Chapter 1

64.8K 1.2K 425
                                    

Angel

"This is what you get bitch!"

Napayakap nalang ako sa sarili ko nang maramdaman ko muli ang mainit na tubig na binubuhos sa akin. Masakit na masakit ito at wala akong magawa kundi umiyak.

"Ngayon, would you still go to that bar? Hindi ka pa ba nakuntento? You're really a SLUT! BITCH! GOLD DIGGER!" Malakas na sigaw ni Bryan sabay sampal sa akin.

Napahiga naman ako sa sahig dahil sa lakas ng sampal niya. Nakita ko na lalapit na sana sina manang pero umiling ako. I don't want to drag them in this mess.

"B-bryan l-let m-me e-explain." Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero napaiyak nalang ako ng sampalin niya ako ulit.

Naramdaman ko na dumugo yung labi ko. Napahawak ako dito at napapiksi ako dahil sa sakit. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Padabog na lumabas si bryan sa bahay. Mas lalo iyong dumagdag sa sakit na naramdaman ko. He doesn't care.

Tinulungan naman ako ni manang na tumayo.

"Ijah, okay ka lang ba? Halika! Gagamutin natin yang pasa mo." Naiiyak na saad ni manang.

Ningitian ko siya saka hinaplos ang mukha niya.

"Manang, okay lang ho ako. Wag ho kayong magalala. Hindi naman ho masakit. Tingnan niyo,oh! Nakakangiti pa po ako." Saad ko sabay ngiti. Pero mas lalo atang sumakit yung labi ko kaya ngumiwi ako. Mas lalong umiiyak si manang.

Nagpaalam nalang ako na ako na bahala sa sarili ko. Umakyat ako sa kwarto ko. Oo, kwarto ko lang. Magkaiba ang kwarto namin ni bryan.

Dumeretso ako sa banyo at tumitig sa salamin. Napaiyak nalang ako ng makita ang repleksiyon ko.

May sugat sa labi. Ang suot kong lipstick ay naghalo na sa dugo ng sugat ko. Yung makeup ko ay nagkalat na dahil sa pagiyak ko. May pasa ako sa kanang pisngi ko at may galos sa ibabang bahagi ng labi ko. Yung buhok ko na kanina ay nakatali ngayon ay kalat na kalat na. Yung suot kong damit ngayon ay punit na ang taas na bahagi. At pulang-pula ang buo kong katawan.

Hinubad ko na ang damit ko saka nagbabad sa tubig. Mahapdi ito sa tuwing natatamaan ng damit. At Mahapdi rin ang mga sugat ko sa tuwing natatamaan ito ng tubig.

"What did i do to be treated this way?" Umiiyak kong saad. Ang alam ko lang ay sapilitan akong binigayni tatay sa kanya. They weren't my real family. My biological parents both died in an airplane crash kaya naiwan ako sa kamay ng kaibigan nila. I thought my life would still be the same but no. Laging lasing umuwi si tatay at pinagbubuhatan ako ng kamay. Laging wala si nanay kaya laging nambababae si tatay.

Sa tuwing umuuwi si nanay ay lagi naman itong pagod kaya hindi naasikaso si tatay sao kaya naman ay napapansin ang mga pasa ko. Maaga itong umaalis at gabi na kung umuwi. Presko parin sa akin kung paano ako sapilitang ibigay ni tatay sa kanya.

Flashback

"Tay, bakit po nasa labas yung mga gamit ko? May pupuntahan ho ba tayo?" Tanong ko kay tatay habang nakahawak sa braso nito. Mabilis pa sa alas kwatro na tinabig ni tatay yung kamay ko.

"Wag mo akong tawagin na tatay. Hindi kita anak!" Napaluha naman ako. Agad akong tinulak ni tatay palabas ng bahay. Narinig ko pa na sumigaw si nanay.

"Fernando wag!!!"

Mabilis na sinara ni tatay ang pinto saka sumigaw sa bintana.

"May kukuha sayo dito. Umalis kana. Puro kamalasan ang dala mo sa pamilya namin. Wag kanang bumalik pa! At subukan mong magpakita, malilintikan ka talaga!" Umiiyak lang ako habang hila-hila ang mga gamit ko.

Nagulat nalang ako nang may itim na van na pumarada sa harapan ko saka kinuha ko. May nilagay sila sa ilong ko at dahan- dahan akong nawalan ng malay.

End of flashback

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ko muli ang hapdi nang sugat ko. Pati narin sa balat ko. Hanggang ngayon ay namumula parin ito.

Matapos kong maligo ay binalot ko ang katawan ko ng tuwalya saka lumabas. Agad akong sinalubong nang malamig na simoy ng aircon. Mabilis na lumapit ako sa cabinet saka hinanap yung bestida na maluwag saka undergarments ko.

Dahan-dahan kong sinuot ang damit at iniiwasan ko na dumikit ito sa mga pasa ko. Matapos kung magbihis ay humiga ako sa kama at umidlip. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako dahil sa tadyak sa tiyan ko. Napaubo naman ako sa sakit. Nakita ko na nakatayo si bryan sa harapan ko at galit itong nakatingin sa akin.

"WALA KA BANG GINAWA KUNDI HUMILATA DIYAN SA KAMANG YAN? WHY DON'T YOU WORK OUT THERE KASAMA YUNG MGA KASAMBAHAY? YOU'RE SUCH A BITCH!"

Napaiyak na naman ako ng hablutin niya ang buhok ko at hinila ako pababa sa hagdan. Nang makalabas kami sa bahay ay dumeretso siya sa hardin. Agad niya akong tinulak doon kung saan yung mga paso. Napangiwi naman ako nang maramdaman ko na nagkagalos ako dahil sa paso na nabiyak dahil sa pagtulak niya.

Why do i even feel this? Wala naman akong ginawa kundi ang pagsilbihan siya ng tama.

Napayakap nalang ako sa sarili ko nang bigla niya akong sabuyan nang tubig. Madumi ito dahil nagamit ito sa paglilinis nang mga gamit panghardin. Naramdama ko muli ang pagsakit nang mga sugat ko kanina at yung sugat ko ngayon. Napaiyak nalang ako sa naghalong sakit na nararamdaman ko ngayon. Masakit ang buong katawan ko at nahihilo ako.

Nakita ko na tinapon niya lang yung timba sa gilid. Nang makaalis siya ay unti-unti akong tumayo saka humawak sa isang riles sa hardin. Umiikot na ang paningin ko, naghahalo na ang kulay itim at ang kulay ng hardin. Nasa malayo palang ay may nahagip na akong bulto ng tao. Palapit nang papalapit ito sa akin. Hindi ko na masyadong maanig ang mukha nito kasi naglalabo na ang paningin ko. Nakaramdam ako nang napakatinding hilo saka sakit sa aking buong katawan. Naramdaman ko na may humawak sa akin bago ako mawalan nang malay.

The Superstar's Battered Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now