Chapter Twenty Eight

1.4K 35 7
                                    

Nakauwi na siya at kasalukuyang nag-iisip kung pupunta ba siya sa party ng binata o hindi. Mula ng pagwelcome ulit sa binata ay hindi na niya ito nakita pero hindi pa rin mawala sa isip nito ang kaswal na pakikipag-usap ng binata sa kanya.

Fine, edi ikaw na ang nakapagmove on. Haay.

Buti pa siya, parang wala lang talaga sa kanya ang mga nangyari. Though, it’s been a year, pero anong gagawin ko, desisyon ko naman ang hindi siya ilet go, secretly.

Haay.

Nagulat siya ng may biglang magsalita sa tabi niya.

“ano na naman ang ibinubuntong hininga mo dyan, aber?” tanong ng kapatid sa kanya

“at kelan ka pa naging ninja?”

“Hahaha. Mula nung mawala ka na naman sa sarili. Hahaha. Pano mo naman malalaman ang pagpasok ko sa kwarto mo eh mukang yang kukote mo eh nandun sa kabilang kanto. Hahaha.”

“Kabilang kanto namang sinasabi mo?” inosenteng tanong niya.

“Haha. Sino ba ang nakatira sa kabilang kanto?”

“Tse.”

“hahahaha. Oh ano, tama ako diba? Hahahaha”

“Tsss. Eh hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko eh.”

“Tungkol na naman saan?”

“Kanina, ininvite niya ako sa bahay nila. May party daw na inorganize yung bestfriend niya, at invited daw lahat ng friends.”

“friends. Ouch”

Pagkarinig nito, inirapan niya ang kapatid.

“pumunta ka” utos sa kanya ng kanyang ate

“ehh..”

“Anong ehh?”

“Tss. Haay. Bakit naman ako pupunta?”

“Kasi ininvite ka.”

“diba dapat iniiwasan ko siya? Kasi alam mo yun, may past kami.”

“Pot, look at him, nakapag move on na siya. And ikaw dapat magmove on ka na din. Sa sitwasyon niyo ngayon, ikaw yung dehado e.”

“O sige, sabe mo nga, di pa ako nakakapagmove on. Diba deserve ko ang time away from him para makapagmove on na ako?”

“tapatin mo ako Pot ha. It’s  been a year and hindi ka pa nakakapag move on. Is it your choice?”

Tinignan niya ang kapatid at hindi sumagot.

“hey, answer me.”

Pagkarinig nito, yumuko lang siya.

“Haay, listen, okay? It’s been a year. Just let go. Tama na yang pagpaparusa mo sa sarili mo dahil sa naging desisyon mo noon. You deserve to be happy so i-let go mo na yung taong matagal ka ng ni let go.” Seryosong pangaral sa kanya ng kapatid.

Dahil hindi pa rin siya sumasagot, narinig niyang nagtanong ulit ang kapatid.

“pupunta ka o hinde?”

“pano ako makakamove on kung lagi ko siyang makikita?”

“Hmm. Just try it. Since yung wala siya, hindi naging effective sa pagmumove on mo. Malay mo pag nandyan siya, ayun yung effective.”

“paano naman magiging effective yun?”

“Um. Kung lagi mo siyang kasama at lagi mong makikita siya na wala ng ‘feelings’ for you. Malay mo dumating yung time na masanay ka ng wala na siyang paki sayo”

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now