Chapter Fourteen

2.5K 45 11
                                    

“Anong oras dadating jowa mo?” narinig niyang tanong ng kapatid.

Rest day niya ngayon at tanging ang kanyang ate Shine lang ang kasama niya sa kanilang bahay since it’s Monday; may pasok si Gab samantalang may inaasikaso naman ang magulang nila para sa resto nila.

“Hindi ko yun jowa.” Sagot niya.

Alam ni Gerald na wala siyang trabaho ngayon kaya kinulit siya nito na dadalaw siya sa kanilang bahay. Pumayag naman ang kanyang ina since ayun naman ang gusto nila; ang ligawan ang anak nila sa kanilang bahay.

“Sus! Dun din pupunta yun.” Sagot ng kapatid.

Kasalukuyan silang naghahanda ng pagkain para sa movie bonding na gagawin nila.

“Weh?” pabirong sagot niya.

“Anong weh? Hahaha. Don’t tell me papakawalan mo pa ang isang Gerald Anderson?”

“Pff. Ayaw ko lang mag expect ate, masakit yun.” Sagot niya.

“Aysows. Masasaktan kita niyan eh!”

“hahaha. Bayolente.”

Ilang sandali pa at biglag nag ring ang phone niya.

“O ayan na.” narinig niyang sabi ng kapatid.

 Lumabas siya ng kusina at nagtungo sa kanilang entertainment room.

“hello.”

“Baby girl.”

“o bakit? Antamlay mo yata ngayon? Ayos ka lang?”

“Um. Yeah, I’m fine. It’s just .. Tss.” She heard him indisposed.

“Ano ba yun?”

“May biglaang shoot kasi ako ngayon for a TVC, I guess, late na matatapos so..”

“so hindi ka makakapunta ngayon dito?”

“yeah. Tss.”

“Hey, ayos lang yan. May ibang araw pa naman.”

“I just miss you.”

“Agad? Magkasama na tayo kahapon at bukas magkikita ulit tayo, diba may shoot tayo bukas? Sa bundok ulit.” She said in her comforting tone.

“Haaay. Yeah.”

“Cheer up na, bumawi ka na lang bukas, ok?”

“Yeah. I will.”

“Okay, babye na ha.”

“babye. I miss you.”

“Sus. Ingat ka dyan.” She then ended the call.

Bumalik na siya ng kusina para sabihin sa ate niya na hindi makakarating si Gerald.

“O nasaan na daw?” salubong na tanong ng kapatid.

Nang magsasalita na siya, biglang may nag doorbell.

“Ohh, mukang nandiyan na ang jowa mo ah.” Asar sa kanya ng kapatid. “Manang, pwede po papasukin niyo na po yung bisita, may inaasikaso lang po kami dito ni Pot.”

“Pot, dali mag-ayos ka na” utos sa kanya ng kapatid.

“Ha?! Um.” Bigla siyang nataranta sa mga naganap.

Si Gerald nandiyan? Pero sabi niya kanina may shoot siya? Oh. Nagjojoke lang ba yun kanina?

She smile.

Aysus. May pa I miss you I miss you pa kanina, makakarating naman pala.Hm. Wow ha, gumagaling na siya sa pag arte.

Hinila na siya ng kapatid palabas para salubungin ang kanilang bisita. Saktong pagpasok naman ng manang nila kasama ang isang binata.

The Princess Meets The Prince (Ashrald Fanfiction)Where stories live. Discover now