-frustrate na hinanaing ng dalaga. "..Von.."

Napatingin ito sa cellphone nang marinig na tumutunog ito.

"Mark Calling..."

Napangiti si Amber pero batid ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

******

VOTE.COMMENT.FOLLOW.XOXO


*** YOU GOT ME *** [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon