Chapter 3

39.4K 923 88
                                    

Habang nagmamaneho si Tyler ay hindi ko parin maiwasan na maalala ang babaeng nakita ko kanina.

"Are you okay? You've been spacing out." Tanong nito sa akin. I just motioned that I'm okay.

"Baka sa pagod ko lang to kaya kung ano-ano na yung nakikita ko." Saad ko. Piningot naman ni Tyler yung ilong ko.

"Hindi ka pagod, high kapa sa gamot." Saad niya. Kinurot ko naman yung kamay niya kaya napangiwi siya.

"That's child abuse." Saad nito. Inirapan ko naman siya.

"Hindi kana child." Natatawang saad ko.

"Edi! Handsome abuse!" Napalingon naman ako sa sinabi niya saka ako humalagpak nang tawa.

"Pfffttt.... Hindi ka rin gwapo!" Saad ko habang tumatawa.

Sinapo naman ni Tyler yung dibdib niya na kung akalain mo ay tinamaan nang kung ano. Kunwaring naminilipit rin siya sa sakit.

"I can take this anymore. Parang mahihimatay na ata ako." Drama nito saka pumikit-pikit pa. Agad ko naman siyang sinapak.

Kung anong-anong trip kasi ang nalalaman. Agad rin siyang nagmulat nang mata saka tinuro ang harapan nang sasakyan.

"We're here!" Nakangiti nitong saad.

Nilingon ko naman ang tinuro niya and at that moment i felt excitement rushing through my bones.

"Amusement Park!" Sigaw ko. Natawa naman si Tyler.

Matagal-tagal narin akong hindi nakapunta dito. I think my last visit was when I was 10. Kasama ko sina mom and dad nun.

Mabilis na ipinarada ni Tyler ang sasakyan niya saka lumabas. Siya na ang nagbukas sa pinto ko saka inalalayan niya ako palabas. Nagtatalon-talon naman ako dahil sa saya.

"Hey! Hindi ka pa magaling. Baka masinat ka." Paalala niya sa akin. Sumimangot naman ako saka tumayo nang tuwid.

Tumawa naman siya saka hinila ako papasok sa entrance.

"Goodmorning, morning ma'am and sir. Welcome to Fun Park. How many tickets will you buy?" Tanong samin nung cashier.

"Here's my gold card. I want unlimited rides." Saad ni Tyler. Niyakap ko naman siya sa saya.

"Yes!" Sigaw ko. Ginulo naman ni Tyler yung buhok ko. Papasok na sana kami nang may maalala ako.

"Tyler, hindi ka ba pagkakaguluhan mamaya. Artista ka baka may makakilala sayo." Nagaalalang saad ko. Tumawa naman siya saka nilabas ang isang kulay pink na cap at isang shades.

"Hindi ako ang kailangan magtago. It's you. It's gonna be a big blow to the media. With the caption, " Tyler Reyes and His hidden girl caught roaming around the city. Picture below." Natatawang saad niya. Kahit kailan puro kalokohan talaga ang nasa isip mo.

Sinuot niya sa akin yung cap saka nilagyan ako nang shades.

"Ayan! Nagmumukha kanang.... Holdaper! Hahahahah!" Natatawang saad nito.

Siniko ko naman siya saka naglakad nang una. Kainis kung anong kalokohan naiisip. Mabilis naman na sumunod sa akin si Tyler.

"Itong holdaper namin ang bilis magtampo. Halika nga rito at baka maisnatch kapa riyan." Pigil tawa niyang saad. Inirapan ko lang siya.

Sabay kaming pumasok sa loob nang amusement park. Nang malanghap ko ang hangin ay agad akong napangiti. Free and clean air, at last.

Agad kong hinila si Tyler papunta sa main entrance. Maraming tao ang nakapila pero nang makita si Tyler ay agad rin lumihis nang daan at pinagbigyan siya. May nagpapapicture rin naman at may nagpapaautograph.

The Superstar's Battered Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now