Chapter 2

43.8K 936 230
                                    

Isang nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa akin nang magising ako. Nilibot ko ang tingin ko sa buong silid. At doon ko lang napansin na nasa ospital na naman ako.Bumangon ako at nagulat ng may humawak sa likod ko.

"Slowly, baka mabinat ka." Saad ni Tyler. Tinulungan niya akong makaupo. Nang makaupo ako ay binigyan niya ako ng unan para sandalan.

Tyler Reyes. Kilalang aktor sa industriya at matalik na kaibigan ni Bryan. Kababata rin niya si bryan kaya alam niya tungkol rito.

" Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

May mga nakalagay na mga parang wires sa katawan ko. May cast rin ang kanang kamay ko at maybenda yung ulo ko.

"Anong nangyari? Paano ako nakarating dito?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako na parang naawa siya.

"I saw bryan beating you up again. I can't stand it. Kaya bago ka pa bumagsak ay nasalo na kita. After what he did umalis na siya kasi tinawagan siya ni Alexis. May lakad ata ang dalawa. I'm sorry!" Mahinang saad ni Tyler.

Napaiwas nalang ako ng tingin. Sabay ngiti nang mapakla. Naramdaman ko naman na muling tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako. Hindi dahil sa sugat ko kung hindi dahil sa nararamdaman ko para kay bryan. Because despite what he did to me, I love him.

Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal. He was never this rude to me before. Pinagbubuhatan niya ako ng kamay pero hindi naman umabot sa punto na magkakagalos ako.

"Ah, ganoon ba? Pabayaan mo na siya." Saad ko kay Tyler saka ko pinahid yung luhang nagbabadya na namang lumabas.

Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Tyler.

"You don't deserve this." Saad niya saka hinaplos ang buhok ko. Parang bigla nalang nawala yung lakas ko at nagsimula na akong humikbi.

"Mahal ko na kasi siya. Mahal na mahal. Mahal ko siya. Kahit masakit, mahal ko siya. Kahit pa saktan niya ako ng paulit-ulit mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya, Tyler. Mahal na mahal. Please! Mahal na mahal ko siya." Naramdaman ko na mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"It's okay. Angel,malakas ka. You're strong. You can handle this. Kapag pagod kana, just rest. Nandito lang ako." Saad niya sa akin. Tumango naman ako.

Napabitiw naman siya nang pumasok ang nurse.

"Ahm, S-sir, M-maam. Yung gamot niyo po titingnan ko lang." saad nung nurse. Agad namang kumunot ang noo ni Tyler.

"Kakapunta lang rin nung nurse rito kanina. May bago ba siyang kailangan na gamot?" Nagtatakang tanong ni Tyler.

"W-wala po sir. Minsan kasi ganyan dito sa amin. Double check ho kami sa hospital." Saad nito saka bigla ring umalis.

Bigla namang tumingin sa akin si Tyler sa akin na nakakunot ang noo.

"Weird!" Saad niya saka niya pinalaki ang butas ng ilong nito. Hindi niya naman na pigilan ang tawa niya.

He never failed to make her laugh sa tuwing nasasaktan siya. Mas nangingibabaw rito ang saya kesa sa sakit. Hindig niya maramdaman ang sakit.

"Stop making me laugh, Tyler. Mas lalong sumasakit yung mga sugat ko." Biro ko rito. But i never thought that he'd take it seriuosly.

"Saan ang masakit? Saan?" Tanong niya saka sinuyod ang buong mukha ko.

Napahalagpak naman ako nang tawa dahil sa ginawa niya. Mabilis niya naman akong pinakawalan saka sumimangot.

"Sa tingin mo nakakatawa yung ginawa ko? Is it funny now, Angel?" Saad niya saka dahan-dahang lumapit sa akin.

Mabilis akong umisog sa kama ko. I know what his gonna do. At sa pagkakaalam ko, masama yun.

Palapit ng palapit siya, then bigla niyang kiniliti yung tagiliran ko.

"Hahahhahah! Tama na! Tama na, please! Tyler!" Pero hindi parin siya tumigil.

Mas lalo niya akong kiniliti. I couldn't stop my laugh kaya mas pinaghahampas ko siya. But habang nahampas ko siya , I accidently pulled off my dextrose. Napangiwi naman ako sa sakit.

Tyler stopped tickling me and looked at my hand.

"Malikot kasi." Saad nito. Sinipa ko naman siya pero mahina lang. Aba! Ako pa talaga?

"Eh, kung suntukin kita?" Banta ko rito. Tumawa lang naman siya saka nilagyan ng bulak yung sugat ko.

"Sulitin na natin yang pagkatanggal ng dextrose mo." Saad niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Anong susulitin?

Nagulat ako nang hilain niya ako papuntang cr saka tinulak papasok rito. He handed me a paperbag.

Nagtaka ako kaya binuksan ko ito. Napatawa naman ako ng makita ang laman. Bagong bili ang mga ito. Panloob at damit.

"Si ate Thea ang bumili niyan, hindi ako." Rinig kong sigaw niya sa labas ng banyo. Mas lalo akong natawa.

Naligo ako saka nagbihis sa binili nilang damit.

It was just a plain croptop shirt. It had an ice cream print all over it. Pinares naman iyon sa isang highwaist na pantalon. Lumabas na ako at nagulat nang bigla akong makahalik sa isang sapatos.

"Binilhan na rin kita ng sapatos. I know your inlove with this shoes." Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang hawak niya.

It was the latest model of my favorite band. It was in color white kaya mas bumagay ito sa suot ko. I never had the chance to buy this kasi lagi akong nakakulong sa mansion at wala na akong oras para sa ibang bagay.Out of joy ay niyakap ko si Tyler.

"Thank you! Thank you, Tyler!" Sigaw ko saka niyakap siya ng mahigpit.

Lumuhod ito sa harapan ko at sinuot sa akin ang sapatos.

"There it's a perfect fit." Sabi niya.

Tumayo na ito saka hinila ako palabas. Nilagyan niya ako nang sumbrero saka hinila paalis sa ospital. Nang nasa parking lot na kani ay agad akong pinapasok ni Tyler sa sasakyan niya.

Habang nagaadjust ako sa pagkaupo ko, may nakita ako sa gilid ng mata ko. I might be just hallucinating. Impossibleng mangyari yun.

I saw a more matured version of me. Mas sopistikada ito sa akin. I didn't get the chance to see what she was wearing kasi pagpikit ko muli at pagmulat ay wala na ito.

Baka sa sobrang pagod lang ito.

The Superstar's Battered Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now