Chapter 4

34.5K 870 302
                                    

Tama nga ang hinala ko. Hindi pa nga umabot nang isang oras ang insidente sa resto ay nasa balita na kami. Tawa nang tawa nga si Tyler nang makita niya ang video. We were ruling the entire social media mapafacebook man, IG o twitter. Pati nga YouTube ay meron na.

Natatawang pinindor ni Tyler ang play button saka tiningan ang video namin.

" Actor Tyler Reyes was seen with an woman in an amusement park. Hindi namin matukoy kung sino ang babae kasi nakasuot ito nang cap saka shades. But base to her physical features she's maybe a model or a actress too. The girl she was with was maybe 5'6 high, white complexion and almond colored hair. Is our Nationwide Yummy and Hot Actor Tyler Reyes really gonna be settled? For more news please like and inquire our page."

Tumawa ulit si Tyler saka tumayo sa bench na kinauupuan natin. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hilain at lumapit kami sa isang lalake na nagbebenta nang rosas.

"Magkano ho, manong?"

"50 ang isa, ijoh."

"Kukunin ko ho lahat." Nagbayad na si Tyler saka kinuha ang isang bouquet nang rosas.

"Anong gagawin mo diyan?" Kunot noo kung tiningnan ang dala niyang rosas. Bigla naman siyang humarap sa akin saka kumindat.

"Papainitin pa natin ang media." Bigla namang nagsulputan ang mga ideya sa utak ko.

"Oh! No, you don't!" Bulalas ko. Pero huli na ata ang lahat.

Hinila ako ni Tyler sa isang maliit na stadium, may nagbebenta rin nang mga lobo kaya binili na niya. Nagulat pa ako nang pakiusapan niya yung mga tao sa gilid nang stadium na hawakan ang mga lobo saka tumayo sa likod namin.

Sa ngiti palang ni Tyler ay alam ko na ang kalokohan niya.

"It's time to make him boil." Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Tyler. Pero nakarinig ako nang maraming tilian nang biglang lumuhod sa harapan ko si Tyler saka hinawakan ang kamay ko.

"You are truly an angel. An angel that never deserves pain and deserves to be loved. I have known you for more than years and in those years i fell for you, minahal na kita. And still today my heart never stopped loving you.Will you marry me?"

He took out a velvet box and when he opened a crown looking ring was exposed. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun.Nakarinig ako nang hiyawan, may nahimatay at higit sa lahat may nagsisicheer.

Napangiti nalang ako.

"You're crazy, Tyler."

"Just go with the flow. So ano na?" He mouthed.

Hindi ako sumagot pero tumango lang ako. Kunwari sa sobrang saya niya ay niyakap niya ako. Mahina ko naman siyang sinapak.

"Yes! She said yes! Yes! Yes! She's gonna marry me!" Sabay nang hiyaw ni Tyler ang mga palakpakan ng mga taong nanunuod sa amin.

May kumuha ng litrato at may kumukuha rin ng video. Buti nalang at may suot akong sumbrero saka shades.

"Sayang! Dapat hinalikan kita." Agad ko namang pinukpok ang ulo ni Tyler.

"Heh! Halik mo, mukha mo." Natatawa kung saad.

I raised my hand and let the sunrays hit the ring. It sparkled. Napatawa naman ako ulit. I really dreamed to have a ring like this before. Dahil nung kinasal kami ni Bryan it was only by the judge. And the ring was just a plain ring he bought in the streets. Hindi naman sa materialistic na tao ako, it's just the ring symbolises us. There's no us.

Napangiti nalang ako ng mapait. He never cared. And never will.

"Hey! Kakaengage lang natin, ibang lalaki na agad ang iniisip mo!" Umiiyak na saad ni Tyler.

Binatukan ko naman siya saka hinila sa tenga.

"Engage mo, mukha mo!" Natatawa kung saad saka hinila siya sa ilalim ng punong narra.

Nakita ko na nilabas niya yung cellphone niya at may pinindot.

"Trending na talaga tayo!" Natatawang saad ni Tyler , napatingin naman ako sa cellphone niya at nakita ko na balita ang tinitingnan niya.

"Tyler Reyes was seen in the park with an unidentified woman, it was shocking indeed. Tyler Reyes with a woman? Half the popularity thought that Tyler was gay. That's an issue. But what shock us the most is him, proposing for that woman. Who is this woman anyways?"

Napatawa ako ng malakas nang maalala ang sinabi nila.

"Tyler Reyes is gay?" Kantiyaw ko sa kanya. Sumimangot naman siya.

"That was suppose to be a joke." Saad naman ni Tyler.

I just laughed out all the laughters in my belly.

Napatingin ako kay Tyler. He was grinning. Alam ko sa mukha niya na asar na asar na siya. Napatingin ako sa langit. It's already sunset.

Napatingin ako kay Tyler and he nodded. Alam na ata kung ano ang iniisip ko. He gestured na parang aakbayan niya ako kaya lumapit ako sa kanya. Ginulo naman niya yung buhok ko.

"My little sister so cute parang tanga lang kasi." Natatawa niyang saad.

Yes, you read it right. Magkapatid lang po ang turingan namin ni Tyler. For me his like the kuya I never had and for her I'm just the sister that he always wanted.

There's no romantic string attached between us. We treat ourselves like siblings. Ewan, ko ba sa iba. They think na may relasyon kami ni Tyler. Natatawa na nga lang ako.

Bago kami umuwi ay dumaan muna siya sa isang souvenir shop. Bumuli siya ng napakalaki  na panda. Napatalon naman ako ng bigla niya itong ibigay sa akin.

"Akin na to?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Niyakap ko siya saka niya naman ginulo yung buhok ko.

Sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan niya. Kahit masikip ay pinilit kong makapasok sa magkasya kami sa loob.

Pinaandar na ni Tyler ang sasakyan saka umalis na kami. Mabilis kaming nakarating sa ospital. Pagpasok ko namin sa ospital ay hawak ko parin yung panda na bigay sa akin ni Tyler.

Paglingon ko ay nagkakagulo yung mga nurse pati ang doctor. Mabilis naman iyon nilapitan ni Tyler saka tinanong.

"Anong nangyayari, doc?"

Nilingon naman siya ng doctor saka ito nagsalita.

"Sir, hinahanap po kasi nung lalake yung pasyente sa room na ito, tapos ng hindi namin nakita ay binag bibiak at pinagsisira niya yung gamit ng ospital. Ayaw na hong paawat kaya, tumatawag na po kami ng police." Hysterical na saad ng doctor.

Nilapitan naman siya ni Tyler saka tinapik sa balikat.

"Ako na hong bahala." Sabi ni Tyler saka umalis. Sumunod naman ako sa kanya. At habang palapit ng palapit kami sa kwarto na sinasaad nila ay nagiging mas pamilyar ito. Hanggang tumigil kami sa mismong kwarto, sa mismong kwarto ko!

Unang pumasok si Tyler saka ako sumunod. Pagpasok palang namin ay agad kaming sinalubong ng isang lalakeng galit-galit. Gulong-gulo ang buhok nito pati ang damit nito. Pulang-pulang rin ang mga mata nito. Saka niya kami tiningnan ng puno ng galit. Bryan.

"WHERE THE HECK HAVE YOU BEEN?" Galit na galit nitong sigaw. Napayuko nalang ako.

The Superstar's Battered Wife (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu