Chapter Eighteen

2.5K 41 6
                                    

“kineclaim ni Cristine na siya yung angel ni Gerald?” narinig niyang tanong ng mommy niya pagkatapos manood ng The buzz

“hindi naman sa ganun mi, tulad ng sinabi ni Ge, baka may gusto lang sabihin si Cristine kay Gerald kaya niya minention yung name ni Ge,” narinig niyang paliwanag ng ate niya.

“hay naku, ayan na nga ba ang sinasabi ko sa inyo eh.”

Napatingin siya ng marinig niyang magsalita ang daddy niya “tungkol po saan dy?”

“Anong tungkol saan? Yang sa Gerald mo.” Sagot ng daddy niya

“tungkol kay Ge?”

“yang ganyang tipo, babaero yan.” Narinig niyang sagot ng ama

“Hmm. Ate, ano ba yung tipo ni Ge?” nakangiting tanong niya sa kapatid.

“Ha? Umm. Yung tipo ni Ge? Siya yung tipo na gwapo, mabait, gentleman, at parang action star.” Nakangiting sagot ng kapatid.

“O diba, in short babaero nga.” Singit ng daddy nila.

“eh Pot, ano yung tipo ni daddy?” narinig niyang tanong ng kapatid

“si daddy? Um. Siya yung tipo na gwapo, mabait, gentleman, at parang action star.” Nakangiting sagot niya.

“Korek! Apir tayo dyan Pot!”

“Kayong dalawa! Hindi ako babaero ha!” saway sa kanila ng kanilang daddy. Nakita niyang tumayo ang kapatid at lumapit sa mommy nila.

“Mi, any comments? And violent reactions?” narinig niyang tanong ng kapatid sa ina.

“No comment” sagot ng ina. Napatawa naman siya.

“Mi, alam mo namang ikaw lang ah” narinig niyang lambing ng daddy niya sa mommy niya

“ayiiiiiiie” sabay nilang tukso sa mga magulang.

“Kayong dalawa, bat ba napunta sa akin to? Na kay Gerald tayo a.”

“Hahaha. Eh daddy kasi, wala kang mapapala ngayon kay Pot, kahit sermonan mo ng sankaterba. Lutang pa yan sa mga narinig niya kanina”

Dahil sa narinig, nabato niya ng unan ang kapatid. Nakaiwas ito, at tumakbo palabas ng entertainment room nila, hinabol naman niya ito. Pagkalabas niya, nakita niyang nakatayo lang ang kapatid at sumesenyas na huwag maingay. Nagtago sila sa may likod ng pintuan at pinakinggan ang pag-uusap ng mga magulang.

“Ate, mapapagalitan tayo neto eh” bulong niya sa kapatid

“shh. Huwag ka magulo” bulong nito sa kanya.

Ilang sandali pa at narinig niyang magsalita ang daddy nila.

“mi, bat parang naniniwala ka kay Gerald?”

“tungkol saan?”

“na mahal niya ang anak natin.”

“Hindi naman sa naniniwala ako sa kanya, pero naniniwala ako sa anak mo.”

“alam mong wala pang alam yun sa mga ganun.”

Nagpout siya ng marinig ang sinabi ng ama.

“hindi mo ba nakikita na kahit papaano, nagmamature na yung anak mo. Kahit madalas, parang bata sa kakulitan, pero pag kinausap mo, may alam naman kahit papaano. Hindi na siya yung tipo na basta na lang gagawin kung ano yung nararamdaman, nag-iisip na siya ngayon.” Mahabang paliwanag ng ina.

“nag-iisip ba yung pumunta sa bahay nung lalaki ng madaling araw para magluto ng soup? Baby pa rin siya”

“haay. Binebaby mo kasi masyado.”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon