Chapter 9

30.6K 743 46
                                    

Sabay kaming pumasok sa building ni Tyler and all the people we see were bringing their own camera. Agad namang lumapit sa amin ang manager ni Tyler.

"Morning, Mr. and Mrs. Reyes." Para naman akong nabilaukan sa sinabi nang manager niya. Kinurot pa ako ni Tyler sa tagiliran.

"Morning." Sabay naming bati.

Kanya-kanya niya kaming binigyan nang makakapal na folder. Binuksan ko ito and it showed some contract, photo and other things that includes the brand we will be modelling.

"For you Tyler, mamaya pa yung shoot mo pero May interview ka mamaya. So doon ka sa dressing room. Habang ikaw naman Miss Angel or angeline, sa katabing dressing room ka kung saan kasama ho yung co-model niyo na si Bryan para sa Fab." Tumingin naman ako kay tyler para humingi nang tulong pero nagkibat balikat lng ang mokong.

Hinila ako nang manager papuntang dressing room at habang palapit ako ay palakas rin ng palakas ang pintig nang puso ko. Stop being hysterical!

Nang nasa harap na kami nang dressing room ay kumatok muna ito bago pumasok.

"Excuse me guys, nandito na ho Si Mrs. Reyes." Lahat ata nang nasa loob ay napalingon sa akin and that includes, Bryan.

Pumasok na ako at maraming nakipagkamay sa akin. May nag congratulate rin sa akin tungkol daw sa second proposal ni Tyler. Gusto ko talagang tumawa but i cant.

"So Mrs. Angel this is your co-model, Mr. Bryan Augustine." Tawag nang manager sa akin sabay turo kay Bryan.

Tumayo naman si Bryan saka lumapit sa harap ko. He extended his handa for a hand shake.

"Welcome to the industry, Mrs. Reyes." Saad niya na may diin ang huling mga salita. Tinanggap ko naman ang kamay niya saka i smiled sweetly.

"Thank you, Mr. Augustine." Mabilis kong tinanggal ang kamay ko. I felt electricity travel through my veins para bang mapapaso ako kung tatagal pa ang pagkakahawak namin.

Humarap na uli ako sa vanity mirror saka sinimulan na nil akong ayusan. Ang unang theme nila ay pain. Ginulo nila ang buhok ko, they let me wore a black long gown na may slit sa gilid letting my legs be shown freely. Dark rin ang suot kong make up and my lipstick were smudged na para bang marahas akong hinalikan. They let me wore a diamond studded anklet with black gems same as my earrings.

Tinawag na kami ni Direc kaya ay pumunta na kami doon, the studio was all black may mga biak na baso sa gilid, water spilled all around. Dead flowers around and a broken frame. All things were familiar with . It looked like our house. Our real house.

Pinaupo nila ako sa isang mesa habang hawak ang isang biak na wine glass habang si Bryan naman ay nasa kabilang parte ko kung saan may hawak siyang bote.

He wore a black tuxedo and a black jeans. Formal but casual. Nakabukas nang kaunti ang polong panloob niya. It was gray kaya nangingibabaw ang kulay nito sa itim. His right arm was pulling the necktie of his neck while the other was holding the bottle of whisky.

"One, two, three and........ POSE!"

Iba't-ibang pose ang ginawa ko. I looked through the glass, dinantay ang noo ko sa baso, looked at Bryan hopelessly and even putted my feet on the chair emphasising the anklet. Each pose with different emotions. May galit, nasasaktan, umiiyak at parang natatawa.

"Last one!" Sigaw ni Direc.

I gave my all, tumayo ako and sat on the floor pushed my right foot behind kung saan naka lagay ang anklet held my head up high and reached for Bryan.

"Fabulous!" Sigaw ni Direc. Tumayo na ako saka nakangiting lumapit sa staff. The director quickly went to me and hugged me.

"Are you sure wala kang experience about modelling? You looked so professional." Puri niya sa akin. I just laughed.

Pinalapit niya kami doon sa camera and let us see our photo. The first photo looked like wala lang sa amin ang lahat, where you cold see na nagiisip pa kami. Then the second photo came kung saan umiinum siya nang whiskey habang hinihila ang necktie at ako naman ay umiiyak na nakasandal ang noo sa baso.

"You see here in this photo nakikita Ang sufferings niyong dalawa. Nasasaktan kayong dalawa pud both parties don't want to give up their pride. And here." Turo ni direc sa gitna namin. "There is an invisible line that breaks the both of you apart."

Then he flashed more and more photos but then he suddenly stopped in one photo.

"But this is the greatest photo i have ever seen, you can see great emotions between the two. Ito yung mafefeature sa pain series nang fab, pero icoconsult ko muna sila if its okay with them."

The photo really looked painful. Nakatingin si Bryan sa taas habang hawak ang bote you can see tears slowly pooling his eyes. Nakahawak naman ang kabilang kamay sa buhok niya and his pulling it cause of frustration. Habang ako naman ay nakaupo sa upuan with feet on the chair. Umiiyak ako habang yakap ang aking mga binti and helplessly And hopelessly looking at Bryan.

Umalis na ako doon kasi i felt my heart twitching. Stop! Please, stop! Bumalik ako kung saan nandoon si Clara. Clara is my make up artist. Dali-dali akong umupo and let her do her work.

May nilagay siyang gel sa buhok ko dahilan para lumambot uli ito. She removed my makeup with a makeup remover. Hinayaan niya lang na bumaba ang buhok ko. Now the theme was love. Dahil straight naman yung buhok ko , hindi na siya naging hassle. She then decorated my hair with a flower crown. The crown was made with roses, pink and red in color. Light lang ang makeup ko. Then she let me wore a sleeveless dress. It only had a string holding both of each side. It also had a dirty white color with a shade of pink. Then may nilagay pa siyang veil sa likod nang crown.

Pinapunta na niya ako sa kung saan magsho-shoot and i was shock to see na yung studiong masyadong gloomy ang aura ngayon ang kalma na. The whole place was filled with flowers. May maliit rin na pool kung saan kasya lang kami doon. Then i saw Bryan walking towards the pool. He was wearing a polo same as the kind of fabric i am wearing. Nakabukas ito at lantad ang kanyang katawan. Pumasok na siya sa pool saka umupo. Hanggang bewang lang niya ang tubig. Sumunod ako sa kanya at pinaupo malapit sa kanya. Now my heart is beating rapidly. Shoot!

Nasa labas nang pool ang veil kaya hindi siya nababasa.

"One, two, three....POSE!"

Tumawa ako saka nilagay ang kamay sa balikat ni Bryan. Be professional! Saway ko sa isip ko nang may naiisip na naman. Then i looked at him and smiled. Marami pang ginawang pose.

"Last one!"

Ngingiti na sana ako nang bigla akong hilain ni Bryan palapit, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako and i felt the roses petals flying around us.

"And Fabulous!" Mabilis akong bumitaw sa kanya saka labas sa pool. Sinalubong naman ako ni clara na may dalang towel.

Si direc na mismo ang nagdala nang camera para ipakita ang nakuha niya, and when he showed me the picture, my heart ached and it felt heavy.

"You look so inlove." Inlove. It hurts, cause the fact that we're not inlove and will never be.

Bryan was kissing my forehead with closed eyes. So was i who had a smile on my lips. Lumilipad ang mga petals at may nahuhulog rin sa tubig. The veil was also flying around and the whole scenery looked romantic.

Matapos iyon ay mabilis akong pumunta sa designated chair namin at umupo. I need to relax!

The Superstar's Battered Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now