Chapter 8

32.7K 763 72
                                    

Angel

"Babae, bilisan mo diyan. Mahuhuli ka na. Mas nauuna pa si Almond at cashew sayo." Natatawang saad ni Tyler.

Nasa labas kami ng mansion at nagjojog kasama ang mga aso niya. Ang weird lang nga kung bakit ganoon ang pangalan ng mga aso niya. I had a dog once, but unlike him I didn't name it with a weird name. His name was bryan.

Naka jersey shorts lang si Tyler at wala itong pantaas habang ako naman ay nakasports bra saka leggings. Habang yung mga aso niya ay may mga vest na may tatak ng nike.

Mabilis ko silang hinabol at nang mahabol ko sila ay agad kong hinawakan ang balikat ni Tyler na dali-dali ko ring tinangal dahil sa basa ito.

"Ewww!" Drama ko. Inirapan niya lang ako saka pinahid sa akin yung bimbo na pinahod niya sa pawis niya.

Napasigaw naman ako. Ang basa nang bimbo!

Aakmang sisipain ko sana siya nang pabiro ng makaanig ako nang flash sa unahan. Sabay kaming lumingon ni Tyler sa isa't-isa.

"RUN!" Sabay kaming tumakbo pabalik sa mansion. Sumunod sa amin sina almond at cashew. Kung gaano kami kabilis, ganoon rin ang mga paparazzi.

Nang makapasok kami ay agad naming sinarado ang gate. Napahilig kami doon at napatawa.

"Yan kasi angel eh. Nagfefeeling artista ka. Bakit ka ba tumakbo? Artista ka ba?" Nangaasar na saad nito.

Sinipa ko naman siya at napadaing siya pati narin sina almond at cashew ay napatahol. Ramdam rin ata nila ang sakit. Bagay lang yan sa kanya!

"Don't be so hard babe." Kahit namimilipit na ito sa sakit ay nagawa paring lumandi.

Nauna akong naglakad papasok. Sinalubong ako ni Ate Tasha na nakasuot ng stewardess na uniforme. Hindi lang siya actress at model ,isa ring stewardess si ate. One time i asked her kung bakit pa siya mag ste-stewardess kung sikat na siya. Then she told me, " Even though you had accomplished great fame and success mas masarap parin sa pakiramdam mo pagnagagawa mo ang sigaw ng puso mo. And as for me, that's being a stewardess."

Hanga ako sa kanya. At dahil doon ay nagdesisyon ako to take back my degree as a doctor. Magaaral uli ako nang BS- biology. Sabay kaming pumasokaaaa doon ni Tyler. Akala pa nga nila kapatid ko. But you cannot deny the fact that we have the same eye color. That school is quite closed to social media kasi the owner of the school wants to promote better education without the disturbance of social media. Pero okay lang naman sa kanila if you'd push it through.

"Hoy! Ano na naman yang pinangagawa mo? Daydreaming again? Yan kasi feeling artista eh!" Susuntukin ko na sana si Tyler kung di lang ako kinalabit ni cashew.

Tiningnan ko ito at may dala na itong bola. He wants to play. Kinuha ko yung bola at tiningnan si Tyler and then a bright idea crossed my mind.

Pumasok ako sa bahay at dumeretso sa stock room. Hinanap ko yung shoes glue na naroon. Nilagyan ko ang bola at lumabas ulit. Nakita ko si Tyler na nakatayo malapit sa swimming pool. Malakas kung tinapon ang bola papunta sa kanya.

"FETCH!" Sabay nang paglipad ng bola ay pagtakbo rin ni cashew. Dumikit agad iyon sa pwetan ni Tyler at mabilis naman siyang dinamba ni cashew. Napasigaw ito Bago mahulog sa pool.

"ANGGGGGEEEELLLL!!!" Nangangalaiting sigaw ni Tyler. Napatawa naman ako. Basang-basa na ito dala nga nang pagkahulog nito sa pool.

"Sorry." Saad ko sabay takbo pataas.

Mas binilisan ko ang takbo ko nang makarinig ako nang yabag nang paa. Mabilis ito at alam ko na si Tyler yun.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong sinarado ang pinto at nilock. Dumeretso na ako sa banyo at naligo. Matapos maligo ay nagbihis lang ako nang simpleng black pedal na pinaris sa puti na tshirt at hinayaan ko lang na malaglag yung buhok ko.

Nang lumabas ako ay nabigla ako nang may pumingot nang ilong ko kaya napatili ako. Nakita ko si Tyler na may hawak na clothes pin at nakaclip sa ilong ko.

Tiningnan ko siya nang masama saka tinanggal yung clothes pin. Tinapon ko sa kanya iyon saka bumaba. Nang makababa kami ay nakita ko na naghahanda si manang kaya ay tinulungan ko.

"Señorito, kumain na ho kayo ni señorita." Aya ni manang. Tumawa lang ako saka niyakap si manang sa likod.

"Angeline o angel nalang ho. Sabi ko diba po na sa pangalan ko nalang niyo po ako tawagin." Nakangiting saad ko.

"Wag kang maniwala diyan, manang. Gusto lang talaga niyang magpaluto nang leche flan." Natawa naman si manang at tinapunan ko naman ng masamang tingin si Tyler.

"Oh, siya. At nang makaluto ako. Mga bata talaga na ire." Pumunta na si manang sa kusina. Sabay naman kaming umupo ni Tyler

Habang kumain kami panay naman ang tapon sakin ni Tyler nang maliliit na butil ng kanin. At dahil palaban ako ay pati rin ako. Naabutan naman kami sa ganoong ayos ni tita.

"Oh, anong nangyayari sa inyo? Para talaga kayong mga bata." Natatawa na saad ni tita. Umayos naman kami nang upo.

"Morning po, tita/ Morning ma." Sabay namin na saad ni Tyler. Tiningnan ko naman siya saka inirapan.

"Kayo talaga! And angel, mommy o ma nalang. Wag na yang tita." Napatango naman ako.

Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay mommy, tulog pa raw kasi si tito.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Tyler. Pagupo ko sa harapan ay agad niyang tinapon sakin ang isang folder.

"Bigay yan sakin nang manager ko na ngayon ay manager mo narin." Tiningnan ko naman siya ng nagtataka. " You are now part of the industry. Dahil sa biglaang pasabog mo nung party nakita ka nang manager ng Silver Dim, ClassyButSassy, 365, and Fab. And all of them want you to model their products. And also, my director is offering a role in a movie at paguusapan daw yung next week."

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Hindi pa masyadong nagproposeso sa utak ko yung sinabi niya.

"Ako mag mo-model?" Tanong ko. Tumawa naman si Tyler.

"Yes, ang swerte mo nga. It just took you one glance para sumikat habang ako 3 weeks." Binatukan ko naman siya.

"Eh, sa maganda ako eh." Irap ko. Sabay naman kaming napatawa sa pinanggagawa namin.

"And i forgot to tell you that, kasama mo si Bryan sa shoot mo mamaya sa Fab." Napatanga naman ako.

What?!

The Superstar's Battered Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now